Kabanata 30

1.1K 55 7
                                    

Kabanata 30

ONE WEEK. One week nang hindi nakikita ni Coffee si Ares.

Sa tuwing bibisitahin siya ni Ares, nagpapanggap siyang tulog. Hindi pa niya nahahanap ang lakas para kumprontahin si Ares. Masyado pang sariwa ang sugat sa puso niya.

Natutuwa na rin siya na naging abala si Ares dito sa ospital kung kaya't lumiit din ang tsansa na bisitahin siya nito.

Siguro, panahon na para palayain niya sa nakaraan si Ares.

Nang bumukas ang pinto at nasamyo niya ang pabango ng taong pumasok sa silid niya ay kaagad siyang napadilat. Siya lamang mag-isa sa silid dahil kausap ng doktor ang daddy niya.

Walang-salitang umupo si Ares sa tabi niya.

"Kumusta ka na, Coffee?"

Napalunok siya. Habang nakatingin kay Ares, saka niya napagtanto kung gaano niya na-miss ito. At habang nakatingin sa mga mata ni Ares, naglaho ang resolba niyang palayain ito.

Tinulungan siya ni Ares na maging malakas. Siguro panahon naman para siya ang tumulong sa lalaki. Tutulungan niya itong kalimutan ang nakaraan.

Naging malakas si Ares para sa kanya. Panahon na siguro para siya naman ang maging malakas para dito.

By that thought, it felt like she could breathe again.

"Ayos naman. Bago na ang puso ko," nakangiting aniya.

Nakita niya ang pagdaan ng alinlangan sa mga mata ni Ares. "Ako pa rin ba ang laman ng puso mo, Coffee?"

A wistful smile had appeared on her lips. "Hindi naman magbabago 'yon, eh. Ang tanong, ako ba ang naging laman ng puso mo?"

"Oo—"

"O nakikita mo lang sa akin ang dati mong nobya?"

Nanlaki ang mga mata ni Ares. Hindi ito kaagad nakasagot. Iyon ay sapat ng sagot para sa kanya.

Hinanda na niya ang sarili para doon pero masakit pa rin pala.

"I understand, Ares."

"No!" bulalas nito. "Mali ka ng iniisip, Coffee."

"You lied to me. I know everything, Ares. Alam ko ang tungkol sa ex-girlfriend mong namatay. Alam ko ang pagkakapareho ng sakit namin. Alam kong naaawa ka lang sa 'kin. O baka nakikita mo lang siya sa 'kin." Napahugot siya ng hangin at nginitian nang mapait ang lalaki. "Hindi mo ako kailangang pagtulakan kay Caleb, Ares. Lalayo naman ako, eh, sabihin mo lang. Ngayong magaling na ako, wala na akong halaga sa 'yo?"

"Coffee, short stuff, mali ka ng iniisip. Please, please, pakinggan mo muna ako."

"Ares—"

"I admit I lied about Kim. Pero hindi sa dahilang iniisip mo, Coffee. Hindi ko lang nagawang sabihin sa 'yo ang tungkol kay Kim dahil ayokong isipin mo 'yan, na dahil sa awa kaya kita nilapitan. Ayoko rin na mag-alala ka dahil makakasama sa kalagayan mo. If I needed a replacement for Kim, why will I choose you, Coffee? Marami d'yang iba, bakit ikaw? Kasi, hindi naman replacement ang kailangan ko.

"Ikaw mismo, Coffee, ang kailangan ko. Sa bawat araw na kasama kita, ni minsan, hindi ko nakita si Kim sa 'yo. Kasi si Coffee ka, eh. Si Coffee ang minahal ko." Napahugot ng hangin si Ares at habang nakatitig siya sa lalaki, nakita niya ang sinseridad sa mga mata nito. "Hindi pa ba sapat ang mga pinakita ko sa 'yo para maniwala ka sa akin? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para maniwala kang ikaw ang mahal ko?"

"Si Caleb—"

"I thought you needed a friend. And because of your past with him, I thought he deserved to know at least. Bakit naisip mong tinutulak kita sa kanya? Fuck! I will fight for you so don't ever think of running away from me, do you hear me?!"

Hindi niya mapigilang matawa dahil sa inaasta ni Ares. Kapag pala natetensyon, nahihiligan ni Ares ang pagmumura.

"I'm sorry," aniya sa mababang tinig nang mahinto siya sa pagtawa.

She realized she had been blinded by her own doubts. She forgot the things he had done for her. Why was it that when a person was scared, doubts could easily crawled inside their minds and hearts?

Hinaplos ni Ares ang pisngi ni Coffee. Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa kanyang pisngi at inipit iyon sa kanyang tainga.

"Patawad din kung naglihim ako."

"Alam mo bang naisip kong tutulungan kitang kalimutan si Kim?" pagtatapat niya.

Nangunot ang noo ni Ares. "What?"

"Akala ko nga kasi, nakikita mo lang siya sa akin. Naisip kong kagaya ng pagtulong mo sa akin, tutulungan din kita. Naisip ko pa nga na habang tinutulungan kitang kalimutan ang nakaraan mo, tuturuan ko ang puso mo na mahalin ako ng totoo."

"Really?"

Tumango siya.

Ngumiti si Ares. "Masaya ako na malamang ipaglalaban mo rin pala ako."

"Mahal kita, eh."

Bumalot ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Pa-simpleng tiningnan ni Coffee si Ares. He was still as handsome as ever. Itong mukhang 'to ang humatak sa kanya mula sa kadiliman. Ang tinig nito ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon.

"I almost let you go," aniya sa mahinang tinig.

"You came back."

"Because I will still love you, you dork."

Ipinatong ni Ares ang palad nito sa tapat ng puso niya. "Kahit ibang puso na ang gamit mo, ako pa rin?"

Ipinatong niya ang palad sa kamay nito. "Wala namang iba, eh, kundi ikaw. Noon, si daddy lang ang mayroon ako. Ngayon, nandyan ka na. Isa ka sa mga dahilan kung bakit maganda ang tingin ko ngayon sa buhay, Ares. Sa bawat pagkakataon na nahihirapan ako, sa bawat sandali na nalugmok ako, sa bawat panahong pakiramdam ko ang hina ko, ikaw 'yong humihila sa akin pataas. Binigyan mo ako ng lakas para mabuhay. I am so lucky to meet someone who's hard to say goodbye to. I am so lucky to have met someone like you."

She cried. She cried and cried. She had been a cry-baby ever since.

Niyakap ni Ares si Coffee nang patagilid sa maluwang na paraan. "I'm so scared. Akala ko ay iiwan mo na ako," anito bago isinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

Masuyong hinaplos ni Coffee ang buhok ni Ares. "Bakit kita iiwan, eh, masaya ako sa piling mo?"

Naramdaman niya ang magaang paghalik ni Ares sa leeg niya. "I love you so much, Coffee."

"Mahal din kita."

Tama nga sila. Love and faith could save a life.

Their faith towards God and their love for each other saved hers.

With this second chance to live, she would live her life to the fullest and would love Ares the way he deserved to be loved.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now