Kabanata 5

789 58 25
                                    

Kabanata 5

"FIGHTING!" ani Coffee sa sarili.

Ito ang unang araw niya bilang volunteer worker dito sa St. Luke's. Pagkagaling sa SVU ay dito na kaagad siya dumiretso sa ospital.

"O, nandiyan ka na pala, Coffee. Pinagbilin ka sa 'kin ni Doc. Leo," ani Nurse Mere.

"Saan po ako naka-assign?"

"Sa Children's Ward. Under ka ni Doc. Ares."

Tumango-tango siya at hindi na kumibo pa. Sinamahan siya ni Nurse Mere papunta sa isang marahil ay sariling silid ni Doc. Ares.

Kumatok muna ito at nang may narinig na tugon mula sa loob ay binuksan na ang pinto. Ares was inside the room, sitting behind his desk and reading some paper works.

Nang nakita siya nito ay kaagad itong ngumiti.

"Doc, nandito na po si Coffee. Kayo na raw po ang bahala sa kanya sabi ni Doc. Leo," ani Nurse Mere.

"Okay. Thanks, Mere."

"Good luck, Coffee," baling sa kanya ni Nurse Mere.

"Thanks po."

Nang makalabas si Nurse Mere ay saka niya binalingan si Ares. Sinenyas nito na umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ng mesa nito. Kaagad naman siyang tumalima.

"It's nice to know you'll be under me, short stuff," anito sa kanya.

She smiled at him. "Oo nga po, eh."

"Wala kang masyadong gagawin sa children's ward kundi maging kaibigan ng mga bata. We have doctors and nurses here but what they need the most is a friend."

"So I will just accompany them everyday?"

Tumango ito. "Be their friend. Tell them stories, play with them pero 'yong hindi sila mapapagod, o kaya ay ipasyal mo sila isa-isa sa mini-garden ng ospital. Bibigyan kita ng listahan mamaya ng mga maaari nilang gawin na hindi makakaapekto sa kalusugan nila. Bibigyan din kita ng listahan ng kung sinu-sino ang maaari mong dalhin sa garden para magpahangin at maarawan."

Mataman siyang nakikinig kay Ares. Hindi niya gustong isipin nito na laro lamang para sa kanya o para sa grade lamang ang volunteer work na ito. Gusto niyang makita nito na bukal sa kalooban niya ang pagtulong.

Sa iilang araw na nakausap niya si Ares, iyong mga araw na estranghero sila sa isa't isa, ay naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi niya gustong mag-iba o masira ang tingin nito sa kanya.

"Let's go?"

She nodded. Lumabas na sila ng silid upang pumunta sa Children's Ward. Habang naglalakad ay ipinaliwanag ni Ares ang protocol sa ward.

Pagkapasok nila sa Children's Ward at nang bumungad sa kanya ang ngiti ng mga bata sa loob ay nawala ang kaba niya.

"Ate Coffee! Nandito ka po ulit!"

Binalingan siya ni Ares. "Okay lang bang iwan muna kita, short stuff?"

"Sure, Doc."

He mussed her hair. She noticed he likes doing that to her. "Call me Ares," anito bago binalingan ang mga bata. "'Wag kayong pasaway kay Ate Coffee, kids."

"Yes, Doc!"

She smiled while looking at Ares' retreating form. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at binalingan ang mga bata. "Do you want to hear a story?"

She hoped she could find the one thing she had been looking for—her own strength to go on living like these children.

"HOW'S your day?"

His Beautiful Surrender (Beautiful Trilogy #2) (Published under PHR)Where stories live. Discover now