Kabanata 16

625 57 12
                                    

Kabanata 16

"SALAMAT ulit sa tulong, doc."

Binalingan ni Ares ang nagsalita.

"Wala po 'yon," tanging sambit ni Ares.

Muli niyang itinutok ang paningin sa natutulog na pigura ni Coffee.

Talagang nagulat siya nang nakitang sinugod ang dalaga dito sa ospital. It was against the code but he still asked Coffee's doctor what had happened.

Nakita di umano ito ng librarian sa SVU na walang malay sa loob ng library. Dahil sa takot ay kaagad na tumawag ito ng ambulansya para kay Coffee.

Fatigue, stress, and the worsening of Coffee's heart condition were the reasons why she was lying here at the hospital bed looking pale and sickly.

Naikuyom ni Ares ang mga kamay maisip pa lamang niya na mag-isa ang dalaga at kung hindi pa ito nakita ng librarian, baka hindi ito kaagad naisugod sa ospital at baka kung ano pa ang nangyari dito.

"Sinabi ko na sa batang 'to na 'wag magpabaya. Ngayon ko lang nalaman na nagko-community service pala siya dito sa ospital." Lumapit ang daddy ni Coffee sa hinihigaan ng dalaga. Umupo ito sa bakanteng upuan doon bago ginagap ang palad ni Coffee. "Masama ba akong ama kung gusto kong itago ang anak ko hanggang sa makahanap ako ng pusong nararapat sa kanya para hindi siya inaatake kagaya nito?"

He wanted to say that he wanted that as well. He wanted to lock her up somewhere where no harm could befall her. But he knew it would kill her inside.

"Sir, I've been with Coffee while she was doing her community service. Nabanggit niya po sa 'kin ang tungkol sa sakit niya. I understand your want to protect her. But caging her won't help her at all," aniya. Sumandal siya sa dingding at humalukipkip. "Coffee needs to experience how it is to live for her to live. Coffee needs all the strength she can get so she can face this problem."

Bumaling kay Ares ang ama ni Coffee. Halu-halong emosyon ang nasa mga mata nito.

Napabuga ito ng hangin. "Napagtanto kong isa ako sa mga dahilan kung bakit tila ayaw labanan ni Coffee ang sakit niya noon."

"Wala pa rin po bang nahahanap na puso para sa kanya?"

Nakatiim ang bagang na umiling ito.

Ares heaved a sigh.

Mula sa bulsa ng suot na damit ay inilabas niya ang to-do list ni Coffee. Ibinigay niya iyon sa matanda. Iyong mga bagay na nagawa na niya para sa dalaga ay naka-strike na.

"Ginagawa mo ang mga ito para sa kanya? Bakit?"

Lumipat kay Coffee ang paningin niya. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi.

"I just want to," simpleng sagot niya.

Nagtitigan silang dalawa na tila ba sinusukat ang bawat isa. Kapagkuwan ay nginitian siya ng ama ni Coffee.

"Call me Tito Pol, hijo."

He smiled at the person who gave life to Coffee.

"Huwag mo sanang pababayaan ang anak ko, Ares," biglang ani ng matanda.

"Protecting her is all that matters now," mahinang sambit niya.

"Salamat."

"Lalabas po muna ako."

Bago siya makalabas ng pinto ay narinig niyang nagsalita ang ama ni Coffee.

"Do you have feelings for my daughter other than friendship?" tanong nito.

Napahinto siya sa paglabas. Nilingon niya ang matanda at nginitian. "Is it raining, sir?"

Before Coffee's dad could answer, Ares had already went out of the room.

Napatingin siya sa bintana.

"Ah, ang lakas ng ulan," aniya sa sarili.

It seemed like something heavy was lifted from his heart.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now