Kabanata 2

939 58 10
                                    

Kabanata 2

"SIGURO dapat ay magpahinga ka muna kahit isang linggo, anak. Baka kung mapaano ka na niyan. Manghihingi na lamang ako ng medical certificate para maipakita mo sa mga professor mo."

Nginitian ni Coffee ang kanyang ama. Nang sinundo siya nito sa Saint Vincent University kanina, ang unibersidad na pinapasukan niya, ay kaagad silang dumiretso sa doktor niya sa St. Luke's Hospital. Nang matapos ang check-up at hindi naman siya kailangang i-confine ay umuwi na rin sila.

"I'm okay, dad. Simpleng paninikip lamang po iyon ng dibdib."

"Alam mong walang simple sa kalagayan mo, Coffee!" matigas na anito sa kanya.

Umayos siya sa pagkakaupo sa kama at ginagap ang palad ng ama. Her heart was breaking every time she saw the pain and suffering in her dad's eyes. "Don't worry about me, dad."

"Don't worry? Para mo na rin sinabi na pabayaan na lang kita, Coffee," gumaralgal na ang tinig nito dahilan ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"Dad—"

"Is it too much to ask you to love yourself, anak?" Hindi siya nakakibo. Masuyong hinaplos ng kanyang ama ang buhok niya at marahan siyang kinabig sa bisig nito. "I won't give up on you, anak. Kaya sana, 'wag ka rin sumuko."

Tila batang kumapit siya sa kanyang ama at pumikit nang mariin. Hindi niya gustong ipakita sa ama ang luha dahil alam niyang lalo lamang itong masasaktan.

Binitiwan na siya nito at inalalayan siya sa paghiga. Inayos nito ang kumot niya at magaan siyang hinalikan sa noo.

"Magpahinga ka muna. Aakyatan na lang kita ng pagkain mayamaya."

"Thanks, dad."

Nang makalabas ang ama ay saka niya hinayaang dumaloy ang luha sa magkabila niyang pisngi. Pakiramdam niya ay napaka-makasarili niya. Pakiramdam niya ay wala siyang utang na loob dahil sa pasakit na ibinibigay niya sa kanyang natitirang magulang.

Pero mahina siya. Hindi niya kayang labanan ang sarili niya.

Napapiksi siya nang biglang nag-flash sa screen ang pangalan ng lalaking kani-kanina lamang ay iniisip niya. Ang dapat niyang gawin ay huwag nang pansinin ang tawag nito subalit nauna ang bulong ng puso niya.

She answered the call.

"Coffee..."

Itinakip niya ang kamay sa bibig upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi.

"Y-you're drunk, Caleb," ani na lamang niya dahil sa nahimigan niya sa tinig nito.

"What went wrong? What happened to us?"

Hindi na niya nakayanan na marinig pa ang tila paghihirap sa tinig nito. Pinutol na niya ang tawag at mahigpit na niyakap ang aparato na tila ba si Caleb iyon.

Hindi niya makakaya na magaya ito sa daddy niya. Na nang dahil sa pagmamahal sa kanya ay nahihirapan ngayon.

She needed to let him go. Even if it hurts.

TAHIMIK na hinihintay ni Coffee ang pagdating ng daddy niya. Simula noong nag-break sila ni Caleb, sinusundo na siya ng daddy niya kapag hindi sila magkasama ni Tania.

Kung siya ang papipiliin, mas okay pa na mag-commute na lamang siya araw-araw pero hindi pumayag ang daddy niya. Baka raw kung mapaano pa siya sa biyahe. Hindi niya masisisi ang daddy niya kung tila isang babasaging bagay ang trato nito sa kanya. Her health wasn't on its best as of now.

Umupo siya sa bakanteng bench sa gilid ng university gate at doon nagpasyang hintayin ang sundo.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas nang may tumabi sa kanya. Namilog ang mga mata niya nang makilala ang lalaking tumabi sa kanya.

It was the guy who helped her before!

"Hi. It's you again," nakangiting bati nito sa kanya pero napansin pa rin niya ang lungkot sa mata nito.

Natatarantang napatayo siya sabay yuko sa lalaki. "Thank you po sa pagtulong sa akin n'ong inatake ako ng sakit ko. Pasensya na po kung hindi ako kaagad nakapagpasalamat sa 'yo," nakayuko pa rin na aniya dito.

Naramdaman niya ang marahan nitong paggulo sa buhok niya.

"You're welcome. Are you okay now?"

"Opo."

Walang salitang umupo siyang muli sa tabi nito. Lumipas ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Napapiksi siya nang naglabas ng isang kulay pulang band-aid ang lalaki at biglang itinapat sa kanyang mukha.

"You have a tiny scratch on your hand," simpleng anito.

Napatingin siya sa tinutukoy nito. Kaagad niyang itinapal sa sugat ang band-aid na bigay nito.

"You're a doctor, right?" tanong niya dito.

"Yes."

"Why did you choose that profession?"

Nagulat siya nang may isang emosyon siyang nakitang dumaan sa mata nito. Pain.

"It may sound so cliché but I want to save lives. Hindi man lahat kaya kong iligtas, kahit kaunti man lang," anito. Despite the small smile on his face, there was still the lingering pain and sadness in his eyes.

Naalala niyang bigla ang kanyang ina. "You can't save everyone," aniya at nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mata nito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pero sapat na 'yong ginagawa mo ang makakaya mo para makatulong."

Hindi ito kumibo at nanatiling nakatutok ang paningin sa malayo. Kapagkuwan ay binalingan siya nito. "You're right," mahinang anito. Tumayo na ito. "Salamat. Mag-iingat ka."

Tumango na lamang siya at sinundan ang papalayo nitong pigura na papasok sa Saint Vincent. Saktong nawala na ito sa paningin niya nang huminto sa harapan niya ang sasakyan ng daddy niya.

Kaagad siyang sumakay sa passenger seat at akmang isusuot ang seat belt nang mapatingin siya sa harapan. Standing there was Caleb with an unreadable expression on his face.

Kaagad niyang iniwas ang paningin sa dating nobyo pero aaminin niyang nakita pa niya ang pagdaan ng sakit sa mata nito bago iyon naglahong parang bula.

"Si Caleb iyon, 'di ba?" anang daddy niya sa kanya.

"Let's go, dad," aniya imbes na sagutin ang tanong nito.

"Hija—"

"Let's just go, dad. Please."

Napabuga ito ng hangin. Nang dumaan ang sasakyan sa tapat ni Caleb ay hindi rin niya napigilan ang sariling tingnan ito.

I'm sorry, Caleb. But I know you'll move on. This is for your own sake.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora