Kabanata 20

697 59 25
                                    

Kabanata 20

"COFFEE."

Tila itinulos sa kanyang kinatatayuan si Coffee nang marinig ang sumambit sa kanyang pangalan.

"Caleb," tanging aniya sa lalaki.

Nandito si Coffee sa SVU. Katatapos lamang niya kasing ipasa ang mga requirements for graduation. Tapos na rin ang mga klase. Hihintayin na lamang ang araw ng graduation.

Umupo sa tabi ni Coffee si Caleb. Nandito sila ngayon sa likuran ng main building, sa may abandonadong field.

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Inalala niya iyong huling beses na nakita niya si Caleb. Naalala ni Coffee na nasaktan pa siya noon dahil magkasama si Caleb at Tania. Pero ngayon, habang nakatingin siya kay Caleb, wala na siyang makapang sakit.

The only emotions she could feel were acceptance and gratitude.

"How are you, Coffee?"

"I'm okay. Ikaw?"

Hindi ito sumagot.

Napapiksi si Coffee at bahagya pang nanlaki ang mga mata nang biglang lumingon sa kanya si Caleb. Nang nagtama ang paningin nilang dalawa, wala siyang mabasang anumang emosyon sa mga mata nito.

"That doctor... do you love him?"

"Caleb—"

"Is he the reason why you broke up with me?"

"Hindi—"

"Pero hindi ako naniniwala na ganoon ka, Coffee. Alam kong may ibang dahilan kaya ka nakipaghiwalay sa 'kin. Hindi mo ba maaaring sabihin iyon sa akin?"

Napahugot siya ng hangin. Napagtanto niya na hindi lamang siya ang may kailangan ng closure, kailangan din ito ni Caleb.

"I'm dying."

There. She said it.

"It's okay if you don't love me anymore, Coffee. Just stop talking garbage!" galit na sigaw ni Caleb.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang nginitian ang lalaki subalit alam niyang lumabas na ngiwi iyon.

"Hear me out, please?"

Napabuga ito ng hangin. "Go on."

"Bago pa man tayo magkakilala, alam ko nang may sakit ako sa puso. I underwent surgery to prevent my heart from failing. I was drinking different medicines to cure it. I was doing okay."

"Then what went wrong?!"

"I don't know! Pahina na nang pahina ang puso ko, Caleb. Heart transplant na lamang ang paraan para mapahaba ang buhay ko."

"Nakipaghiwalay ka sa 'kin dahil doon?!"

"Dahil ayokong masaktan ka kapag nawala na ako!" Hindi na niya napigilan ang pagpatakan ng mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi ganoon kadali ang paghahanap ng puso, Caleb! Ayokong pulos sakit ang ibigay sa 'yo kaya nakipaghiwalay ako sa 'yo. Minahal kita, Caleb. I loved you so much I decided to hurt us now."

"Come back to me. We will face this together, Coffee. I don't care how it will hurt me. Just come back to me. Tania and I's relationship was fake. I did that to make you jealous. Coffee, I love you."

Lumuhod sa harapan niya si Caleb at ginagap ang magkabila niyang palad. The sparks weren't in there anymore. She was looking at the man she loved but not the man she was in loved with.

"Coffee, I love you so much I'm willing to stay by your side even if it hurts me."

"I'm sorry." Patuloy siya sa pag-iyak.

She realized how much she loved Ares now. At the back of her mind, there was this one man she wanted to be at her side while she was facing this battle. And it wasn't Caleb.

"I've been selfish, Caleb. I'm so sorry. Patawad kung nasaktan kita. Patawad kung—"

"Sshh."

Niyakap siya nito. Umiyak siya sa dibdib ng lalaking dati niyang minahal. Ngayon niya lubos naparaya ang sarili sa mga alaala nilang dalawa. The two years she had spent with Caleb would always have a space in her heart.

But someone owned her heart now.

Kumalas si Caleb sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Salamat sa pagsasabi ng totoo."

Umupo itong muli sa kanyang tabi.

"Ngayon ko napagtanto na karapatan mong malaman ang totoo, Caleb. Hindi ka nagkulang. Siguro, hindi lang talaga tayo para sa isa't isa."

Katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Subalit wala na ang tensyon doon.

Muli ay ito ang bumasag sa katahimikan. "Kumusta ka nitong mga nakaraang araw?"

Walang pagdadalawang isip na ikinuwento niya ang mga ginawa niya—mula sa community service niya sa ospital hanggang sa mga ginagawa ni Ares para sa kanya.

A soft smile appeared on Caleb's lips. "It's the doctor, isn't it? You love him."

She smiled at him. But she knew even her smile has a trace of sadness in it. "Pero hindi naman puwede."

"Don't be stupid. Let yourself be happy, Coffee. Ayokong isipin na mawawala ka, pero ang gusto naming mga nakapalibot sa 'yo ay 'yong maging masaya ka. Huwag mong isipin 'yong sakit na idudulot mo, isipin mo kung gaanong saya ang naibibigay mo. Kasi ang sakit, nawawala. Pero ang kaligayahan, hindi."

"Ayoko nang maging selfish, Caleb."

"Okay nang maging selfish paminsan-minsan kaysa duwag."

Napahugot siya ng hangin sa sinabi nito.

"Coffee, kaya mo bang iwan si Ares?"

Akmang tatango siya subalit hindi niya maigalaw ang ulo. Binuka niya ang bibig upang sumagot ng 'Oo' subalit walang katagang lumabas sa kanyang bibig.

Ngumiti si Caleb bago masuyong ginulo ang kanyang buhok. "There's your answer. Sometimes, being selfish won't make you weak and being selfless won't make you strong. Madaling magparaya, hindi ba? Madaling layuan siya. Pagiging mahina kung gagawin mo kung ano ang madali. Mahirap maging makasarili. Pero kung gagawin mo, magiging malakas ka kasi nagawa mo 'yong bagay na akala mo ay mahirap."

Napatitig siya sa mga palad niya. Coffee was slowly realizing everything. Ganoon nga lamang ba ka-simple iyon?

Napangiti siyang bigla. The doubts, worries and fears on her heart disappeared. "Thank you, Caleb."

Ngumiti si Caleb bilang tugon.

Coffee realized she met and loved great and understanding men. Once, there was Caleb. And now, there was Ares.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now