Kabanata 13

635 55 20
                                    

Kabanata 13

AWKWARD.

Iyon ang nararamdaman ni Coffee habang inililibot ang paningin sa pinagdalhan sa kanya ni Ares.

Nandito sila sa bahay ng mga magulang ni Ares. Hindi niya inakala na dito siya dadalhin ng lalaki. Kung nalaman lamang niya kaagad, baka hindi siya sumama dahil nahihiya siya.

It seemed like a Family Day and she was intruding for Pete's sake!

"Ares," tawag niya sa pansin ng lalaki. Nakahawak siya sa sleeve ng damit nito. "Uuwi na lang ako," mahinang dagdag niya.

Inalis nito ang pagkakakapit niya sa damit nito. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil ng tatlong ulit.

"It'll be okay. That's what the three squeezes means," nakangiting anito.

"Pero nakakahiya—"

Muli ay tatlong ulit nitong pinisil ang palad niya.

Napahugot siya ng hangin.

"Ares! Nandito ka na pala. Kanina pa dumating sina Milo at Kitkat."

Nanigas siya sa kinatatayuan lalo pa't n'ong niyakap nang nagsalita si Ares. Nabitawan ni Ares ang palad ni Coffee. Coffee became oh-so nervous when his hand wasn't holding hers anymore.

"Hindi ka na raw nagpapakita kina Milo. Saan ka ba naglalagi, hijo? Kahit dito sa bahay, bihira ka nang makadalaw. Kung hindi ko pa kaarawan ngayon, hindi ka pupunta," ani ng ginang na yumakap kay Ares.

"Sorry, Ma. I've been busy. Hayaan mo na si Milo. Nagda-drama lang 'yon."

Napasinghap siya nang narinig ang tawag ni Ares sa ginang dahilan nang pagtingin sa kanya ng dalawa.

"Oh. May kasama ka pala, hijo."

"Ma, meet Coffee Salvacion, a dear friend. Coffee, meet my mother, Estrella Roxas," pakilala ni Ares.

"K-kumusta po kayo? Happy Birthday po. Pasensya na po kung wala akong dalang regalo. Hindi po kasi nasabi ni Ares na birthday mo po. Hindi rin niya sinabi na dito po kami pupunta. Sorry po ulit," mahabang aniya. Ganyan talaga siya kapag kinakabahan.

Isang naninising tingin ang binato niya kay Ares. Hindi pa nakuntento, siniko niya ito.

Isang tawa lamang ang sinagot ni Ares kay Coffee.

Gulat na napatingin siya sa mama ni Ares nang ginagap nito ang magkabila niyang braso at saka siya niyakap.

"It's so nice to meet you, Coffee. Call me Tita Estrella. Huwag mong isipin ang regalo, ang mahalaga ay nadala ka dito ni Ares. Magkaibigan lamang ba talaga kayong dalawa?" biglang tanong nito.

"Ma! We're just friends," ani Ares.

Pakiramdam niya ay may tumusok sa puso niya dahil sa sagot nito.

Iwinasiwas ni Tita Estrella ang kamay at isang nanunuksong tingin ang ibinigay sa kanila ni Ares. "If that's what you want to call it, fine. Halika, ipapakilala kita sa aking asawa."

Tiningnan niya si Ares. Isang nagpapaumanhing tingin ang binigay nito sa kanya. Sinuklian niya iyon ng ngiti.

Pagkarating sa garden sa likod ng bahay ay nilapitan ni Tita Estrella ang lalaking tiyak niyang ama ni Ares dahil kahawig nito ang lalaki.

"Aro dear, dumating na ang anak mo. And look, he brought his girlfriend! Meet Coffee Salvacion."

Namula ang pisngi niya nang tumutok sa kanya ang paningin ng ama ni Ares.

"Call me Tito Aro, Coffee. Kinagagalak kong makilala ang girlfriend ni Ares," nakangiting anito.

"Ma, Pa, Coffee isn't my girlfriend. Nakakahiya sa kanya," singit ni Ares.

"I mean, girl space friend. Babaeng kaibigan."

Natawa siya. Kung asarin ni Tita Estrella si Ares, tila ba magka-edad lamang ang mga ito.

Parang may kumirot sa puso niya habang nakatingin sa nag-aasarang pamilya. Gan'on din sila noon noong nabubuhay pa ang mommy niya. They were like the best of friends even though Coffee was a daddy's girl.

"Pamilyar sa akin ang mukha mo, hija," biglang baling sa kanya ni Tito Aro.

"My dad's a heart specialist on St. Luke's," ani Ares malapit sa kanyang tainga upang hindi marahil marinig ng magulang nito ang sinabi nito.

"Baka po nakikita niyo ako sa ospital. Nagko-community service po kasi ako d'on."

"Oh. That's good."

Bago pa man siya makasagot ay naunahan siya ni Ares. "Ipapakilala ko muna si Coffee kina Milo at Kitkat, Ma, Pa," paalam nito.

"Fine, fine. Ipakilala mo na ang girl space friend mo."

Napailing na lamang si Ares subalit nakita niya na may ngiti sa mga labi nito.

Iniumang nito ang braso at walang pagdadalawang-isip na kumapit siya doon.

"Pasensya ka na sa kanila."

Pinisil ni Coffee ang braso ni Ares. Infairness, his arms were really strong and hard.

"Ayos lang 'yon. Mababait sila. You're lucky to have parents like them."

"I know."

Dinala siya ni Ares sa mesa na isang lalaki at babae lamang ang nakapuwesto.

"Milo, Kitkat," tawag nito sa pansin ng dalawang nag-uusap.

"Ares! Nagpakita ka rin!" sabi ng tinawag nitong Milo.

"Nagsasawa na kasi ako sa pagmumukha mo, Milo."

"Kung hindi pa dahil sa birthday ni tita, hindi ka magpapakita sa 'min?" sabi naman ng tinawag na Kitkat.

Nang niyakap ni Kitkat si Ares, parang may pumisil sa puso niya. Parang biglang ayaw niyang makitang may yumayakap kay Ares. Parang gusto niya... siya lamang 'yon, siya lang dapat 'yon.

"Sorry. Naging busy lang ako, Kitkat."

"Yeah, yeah." Napadako sa kanya ang paningin ng babae. "Hi! You're his girlfriend? I'm Kitkat Castillo and he's my husband, Milo. Pleased to meet you," nakangiting bati nito at inilahad ang palad sa kanya.

Kiming ginagap niya iyon. "Coffee Salvacion. Nice to meet you. And we're just friends."

"Wow! Ang cute ng name mo. Kung ako, chocolate, ikaw kape."

Inusog ni Ares ang isang upuan at sineyasan siyang maupo doon.

"Ano'ng gusto mong kainin?" biglang tanong ni Ares sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Alam mo naman kung ano ang puwede at bawal sa 'kin. Hindi naman ako pihikan, lahat ng puwede kinakain ko."

"Okay. Ikukuha lang kita ng pagkain."

Wala sa sariling ginagap niya ang palad nito at pinisil ng isang beses. "That means 'Thanks'."

Pinisil naman nito ng dalawang beses ang palad niya. "That means 'You're Welcome'."

"Ikuha mo rin ako ng pagkain, Milo! Por que kasal na tayo, hindi ka na sweet at attentive sa 'kin. 'Kainis."

Natawa siya nang bahagya nang napakamot na lamang ng batok si Milo at tumayo na rin. Sabay ito at si Ares na pumunta sa buffet table.

"So, Coffee..."

Napatingin si Coffee kay Kitkat. "Yes?"

Kumislap ang mata nito na tila may kapilyahan itong naiisip. "Friends lang ba talaga kayo ni Ares?"

Boom patay!

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now