Kabanata 19

624 59 7
                                    

Kabanata 19

I MUST not fall for him any further than this. I mustn't. I musn't, iyan ang paulit-ulit na mantra ni Coffee habang nakatitig kay Ares.

Pero sa bawat pagtingin ni Coffee kay Ares, sa bawat sandali na nakakasama niya ito, na naririnig niya ang tinig nito, lalo siyang nahuhulog sa lalaki.

Lalo niya itong minamahal.

Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na, "Huwag. Sasaktan mo lang siya. Sasaktan mo lang ang sarili mo." Pero makulit ang puso niya. Nagtatalo ang isip at puso niya.

Ang hirap pala kapag ang sarili mo mismo ang kalaban mo. 'Yong kahit nasasaktan ka na, kahit iba ang gusto mong gawin, hindi mo magawa kasi natatakot ka, kasi ayaw mong makasakit ng iba.

"Ano'ng ginagawa natin dito? Sarado na 'tong mall! Gusto mo bang mahuli tayo ng guards?!" bulalas ni Coffee nang huminto ang sasakyan ni Ares sa tapat ng saradong mall.

"Trust me, walang huhuli sa 'tin."

Inirapan niya ito. "Kapag ako nakulong—"

"Kung makukulong ka man, sa bisig ko lang."

Namumula ang pisnging pinandilatan niya ito. "Ares!" Bakit namumula ang pisngi niya? Kasi gusto niya ang 'suhestiyon' nito.

"From this point onwards, you need to wear a blindfold."

"Bakit?" kunot-noong tanong niya kay Ares.

"Just because."

"Bakit nga?"

Natatawang pinisil nito ang ilong niya. "'Wag nang matanong. Pikit."

Pumikit siya. Naramdaman niya ang paglagay nito ng tela sa ibabaw ng kanyang mga mata.

Pumaikot ang isa nitong braso sa kanyang beywang habang ang isa ay nakaalalay sa kanyang siko. Hindi siya kinakabahan kahit na wala siyang makita dahil alam niyang hindi siya pababayaan ni Ares.

The faith and trust she felt towards him was unexplainable but she trust him nonetheless.

"Nandito na tayo. Pagbilang ko ng tatlo, saka mo alisin ang blindfold."

Pinakinggan ni Coffee si Ares. Saktong pagbanggit nito ng 'tatlo' ay tinanggal niya ang ang takip sa mata. Her mouth formed an 'o' when she saw what was in front of her.

Dahil sarado na ang mall, sila lamang ang tao doon, maliban siguro sa operator nitong parteng kinatatayuan nila ni Ares.

"Come."

Tinulungan siya ni Ares na magsuot ng ice skates. Inabutan din siya nito ng jacket na di hamak na malaki. Inamoy niya iyon. Sa amoy pa lamang, alam na niyang kay Ares iyon.

"Hindi ako marunong mag-ice skating," aniya habang inaakay siya ni Ares papasok sa skating rink.

Pinisil nito ng tatlong beses ang palad niya. "Tutulungan kita."

"Okay."

Hinawakan ni Ares ang magkabila niyang kamay at dinala siya sa gitna. Noong una ay kinakabahan pa siya pero n'ong nasanay na siya at naka-balanse, unti-unting nawala ang kaba niya.

A big smile was on her lips while skating without Ares' help.

"Look, look! Kaya ko nang mag-isa!" tuwang-tuwang aniya.

Napasinghap siya nang biglang humarang sa harapan niya si Ares. Ipinalibot nito ang magkabilang braso sa katawan niya. 'Ni usok mula sa mga yelo ay hindi makakadaan sa pagitan nilang dalawa.

Yumuko ito at pinagdikit ang tutok ng mga ilong nila.

"Short stuff, are you having fun with me?"

"Y-yes."

He smiled while his face was still this close to her. "I'm glad. Masaya akong nakikita kang masaya, Coffee."

"Masaya akong kasama ka, Ares."

Don't fall for him even more, Coffee!

Pero marupok nga yata siya.

Bigla siya nitong ginalaw upang mapaharap siya. Ngayon ay yakap-yakap siya ni Ares mula sa likuran. Ramdam niya ang init na nagmumula sa lalaki sa kabila ng suot niyang damit at jacket.

Ipinatong nito ang ulo sa kanyang balikat. "Look," mahinang anito.

Mayamaya, may bumagsak na mga kulay puti mula sa itaas ng skating rink.

"T-that's—"

"Improvised snow. Hindi kita puwedeng dalhin sa ibang bansa para sa snow dahil masama sa 'yo, kaya pagtiyagaan muna natin 'to."

Napalunok siya at itinaas ang palad upang sapuhin ang isang improvised snowflake.

"This is..." Napatingala siya at pumikit. Hinayaan niyang dampian ng improvised snowflake ang pisngi niya. "...awesome!"

Ngiting-ngiting binalingan niya si Ares. Unlike her who was grinning from ear-to-ear, Ares was just standing here with this soft smile on his face.

One thing she noticed though, was that, the sadness wasn't in his eyes anymore. It totally disappeared in his eyes. His smile was reaching his eyes now.

"Snow! Oh my God! Ang cool nito!"

Idinipa niya ang magkabilang kamay at pumikit. Kahit alam niyang hindi ito totoo, masaya pa rin siya dahil nag-abala si Ares na gawin ito para sa kanya.

"Salamat, Ares."

Nag-skate ito palapit sa kanya. Walang anu-ano ay bigla siya nitong hinalikan sa tutok ng kanyang ilong.

"Adorable, short stuff. So adorable."

Walang pagdadalawang-isip na kumapit siya sa braso ni Ares at tumingkayad. Isang magaang halik sa pisngi ang binigay niya sa lalaki.

"Life is beautiful, isn't it?" aniya.

"And so is you," masuyong sagot nito.

"Ares..."

"Hmm?"

"Because of what you had done for me, I realized something."

"Ano 'yon?"

"Because of you, I realized that it is okay to live."

Hinapit siya nito at niyakap ng mahigpit. "Then live, Coffee. If not for me, then, for yourself."

Nag-ceasefire ang laban ng utak at puso niya.

Coffee's I-want-to-live-my-life-so-I-will-do-the-following-to-enjoy-life List

Number 08: Maka-experience ng snow! Let it snow please!

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon