Kabanata 9

687 54 13
                                    

Kabanata 9

"KUMAIN ka na ba?"

Mula sa story book na hawak ay binalingan ni Coffee si Ares.

Napatingin siya sa relong pambisig. Lagpas alas-sais na pala ng gabi. Napadako ang paningin niya sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Lilly, ang batang binabasahan niya ng kuwento ngayon. Naroon pa rin ang sandwich na binigay ni Ares kanina para sa merienda niya. Hindi na niya iyon nakain dahil nawala sa isip niya.

Nakagat niya ang ibabang labi. Sa pagkakilala niya kay Ares, ang isa sa ayaw na ayaw nito ay 'yong nagpapalipas ng gutom.

Kumunot ang noo nito at napailing. "'Tigas ng ulo mo, Coffee. Let's go. Kumain muna tayo sa baba," utos nito.

Kaway at ngiti ang iniwan niya sa mga bata bago lumabas ng ward. Naramdaman niya ang palad ni Ares sa likod niya habang ginigiya siya nito papunta sa elevator.

"Alam mong masama sa 'yo ang nagpapalipas ng gutom, Coffee."

Kahit gusto niyang mainis dahil sa paninita nito ay hindi niya magawa. Alam naman niya kasing tama ito at may mali rin siya.

"Ayaw mong maging mahina sa harapan ng ibang tao, 'di ba? Ipakita mo sa kanila na malakas ka, na kaya mong alagaan ang sarili mo," patuloy na panenermon nito.

"Sorry na. Nag-enjoy lang kasi akong makipagkuwentuhan sa mga bata."

Napabuga ng hangin si Ares. "Oo na. Stop with those puppy eyes!"

Natawa na lamang siya at tinapik ang palad ni Ares na tumakip sa kanyang mukha.

Pagkarating sa cafeteria ay naghanap na siya ng mauupan nilang dalawa ni Ares habang ang lalaki ay dumiretso sa hilera ng mga pagkain. Ganito ang palagian nilang routine. Hindi nga niya alam kung kailan naging "task" na dapat ay sabay silang kakaing dalawa dito sa ospital. Basta ba nagising na lamang siya at napansin na ganoon na ang ginagawa nila. Hinihintay niya si Ares kapag may ginagawa pa ito, o kaya naman ay siya ang sinusundo nito.

It was nice.

"Ano'ng gusto mong pagkain?" Isa-isa nitong binanggit ang mga putahe.

"Chopsuey na lang. Pati isang saging. Thanks, Ares."

Bumalik na ito sa hilera ng mga pagkain. Siya naman ay nanatiling nakasunod sa lalaki ang paningin. Malaking bagay na ang pagpapakita nito ng concern, 'yong tipong hindi nito pinapakitang mahina siya sa kabila ng mga tulong na ibinibigay nito.

He could make her smile, too. The same way Caleb had done to her before.

Nang maalala ang dating kasintahan ay may kumurot na sakit sa puso niya. Hindi niya alam kung dahil iyon sa kanyang sakit o dahil sa pagkaalala kay Caleb.

Napatingala siya nang may naglapag ng pagkain sa harapan niya.

"Kainin mong lahat 'to. Dapat mabawi mo 'yong hindi mo pagkain ng merienda kanina," anito sa kanya bago umupo sa bakanteng mesa sa tapat niya.

"Yes, sir," pagbibiro niya.

Naiiling na ngumiti lamang si Ares. Dahil sa pagiging magaan ng loob niya sa lalaki, hindi iisipin ng ilan na kailan lamang sila nagkakilala ni Ares.

There was something comforting about him. It was as if whenever she was with him, she could forget her worries and fears.

Habang kumakain sila, biglang may lumapit na matandang babae sa mesa nila.

"Hijo, ito na 'yong juice. Fresh 'yan, purong grapes, walang halong preservatives," anito kay Ares sabay lapag ng isang baso sa mesa.

"Thanks, 'Nay Gina. The best ka talaga," nakangiting ani Ares sa matanda.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon