Kabanata 1

1.6K 75 12
                                    

Kabanata 1

"COFFEE!"

Binalingan ni Coffee ang sumigaw sa pangalan niya. Ang kaibigan niya simula pa pagkabata na si Tania ang tumawag sa kanya. Kagaya niya ay nasa huling taon na rin ito sa kursong Management Accounting.

"Bakit?" tanong niya nang makalapit ito sa kanya.

Bahagya pa itong hinihingal dahil sa pagtakbong ginawa nito. "Ano 'tong narinig kong bali-balita na break na raw kayo ni Caleb?"

Napakamot siya ng kilay at huminga nang malalim upang alisin ang kirot na dumaan sa puso niya nang banggitin ni Tania ang pangalan ng nobyo niya.

Correction. Dating nobyo pala.

Kaswal siyang nagkibit ng balikat upang hindi nito mahalata ang tunay niyang nararamdaman. Kahit kaibigan niya si Tania ay hindi niya gustong malaman nito ang dahilan sa likod ng desisyon niyang pakikipaghiwalay kay Caleb. Hindi rin niya gustong makita nito na apektado rin siya sa ginawa niyang desisyon.

"Kung ano ang narinig mo, Tan, 'yon ang totoo," kunwari'y balewalang aniya.

"But why, Coffee? Caleb is a good catch. Isa pa'y mahal na mahal ka niya."

May nahimigan siyang tigas at inis sa tinig ng kaibigan subalit ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyon. Simula noong naging nobyo niya si Caleb dalawang taon na ang nakararaan ay napalapit si Tania dito dahil may mga pagkakataon na isinasama nila ang kaibigan sa lakad nila ni Caleb bilang best friend naman niya ito.

One week ago, when Coffee learned something about herself, she decided to break things up with Caleb. Ginawa niya iyon hindi dahil hindi na niya mahal si Caleb kundi dahil mahal niya ito. Mahal niya ito na mas gugustuhin pa niyang masaktan ito ngayon kaysa kapag dumating ang panahon na...

Don't go there, Coffee. Not yet.

Hindi kaagad tinanggap ni Caleb ang desisyon niya. God, she loved him even more for that. Pero nagmatigas siya. Sinabi niyang hindi na niya ito mahal, na sawa na siya sa kung anuman ang mayroon sila. Those were fat lies but she had to do that not for her sake but for his.

Simula noon ay hindi na niya nakausap o nakita pa si Caleb. Na mabuti na rin para mabawasan kahit papaano ang sakit at guilt sa puso niya.

"I don't love him anymore," mahinang aniya kay Tania.

"Bullshit!" matigas na anito.

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Kaagad naman umagapay sa kanya si Tania. Tania was matching her slow pace because she walked like a turtle. Dahil na rin iyon sa kondisyon ng katawan niya.

"Ano pa ba ang kulang kay Caleb, Coffee?"

Wala, sa loob-loob niya.

Sa totoo lamang ay na kay Caleb na ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki. Mabait, matalino, gentleman, at maalalahanin. Dagdag points na lamang na guwapo ito. Noong nag-aaral pa si Caleb dito sa unibersidad nila ay sikat na sikat ito dahil bukod sa guwapo ay captain ito ng soccer team ng Saint Vincent University.

Kaya nga noong nilapitan siya nito at nakipagkaibigan sa kanya ay hindi siya makapaniwala. Mas lalong hindi siya makapaniwala noong niligawan siya nito. Sino ba siya? Si Coffee Salvacion lang naman siya. Sakitin, lampa, at mahina ang loob.

But Caleb brought out the best in her. He made her feel that she mattered no matter how weak she was. And little by little, she found herself falling for him.

Maayos ang relasyon nila. Smooth-sailing, ika nga. For two years, even after he graduated, she never once felt his love towards her diminished.

That was how good he was.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon