Kabanata 4

776 55 10
                                    

Kabanata 4

NAGPASYANG maglakad-lakad muna si Coffee bago umuwi. Kasalukuyan siyang nandito sa St. Luke's Hospital dahil sa ginawang interview sa kanya. Ni-require kasi ng isa nilang professor ang pagko-community service sa kahit na anong public o private agency. Kailangan nilang abutin ang karampatang oras para makapasa sa subject nila. Nakapasa naman siya at maaari na siyang magsimula bukas.

Naisip ni Coffee na dito sa St. Luke's mag-volunteer. Gusto niyang makatulong kahit sa paraang ito. Dahil kung siya ang nasa lagay ng mga batang nakaratay sa kama at hindi makalabas ng ospital, iyon ang gusto niyang maramdaman—iyong may tao sa labas ng ospital ang magmamalasakit sa 'yo.

Hindi niya sinabi ang pasyang ito sa kanyang daddy dahil alam niyang tatanggi ito dahil sa kalagayan niya. Saka na lamang niya sasabihin ito kapag nakapagsimula na siya. Ang alam nito ay sila ni Tania ang magkasama at may kasabay siyang umuwi. If he learned she was alone right now, he would be pissed for sure.

Nakarating siya sa children's ward. Mayroong glass window sa gilid at natatakpan iyon ng kurtina mula sa loob. Lumapit siya doon at saka niya napansin ang bahagyang puwang sa bintana.

Sumilip siya sa loob.

Nasa loob ay mga batang naglalaro marahil sa isa hanggang walo ang edad. Bawat isa ay may mga tubong nakakabit sa mga katawan.

Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pintuan ng children's ward. Namilog ang mata niya nang lumabas mula doon ang lalaking tumawag sa kanya ng "short stuff."

"Oh, it's you, short stuff. Fancy seeing you here," nakangiting bati nito saka siya nilapitan.

"Hello. Dito ka pala nagwo-work," tanging aniya.

Dumako ang paningin nito sa puwang sa bintana at kagaya ng ginawa niya kanina ay tiningnan nito ang nasa loob—na siyang pinanggalingan nito kani-kanina lamang.

Dahil nakatutok dito ang pansin ay nakita niya ang paglambot ng mata nito habang nakatitig sa loob ng children's ward.

Sa isip niya ay bagay sa lalaking ito ang maging doktor. With his white trench coat, the stethoscope on his neck and his immaculate clean face and hair; he was every patient's dream doctor.

"I'm Ares, by the way. And you are?"

"Coffee Salvacion," pakilala niya.

"Salvation, huh," mahinang anito. "What are you doing here, short stuff?" biglang tanong nito.

"Interview po."

Tila interesadong bumaling ito sa kanya. "For what?"

"Community service. Required po kasi sa university, eh."

Tumango-tango ito. "Why did you choose a hospital? It's depressing here," nakangiting anito.

It was nice talking to him because she could see the sincere interest in his eyes. Hindi ito nagpapanggap lamang na interesado sa sinasabi niya.

"I know. Gusto ko lang makatulong sa paraang alam ko. I know how hard it was to be in their position," aniya sa mahinang tinig bago tuminging muli sa loob ng ward.

Ramdam niya ang init ng titig ni Ares. "It was hard but if you're strong, you could get through it."

She smiled.

"Let's go," biglang anito.

Naguguluhang tiningnan niya si Ares. "Huh?"

"Inside. Ipapakilala ko sa 'yo ang mga angels ko."

Nang binuksan nito ang pintuan at iminosyon na pumasok siya ay walang pagdadalawang-isip na sumunod siya sa lalaki.

Sabay-sabay na nagsitinginan sa kanya ang mga gising na pasyente sa ward nang marinig ang pagsara ng pinto.

"Hi, kids! Kasama ko si Ate Coffee. Gusto niya kayong makilala," ani Ares sa mga bata.

Pakiramdam niya ay may pumiga sa puso niya habang nakatingin sa mga bata. Sa kabila ng kondisyon ng mga ito ay nakangiti pa rin siyang binati ng mga ito.

"Coffee? Hindi ka naman po inumin, di ba?"

"Wow! Mukha kang fairy!"

"Kape, kape!"

It was a surprise to her—seeing these kids being so energetic to a mere stranger like her.

Napalunok siya upang alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin.

Humihingi ng saklolong tumingin siya kay Ares. Tila nabasa naman nito ang nasa mata niya dahil nakangiting binalingan nito ang mga bata.

"Nahihiya si Ate Coffee niyo, eh," anito.

"'Wag ka hiya, Ate Kape."

Nanginginig ang mga labing nginitian niya isa-isa ang mga bata sa ward. "Hello, kids. Ang ku-kyut niyo talaga," aniya.

"Yehey!"

Sa bawat tanong ng mga bata ay may nakahanda siyang sagot. She realized that she was really enjoying talking to these kids.

Napatingin siya kay Ares. His face was so serene. Tinanguan siya nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na sila sa mga bata. Pero nag-iwan siya ng pangako na babalik siya. Sana ay dito siya mapunta sa araw ng community service niya.

Paglabas nila ng ward ay nakangiting binalingan niya si Ares. "Thank you for letting me meet them."

"You're welcome. The kids need a new face. Kapag paulit-ulit na tao ang nakikita nila, malulungkot at maiinip sila."

"Ano ba ang sakit nila?"

"Karamihan ay sa puso."

Sa sigla ng mga bata, hindi mo iisipin na malubha ang sakit ng mga ito. They were energetic and lively. It was unfair for them to be in this kind of position.

"Why them?" mahinang aniya habang nakayuko.

Naramdaman niya ang marahang paggulo ni Ares sa buhok niya. "Kahit mga bata sila, tanggap nila ang kung anuman ang pinagdadaanan nila kaya wala tayo sa posisyon para kuwestiyunin sila. What they need is our full support and care. They're strong, short stuff. They're stronger than us."

"It's scary," aniya. Hindi na lamang ang mga bata sa loob ang tinutukoy niya kundi maging ang kanyang sarili.

"Being strong isn't the absence of fear, short stuff. As long as you keep on fighting, you're strong."

She didn't know why his words made a big impact on her heart.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now