Kabanata 29

878 48 5
                                    

Kabanata 29

THE SECOND time Coffee opened her eyes, she still could not believe she had been given a second chance to live.

Inilabas na siya sa ICU at nasa private room na siya. Kailangan pa niyang manatili ng tatlong linggo sa ospital para ma-monitor ang kalagayan ng pusong inilipat sa kanya.

Napatingin siya sa natutulog na pigura ng kanyang ama.

The time of the operation was blurry to her. Sinabi ng daddy niya na huminto sa pagtibok ang puso niya. Her daddy told her she almost died. Sinabi rin ng daddy niya na halos ipagtulakan ng mga doktor at nurses si Ares para lamang mapalabas ito ng operating room. Sinabi rin ng daddy niya na hindi siya binitiwan ni Ares.

Naalala niya ang panaginip niya. Sa panaginip niya, sinabi ni Ares na mahal siya nito. Sinabi nito na huwag siyang sumuko. Siguro iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas para kumapit pa.

Kahit man lamang sa panaginip niya, naging totoo ang pagmamahal ni Ares.

Simula n'ong lumabas siya sa ICU at nilipat ng kuwarto ay hindi pa niya nakikita si Ares. Okay. Simula n'ong nagising siya sa operasyon ay hindi pa niya nakikita si Ares.

Now that the surgery was okay, would he leave her then?

Nang bumukas ang pinto ay dagli siyang napatingin doon. Ang akala niya ay si Ares ang bumisita sa kanya. Hindi pala. Alam niyang bumalot ang pagkadismaya sa mukha niya nang si Caleb ang iniluwa ng pinto.

"Sobrang saya mong makita ako, ah," nakangiting ani Caleb kay Coffee.

Napangiwi siya. "Sorry. Paano mong nalaman na nandito ako?"

Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ng kama niya. "Tinawagan ako ng boyfriend mo," sagot nito.

Tinutulak na ba siya ni Ares papunta kay Caleb?

"How are you feeling?"

"Parang pinasagasaan sa truck," pagpapatawa niya upang pagtakpan ang bumalot na hinanakit sa puso dahil sa pagkaalala kay Ares.

"Masaya akong naging tagumpay ang operasyon, Coffee. Nabigyan ka ng ikalawang pagkakataon para mabuhay, gamitin mo 'yan para maging masaya ka."

Iniwas niya ang paningin kay Caleb.

"I still love you, Coffee," biglang anito pagkalipas ng ilang minuto. Napatingin si Coffee kay Caleb. Bagama't seryoso ang ekspresyon sa mukha nito, may nakapaskil pa rin na maliit na ngiti sa labi nito. "I love you enough to let you go and be happy with Ares. Alam kong mamahalin ka niya ng nararapat."

Ilang minuto pang naglagi si Caleb sa tabi niya. Hindi niya namalayang inagaw na siya ng antok. Dahil marahil iyon sa gamot na tinurok sa kanya.

Hindi niya tuloy nakita ang pagpasok ni Ares sa silid niya.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon