Kabanata 18

685 53 13
                                    

Kabanata 18

"PICNIC? Whoa! Gusto ko 'yan!"

"It's to celebrate your upcoming graduation. Pati na rin 'yong pag-kumpleto mo ng community service sa ospital."

"Where are we going?"

"It's a secret."

Coffee smiled at Ares. Nang binalita niya sa lalaki na sigurado na ang pag-graduate niya—at tapos na siya sa community service—ay bigla itong nag-aya na umalis sila.

'Eto nga at sinundo siya nito sa bahay niya.

"Saglit, kukuhanin ko lang 'yong bag ko sa loo—" Napahinto siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kagat ang ibabang labi na tumingin siya kay Ares. "Umuulan," aniya.

An amused smile was plastered on his face. "Nakikita ko."

She puffed her cheeks as she looked away to hide her red face. "Paano na 'yan?"

Napakamot ito ng batok. "Picnic pa rin—"

"Umuulan nga—"

"—sa loob nga lang ng bahay."

Kumislap ang mga mata niya. "Hey, that's cool! Lika, d'on tayo sa sala."

Hinawakan niya sa laylayan ng damit si Ares at hinatak ito papunta sa sala. Sa kamay nito ay ang basket na naglalaman ng sana'y pang-picnic nila.

Inusog ni Ares ang mini table na nasa gitna ng sala saka nito nilatag ang blangketa. Kaagad siyang umupo at binuksan ang pagkaing dala nito.

"Gawa mo?"

He nodded. "My mom helped me."

Kumagat siya ng sandwich. "Hmm. Masarap!"

"I know. My mom is a great cook. Mayroon akong dalang salad diyan. It's good for you."

"Uh-huh." Napansin niya na nakatitig sa kanya si Ares. "What's wrong?"

He smiled sheepishly. "Sorry kung naging failure ang celebration na plano ko para sa iyo."

Pinahid niya ang palad sa blangketa at pabirong sinuntok si Ares sa braso. "Hey, this is kinda cool, actually. Saan ka nakakita ng nagpi-picnic sa loob ng bahay, 'di ba? Saka hindi naman mahalaga kung saan. Ang mahalaga kasama kita."

Sumubo siya gulay at bahagya pang nagtaka nang hindi nagsalita si Ares. Nakatitig lamang ito sa kanya at nang nagtama ang paningin nilang dalawa, pakiramdam niya ay hinihigop siya ng mga mata nito. Tila ba kaya nitong basahin ang pinakatatago niyang sikreto.

Sikreto? Na mahal mo siya?

Blangko.

A different smile have appeared on Ares' lips that left Coffee a little bit breathless.

"You are not even aware of it, huh," masuyong anito bago pinisil ang kanyang pisngi. Kasunod niyon ay hinaplos nito iyon.

Bago pa man niya matanong ang lalaki ay hinaklit siya nito sa beywang at niyakap nang nakaupo. Nakapalibot ang isa nitong braso sa beywang niya habang ang isa ay nasa pagitan ng ulo at balikat niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat subalit hindi siya kumilos para kumawala sa yakap nito. She felt safe inside his arms.

It seemed like the safest place in this world for Coffee was inside Ares' arms.

"I will help you, short stuff. I will do everything, anything, just to find a suitable heart for you. You are not alone in this battle. We are here for you," anito sa tuktok ng ulo niya.

Pinagsalikop niya ang magkabilang palad sa likuran ni Ares. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito. Nasasamyo niya ang panglalaking amoy nito na hinaluan ng aftershave at pabango.

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya, ang akala niya ay lalayo na ito. Nagulat pa siya nang hiniga siya nito at ginawang unan ang kandungan nito.

"Isipin mo na lang, langit at mga ulap ang kisame niyo," natatawang anito.

Natawa din siya. This was a bizzare picnic yet one of the most memorable picnic she had ever experience.

Napapikit siya nang naramdaman ang paghaplos nito sa buhok niya.

Then he started humming a song.

"Sing it for me?"

Ang akala niya ay tatanggi ito pero ginugulat talaga siya ni Ares dahil naririnig na lamang niya ang lalaking kumakanta.

"Everybody deserves somebody but girl nobody can love you like I do. And I'm not perfect but you're so worth it. I wanna change the world for you so baby don't settle for less."

His voice wasn't the best voice she had heard but there was something touching in his voice. Para bang hinahaplos ng tinig ni Ares ang puso ni Coffee.

"You deserve the best, you're better than the rest. And I can be the best so baby don't settle for less..." Huminto ito sa pagkanta. "Imagine there's a shooting star right now, short stuff. Make a wish."

Puwede ko bang mahalin si Ares?

Dumilat siya at kaagad na nagtagpo ang paningin nila ni Ares. Habang nakatingin sa kulay abo nitong mga mata, saka niya natanggap na tuluyan na nga niyang minahal ang lalaki. Na sa kabila ng lahat ng takot niya, ng pag-aalala niya, nahulog pa rin siya dito.

Pero hindi naman puwede, eh.

She loved Caleb. Caleb would always be her first love but Ares... Ares was more than that. Ares was her air.

"Make a wish, too, Ares," aniya.

"Hmm. Sana matupad ang hiniling mo. Dahil makita pa lang kitang masaya, kuntento na ako."

There you have it. These simple gestures were enough to make her heart melt like a butter left in a heated stove.

Pero makakaya ba niyang saktan ito dahil lamang nagmamahal siya? He had became one of the reasons for her to fight and not to feel hopeless, that she could fight this illness. But loving him was being selfish on her part.

"Coffee, you should be selfish once in a while."

Puwede nga ba?

Coffee's I-want-to-live-my-life-so-I-will-do-the-following-to-enjoy-life List

Number 07: Picnic with Ares! Kahit saan basta ma-e-enjoy ko.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora