Kabanata 25

705 52 11
                                    

Kabanata 25

NAGHIHINTAY sa waiting area si Coffee. Ang daddy niya ay kausap ang mga doktor niya sa loob. Si Ares naman ay may shift ngayon kung kaya't mag-isa siyang naghihintay dito.

Nagpasya siyang maglakad-lakad muna. Dinadaga ang dibdib niya sa paghihintay. Baka kapag binisita niya ang mga bata sa ward, mawala kahit papaano ang kaba niya.

Saktong nasa malapit na siya sa nurse station nang narinig niyang nabanggit ang pangalan ni Ares. She smiled. Masasabi niyang kilala din si Ares dito sa ospital. Sa bawat pagkakataon na nagkakasabay sila sa paglalakad sa hallway at pagkain sa cafeteria, hindi maaaring hindi ito babatiin ng mga doktor, nurses at staffs—mapa-bata man iyon o matanda.

Apat na nurses ang nasa nurse station. Dalawa doon ang matanda at dalawang bata. Pamilyar sa kanya ang dalawang matandang babae dahil n'ong minsan ay kasama siya ni Ares n'ong binati ng mga ito ang binata. Sa pagkakatanda niya, malapit si Ares sa dalawang may-edad na nurse.

"Akala ko talaga hindi na makaka-move on ang batang 'yon sa pagkamatay ng nobya niya. Mabuti naman at nakilala niya si Coffee, ano."

"Nakakaawa din 'yang si Ares. Kaya nag-doktor ay dahil sa namayapang kasintahan. Hindi ko siya masisisi kung inabot ng ilang taon bago niya naparaya ang sarili sa alaala ng kasintahan."

"Sigurado ho ba kayo na hindi lang naaawa si Ares kay Coffee kaya sila mag-on ngayon? Kasi look at the similarities, 'Nay Juls. Parehas maysakit sa puso—"

"Aba'y huwag na natin kwestiyunin pa si Ares. Masaya na siya kay Coffee."

"Sabagay. Pero kasi, 'Nay, nakapagtataka lang. Sa loob ng sampung taon, walang ibang naging nobya si Ares, 'di ba? Tapos..."

"Naisip ko rin 'yan, Wenz. Paano kung nakikita lang pala niya 'yong patay niyang girlfriend kay Coffee? Kawawa naman si Coffee."

"'Sus! 'Tong mga batang 'to, kung anu-ano ang iniisip. Malaki na si Ares, alam niya kung ano ang tama sa hindi."

Nasapo ni Coffee ang dibdib. Huminga siya nang malalim upang lumuwang ang paghinga subalit nanatiling naninikip ang kanyang dibdib. Hindi na niya matukoy kung ano ba ang kirot sa kanyang dibdib.

Dahil ba sa narinig o dahil sa sakit niya sa puso?

Wala sa sariling bumalik siya sa pinanggalingan, sa may waiting area sa labas ng opisina ng doktor niya.

Namumuo ang pawis sa kanyang noo at bahagya na rin nanlalabo ang kanyang paningin. Pakiramdam niya ay umiikot ang paligid niya.

Napasandal siya sa dingding at sinapo ang ulo. Pilit niyang binabalik sa normal ang paghinga subalit tila kinakapos siya ng hangin. Hindi mawala-wala ang sakit sa puso niya.

Pilit iwinawaksi ni Coffee sa isipan ang narinig subalit tila sirang-plaka na paulit-ulit 'yong umaandar sa kanyang isipan.

Ares had a girlfriend that has the same illness as her. She should not be bothered by it, right? But she was.

Doubts were now planted on her mind but she tried to keep an open mind. Ares wouldn't do that to her, she kept on telling herself that.

"Coffee! Ano'ng nangyari sa 'yo?!" Kasabay nang pagkarinig niya sa tinig ni Ares ay ang pagpulupot ng mainit at matatag na braso sa beywang niya.

That was the last thing she remembered before darkness claimed her.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon