Kabanata 11

654 52 17
                                    

Kabanata 11

"ANG CUTE!" bulalas ni Coffee nang nakita ang rabbit stuff toy na naka-display sa isang game stall dito sa Star City.

Maliit lamang ang rabbit stuff toy, siguro mga kasing-haba ng ruler pero ang cute kasi ng kulay. Lavender na may shade of pink.

"Gusto mo ba 'yon?" tanong sa kanya ni Ares. Bahagya itong dumukwang palapit sa kanya at pinunasan ang gilid ng kanyang labi.

Kumakain kasi siya ng ice cream, malay ba niyang may ice cream na pala sa gilid ng labi niya.

Inabutan siya nito ng tubig at kaagad naman siyang uminom.

She beamed at him but deep inside, her heart was already beating furiously. Hindi naman siya pagod dahil mga tame rides—in short, children rides—lang ang sinasakyan nila ni Ares. So bakit ganito kabilis ang tibok ng puso niya?

"Let's get that rabbit then," he said.

Akmang tatanggi na siya nang hinawakan siya ni Ares sa siko at inakay papunta sa stall.

Kailangan lang mapatumba ni Ares lahat ng blocks na nasa gitna.

Nagbayad na ito. Inabutan ito ng manong ng mga bola.

Sa ikalawang pagbato ni Ares ay napatumba nito ang mga blocks. She cheered at him especially when the old man gave them the rabbit stuff toy.

Nang inabot sa kanya ni Ares ang stuff toy ay niyakap niya iyon. "Thanks, 'Res," nahihiyang aniya. She was acting like a five-year old kid!

He chuckled as he ruffled her hair. "You're welcome. Lika, kumain muna tayo. Nagugutom na ako."

Hinawakan nito ang palapulsuhan niya at inakay siya papunta sa hile-hilerang kainan.

Her other hand was holding the stuff toy while the other was in Ares' grasp.

"Ano'ng gusto mong kainin?"

Inilibot niya ang paningin sa mga food stalls. "No high sugar, high fat, high salt—"

Ipinatong nito ang daliri sa labi niya upang pigilan siya sa pagsasalita. "I'm asking what you want, short stuff."

"I want chocolates and cakes pero bawal naman," she said while pouting. Itinuro niya ang baked bangus. "'Yan na lang."

One-side of Ares' lips turned upwards. Amusement was written all-over his face while looking at her. "Okay. Next time, we'll eat cakes, 'yong non-fat and non-sugar para hindi makasama sa kalusugan mo," anito.

Pumuwesto na siya sa mesa malapit sa in-order-an ni Ares ng pagkain. She looked at the rabbit stuff toy she was holding.

"Hi, bunny. First time ko dito sa Star City. Kahit pala may limitations ako, puwede pa rin akong maging masaya at mag-enjoy," pagka-usap niya sa stuff toy. "Salamat kay Ares dahil sinamahan niya ako dito."

Napatingin siya kay Ares na tila hinihintay ang pagkain nila. Dito nakatutok ang paningin niya habang kausap pa rin niya ang stuff toy.

"I'm already losing hope regarding my condition, bunny. But Ares came. He... he's helping me a lot. Thankful ako na nakilala ko siya," mahinang aniya.

Habang nakatingin kay Ares ay saka niya napagtanto kung papaano nitong unti-unting binabago ang pagtingin niya sa buhay. He was making her happy and slowly, he was giving her back the hope that she had lost before.

"I like him a lot," biglang aniya. Kapagkuwan ay natauhan din nang mapagtanto kung ano ang sinabi. "I mean, as a friend, bunny. As a friend lang," bawi niya.

Nakabalik na si Ares. Inilapag nito ang tray sa mesa at umupo sa tapat niya.

Nagsimula na sila sa pagkain.

"Pangalanan natin 'tong stuff toy, Ares," basag niya sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Napahinto sa pagsubo si Ares at napatingin kay Coffee. "Sige. Ano'ng gusto mong pangalan?"

Kagat-kagat niya ang straw ng tubig habang nag-iisip. "Dapat 'yong memorable."

"Star City."

Sinimangutan niya si Ares. "Ang pangit! 'Wag 'yan!"

Tumaas ang isang kilay nito, a smirk was present on his face. "Bakit? Akala ko ba gusto mo ng memorable? Since nasa Star City tayo, eh di Star City ipangalan mo sa kanya."

Napalabi siya lalo pa't sigurado siyang inaasar siya nito. "Ayoko n'on."

"Sige, Game Stall na lang."

"Ares!"

Nagtawa ito. "Fine, fine. I was just kidding you, short stuff."

Inirapan ni Coffee si Ares. "'Not funny. Wala ka bang suggestion na matino-tino kahit one percent lang?"

He flicked her forehead while grinning. "Wala na akong maisip, eh."

Nagpatuloy siya sa pagkain habang nag-iisip ng pangalan. Inilibot niya ang paningin sa paligid.

"Ares..."

"Hmm?"

"Thank you, ha? Alam kong sawa ka nang marinig ang pasasalamat ko pero salamat talaga. Hindi ko alam kung papaano ko mababayaran lahat ng bagay na nagawa mo para sa 'kin," mahina subalit sinserong aniya.

"As always, you're welcome, short stuff. I'm enjoying every single time I spent with you." His voice was dripping with sincerity when he said that.

"Ano'ng full name mo, Ares?" bigla niyang tanong sa lalaki.

"Ares Jervis Roxas."

Itinaas niya ang stuff toy kapantay ng kanyang mukha at ginalaw ang kamay niyon—nagmukha tuloy kumakaway ang stuff toy. "Hi, I'm Jervis. Nice meeting you, Daddy Ares," aniya at pinaliit ang tinig.

He smiled—that smile that seemed to captivate her whole being without him knowing—as he grabbed the stuff toy. "Hello Jervis. Why don't you greet your Mommy Coffee, too?"

So we're a family? iyon ang umiikot sa isipan ni Coffee.

"Hi, Baby Jervis," she softly said.

She knew there was something that had changed inside her heart. She could feel it.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon