Kabanata 3

799 54 18
                                    

Kabanata 3

"HOW MANY times do I have to tell you to stop going here, Ares?"

Imbes na sumagot ay ngumiti lamang si Ares at pabagsak na umupo sa mahabang sofa sa gilid ng opisina ni Mace. Kasalukuyan siyang nandito muli sa Saint Vincent University, ang kanyang alma-mater. Mace, one of his friends, was now the director of the said university.

"It's been ten years already, Ares," mahinang anito sa kanya bago siya inabutan ng kape.

"Really? It felt like it was just yesterday, Mace," aniya.

Imbes na pumuwesto sa likuran ng mesa ay umupo sa tabi niya ang kaibigan. "Because you can't leave the past behind," anito.

He smiled bitterly. "You know I can't forget what happened."

Ngumiti ito. "I didn't say you need to forget what happened, Ares. You just need to leave it all behind and move on."

Napabuga siya ng hangin at marahas na hinagod ang buhok. "I'm trying."

"You aren't. If you're really trying, you won't be here every-goddamn-day reminiscing and burying yourself in pain."

Tumayo na siya at isang ngiti lamang ang iniwan sa kaibigan bago lumabas ng opisina nito. Dumiretso siya sa lugar na palagi niyang pinupuntahan sa araw-araw na pagpunta niya dito sa SVU.

Looking at the abandoned field behind the main building, he could not help but feel nostalgic. Every single day for ten years, he never failed to visit this place, less the years he spent abroad.

Umupo siya sa bakanteng bench at tumingala sa kalangitan. "How are you doing there?" mahinang aniya na tila ba may kausap siyang talaga.

Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan na niyang umalis.

It was his time to be Superman now.

KANINA pa nararamdaman ni Coffee ang tingin ng mga estudyante dito sa unibersidad. Most of them have pity on their eyes when she caught them looking at her.

Dahil pa rin ba ito sa break-up nila ni Caleb?

Akmang palabas na siya ng SVU nang makita niya ang pamilyar na pigura ni Caleb na naghihintay doon. Napalunok siya kasabay nang pagbalot ng pangungulila sa puso niya.

Bago pa man tuluyang rumehistro sa isipan niya ang presensya ng lalaki ay isang babae ang lumapit kay Caleb at niyakap ito. She felt like her heart was being gripped by a hard hand when she saw Caleb hugging the girl, too. It was her best friend Tania.

Wala ka ng karapatang magselos at masaktan, Coffee. Break na kayo, 'di ba? At ikaw ang nakipag-break sa kanya, ani ng lohikal na bahagi ng utak niya.

Napahinga siya nang malalim kasabay ng pinong kirot sa puso niya. Nang lumingon si Caleb sa panig niya at nagtama ang kanilang mga mata ay pilit niyang nginitian ang lalaki. Kung si Tania ang makapagpapasaya dito, magiging masaya rin siya para dito.

Tumalikod na siya at pumunta na lamang sa likuran ng main building. Abandonado na ang lugar na iyon at naging tambakan na lamang ng sirang gamit.

Umupo siya sa bench at pumikit nang mariin upang pigilan ang pagpatak ng mga luha. Nang tuluyan pa rin pumatak ang mga luha niya ay mariin niyang idiniin ang palad sa mukha. Bakit ba ang hina-hina niya?

"I let you go so you could be happy and be free of pain, Caleb. I let you go because I love you and I don't want to be selfish and be a burden to you," mahinang aniya. Pero kahit alam niyang tama ang desisyon niya at alam niyang magiging masaya rin si Caleb, hindi pa rin niya maiwasang masaktan.

Before she could drown herself in her dark thoughts, she felt something on her ears the same time a soft melody rang on it.

The tightness she had felt in her heart was slowly disappearing as she listened to the song.

Nanatili siyang nakapikit at hindi alintana kung sinuman ang naglagay ng headset sa tainga niya. The song coming from the headset was calming and soothing her aching heart and that was what mattered to her right now.

Nang matapos ang awitin ay saka siya dumilat. Ang nakatingalang mukha ng doktor na tumulong sa kanya ang bumungad sa kanya. Nakaluhod ito sa kanyang harapan.

Umupo ito sa tabi niya. Sa kamay nito ay kulay itim na cell phone. Doon nanggagaling ang awitin na pinarinig nito sa kanya.

"Love is like that. You will choose to hurt yourself than to hurt others," anito sa kanya habang ang paningin ay nanatiling nakatutok sa kalangitan. "Feeling okay now?"

Inalis niya ang headset sa tainga at ipinatong iyon sa kandungan ng lalaki. "Yeah. Thank you again."

"It was nothing."

Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit nanditong muli ang lalaki sa Saint Vincent. Hindi naman ito resident doctor ng unibersidad nila.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone niya sa kanyang bulsa. Pagtingin niya sa screen ay ang daddy niya ang nag-text. Nasa gate na daw ito.

"Mauna na po ako. Salamat po sa pagtulong," aniya at tumayo na.

Saka lamang siya binalingan ng lalaki. Pakiramdam niya ay tumagos sa puso niya ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito. Subalit hindi kagaya niya, pilit pa rin ngumiti ang lalaki. "Take care, short stuff."

"Short stuff?"

"You're small."

Imbes na ma-offend ay nangiti na lamang siya. "Bye."

Habang naglalakad papalabas ay saka niya lamang napagtanto ang kilos niya kapag kasama niya ang estrangherong iyon. Wala siyang makapang alinlangan o takot. Siguro ay dahil minsan ay tinulungan siya nito. She felt like she could trust him.

Or maybe it was because it seemed like he could relate to the pain she was feeling right now.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu