Kabanata 6

728 61 7
                                    

Kabanata 6

"WE'RE sorry, Mr. Salvacion, Ms. Salvacion. It was a false alarm."

False alarm. It was a fucking false alarm.

Instead of going home with her father, Coffee decided to stay at the hospital.

Napapikit siya nang mariin upang pigilan ang pagpatak ng mga luha sa pisngi. Naalala pa niya ang masayang mukha ng daddy niya nang ibinalita nitong may nahanap ng puso para sa kanya. Nakita niya ang silip ng pag-asa sa mga mata nito.

Para lamang alisin iyon basta-basta.

Naikuyom niya ang mga kamay. Kahit ano ang pagpipigil niya ay nagpatakan pa rin ang mga luha sa kanyang mga mata.

Why was it that every time they were giving her a glimpse of hope, they would instantly snatch it mercilessly?

Nang sinabi ng surgeon at ng doktor niya na false alarm ang tungkol sa pusong ibibigay dapat sa kanya, nakita niya ang panlulumo ng kanyang ama. Pakiramdam niya ay nanikip lalo ang kanyang dibdib dahil doon.

Masakit makita na nasasaktan at nahihirap ang nag-iisang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa 'yo dahil din mismo sa 'yo.

Ang sabi ng mga doktor niya, may nakitang anomalya sa pusong dapat ay para sa kanya. It was as if they were saying, "Better luck next time then, Coffee."

She knew she was being cynic and rude but the false hopes were not just hurting her, it was hurting her father as well. Nasasaktan siyang makitang umaasa itong gagaling pa siya.

Nawawalan na siya ng pag-asa pa. She knew her body was growing weaker each day. She was scared but at the same time, she wanted to just... let go of everything.

Ikinulong niya ang mukha sa magkabilang palad at umiyak nang umiyak. It was unfair. Why was life so unfair to her?

"Short stuff? What's wrong?"

Hindi siya sumagot sa tanong ng bagong dating na si Ares at nagpatuloy sa pag-iyak.

Ipinangako niya noon na hindi na niya ipapakita ang pagiging mahina niya pero nahihirapan na rin siya. It seemed like she was withering day by day. The small hope was diminishing slowly.

May naramdaman siyang mainit sa kanyang likod.

"It will get better," ani Ares.

"No, i-it won't," garalgal ang tinig na aniya. Inalis niya ang palad sa mukha at binalingan ang lalaki. "I'm tired of this. I'm just giving pain to those people around me. I'm angry at them! I'm angry at them for giving my father the hope that..." Hindi naituloy ni Coffee ang nais sabihin dahil sa tila bara sa kanyang lalamunan.

"Angry at who?" tanong ni Ares habang marahang hinahaplos ang kanyang likuran.

"Them! The doctors! Palagi na lamang nilang pinapaasa ang daddy ko. Tatawagan nila at sasabihing may puso na para sa 'kin para lamang bawiin at sasabihin na hindi 'yon puwede sa katawan ko. H-hindi ba nila alam na nasasaktan ang daddy ko sa tuwing malalaman niya 'yon? Nakakapagod makitang paulit-ulit na nasasaktan at nahihirap si dad, Ares. Why are they so insensitive?"

Walang-salitang ipinulupot nito ang magkabilang braso sa kanyang beywang. The warmth coming from his body was screaming comfort and she just found herself crying all-over again.

She didn't know what was with Ares that she found herself confessing her deepest fears, her problem, and her sickness.

"I'm sorry, short stuff. I'm sorry if they are hurting your father. I'm sorry if they are hurting you. I'm sorry if they are giving you false hopes," anito.

Isinubsob niya lamang ang mukha sa dibdib nito at umiyak nang umiyak. Hindi niya alintana ang paninikip ng dibdib at kirot sa doon.

Humigpit ang pagkakayakap ni Ares sa kanya. Tila ba sa tulong ng yakap nito ay pilit nitong pinagdidikit ang nagkakapira-piraso niyang puso, lakas, at pag-asa.

"You have to believe that you will be better—"

"I'm tired, Ares. I'm tired of this."

"Kailan naging nakakapagod ang paglaban para sa buhay mo, Coffee?"

Napansin niyang tinawag siya nito sa tunay niyang pangalan.

Mula sa pagkakasubsob sa dibdib nito ay napatingala siya sa doktor. Nakita niya ang pagdaan ng emosyon sa mata nito na hindi niya mapangalanan.

"Masakit at mahirap lumaban, Coffee, pero wala bang halaga sa 'yo ang buhay mo para lamang bitiwan mo nang gano'n-gano'n na lamang?"

Hindi siya sumagot. He would not understand her feelings, her pains, and her situation.

"I may not know you fully, Coffee, and I may not be in your situation to fully understand your pains and fears, but I know how hard it was to be left by the one you love. It will hurt. But it will hurt even more knowing there was a chance for you to survive but you didn't because you choose to be weak."

Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay binuhusan siya nang malamig na tubig dahil doon.

Naramdaman niya ang isa nitong palad sa kanyang pisngi at marahang pinahid ang luha doon. Nginitian siya nito nang buong pagsuyo. "I might be a stranger to you, short stuff, but if you need someone to talk to, to give you strength to go on, you can come to me."

Tila may sariling pag-iisip ang kanyang katawan at nakikita na lamang niya ang sariling muling niyayakap ang lalaki.

"I'm weak," mahinang aniya.

"You can be strong."

"H-how?"

"Live your life."

PAGKAUWI ng bahay, imbes na dumiretso sa silid ay dumaan muna si Coffee sa mini-office ng daddy niya. Alam niyang nandoon ang ama nang masipat niyang may liwanag mula sa ilalim ng pintuan.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Nakaupo sa likuran ng mesa nito ang lalaki. Magkadaop ang palad nito, nakapatong ang magkabilang-siko sa mesa at halos matakpan na ang mukha sa pagkakayukyok. Base sa pagyugyog ng balikat nito, alam niyang umiiyak ang ama niya.

"Dad," pukaw niya sa pansin nito.

Nakita niyang pinahid nito ang magkabilang-pisngi bago siya binalingan. Kaagad naman nilapitan ni Coffee ang ama.

Nang nasa tabi na siya nito ay ginagap niya ang magkabila nitong palad.

Nasasaktan siya kapag nakikita niyang tila talunan at labis na nahihirapan ang kanyang ama.

"Bakit ngayon ka lang, hija?"

Imbes na sagutin ang ama ay iba ang namutawi sa kanyang bibig. "Dad, I'm sorry."

Nanlaki ang mga mata nito. "Para saan? May ginawa ka bang kalokohan?"

Namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Kasi ng dahil sa 'kin, nahihirapan ka ngayon."

Inalis nito ang isang palad sa pagkakahawak niya at masuyong ginulo ang kanyang buhok. "'Tong batang 'to talaga. Anak kita, gagawin ko ang lahat para sa 'yo."

"You don't have to do this anymore, dad. You can stop—"

"Coffee!"

Napapitlag siya sa gulat dahil sa galit sa tinig nito. Ngunit sa kabila ng galit sa tinig, kagaya niya ay may namumuo na rin na luha sa mga mata nito.

"I will do this, Coffee. Hindi ako titigil hangga't hindi ka gumagaling. Ayos lang na masaktan ako, anak, basta makita lamang kitang magaling. Kaya sana, kahit mahirap, huwag kang bibitiw, anak."

Umiiyak na niyakap niya ang ama. Coffee finally got it. She wasn't being strong and selfless when she was thinking of giving up her life. She was just being plain weak and selfish.

"Sshh. Tahan na," pang-aalo sa kanya nito. "Malalagpasan din natin 'to."

She was hoping for that, too.

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now