Kabanata 4

43.7K 2K 595
                                    

Sleepless




"Yara mukhang paa! Yara mukhang paa!"


The sing-song voice of everyone around was filling my ears. I badly want to stop hearing it and just block the sound but I wasn't in control of my hands.


Tila bakal na mga kamay ang nakakapit sa magkabilang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak nila para masigurong hindi ako makakapitlag. Tanging ang likod ng school building ang saksi sa kalagayan ko. Ang maipit sa parehong sitwasyon sa pamilyar na liblib na lugar na ito ay hindi na bago sa akin.


Ang nakangising mukha ng babaeng nasa harap ko ay sapat na para magpanginig sa mga kalamnan ko. Nakakrus ang dalawang braso niya sa ibabaw ng dibdib at tinititigan ako na tila siya ang reyna at ako ang kanyang alipin.


"Kunin niyo yung bag," ma-awtoridad na utos niya habang may kurba pa rin ang labi.


Ni wala na kong lakas para manlaban pa. Sa ilang beses na ginawa nila sakin ito ay tuluyan ko nang natanggap na wala akong pag-asang makawala. Wala akong laban sa kanilang lahat.


Ang isa sa mga alagad niya ay mabilis na sumunod. Marahas na tinanggal ang pagkakasuot ng backpack ko mula sa nanghihina kong katawan.


Aktong bubuksan niya na iyon nang magsalita ang isang nakahawak sa braso.


"Wait Frida, wala namang dadaang guard o school prefect ngayon 'no? Ayoko na ulit tumakbo tulad nung nakaraan!"


Ang nasa tapat ko ay mayabang na umirap.


"Wala na yan pag ganitong oras," confident na sabi niya.


Tinuloy ng isa ang pagbukas sa bag ko. Binaliktad niya iyon at pinagpag para tuluyang malaglag ang mga nasa loob. Nakita ko pa siyang kinapa ang bawat bulsa noon bago bumaling sa nasa harap ko.


"Negative. Wala rito yung wallet,"


The girl in front of me amusingly opened her mouth and let her tongue play inside her mouth. Bahagya niya ring tinagilid ang ulo habang binabaling ang sarkastikong tingin sa akin.


Binigyan niya ko ng hilaw na ngisi bago unti-unting humakbang palapit.


I almost yelped in pain when she harshly grabbed my cheeks. Inipit niya ang baba ko gamit ang isang kamay. Madiin ang pagkakalapat ng mga daliri sa magkabilang pisngi ko.


She let out a cold chuckle. "Nagtatago ka na samin ngayon ah? Nasan ang pera mo?"


Napapikit ako nang iangat niya ang ulo ko at mas hinigpitan pa ang hawak sa mukha ko.


"Oh ano? Diba bilyun-bilyon pera niyo? Nasan na?!"


I felt hands roaming around my uniform. Akala ko sanay na ang mata ko sa ganito ngunit nagsimula pa rin itong humapdi para sa mga nagbabadyang luha.


"Nandito sa bulsa, Frid." one stated.


Marahas niyang binitawan ang mukha ko dahilan para mapatagilid pa ito. I saw her smiling in victory as someone handed her the wallet.


She opened it and picked up the single piece of chewing gum from my wallet. She opened it and put the gum inside her mouth before diverting her attention to the cash. Bumalik ang ngisi niya habang ngumunguya at binibilang ang mga inilalabas niyang laman mula sa wallet.


Bahagya pa siyang lumayo habang binibilang iyon.


"Tanggalin niyo sapatos niyan," utos niya.


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon