Kabanata 15

41.2K 2.1K 556
                                    

Dream






"What's wrong?"


Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Sky. Mula sa nakapatong na baba sa braso habang nakatulala sa bintana ng sasakyan ay umayos na ako ng upo.


I keep on thinking about what happened earlier. I just got asked to join a school club and I still can't stop thinking about it. Kahit pa nang matapos idetalye sa akin ni Iyah na head ng organization ang tungkol sa alok niya ay halos hindi pa rin ako makapaniwala. I mean, it's just so.. sudden and unexpected. Hindi ko maitatangging tumalon ang puso ko sa nangyari kaya't hanggang ngayon ay lumilipad pa rin doon ang isip ko.


My lips formed into a small smiled. "Wala.."


He gave me a sideway glance. It lingered for quite a long time as if he was waiting for me to talk further. He then eventually sighed lightly when I didn't.


I bit my lip, not really wanting to preserve the dead air.


"Uhm.. daan tayo sa fast food, Sky? I'm suddenly craving for something," I said which is actually true. I've been thinking of grabbing something to eat.

Sobrang rare lang naman namin kumain ng fast food kaya natuwa naman ako nang pagbigyan niya ako. He nodded.


"Alright," he maneuvered the car to the closest one from where we are passing by.


Nakita naming mas mahaba pa ang pila sa drive thru kesa sa nasa loob kaya't nagdesisyon na lang kami na bumaba sa kotse. We went inside the chain and fell in line to the counter. Actually ay siya lang naman ang nakapila at nasa tabi niya lang ako.


I don't know but.. it feels so good to be standing next to Sky. Every time I think that this good-looking guy right here is actually with me, I feel like I have this air of confidence with me.


"OMG!"


Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. I stiffened when I saw two girls wearing the same uniform as mine. Based from their lanyards, they are grade 12 students. Nakatutok ang mga nagniningning na mata nila kay Sky.


"You're Sky from Wanderlust, right?" one of the girls asked with obvious amazement.


Sky's face remained blank. He nodded.


The two girls shrieked. "Papicture!"


I swallowed as I watch them take selfies with him. These girls may be ahead of us by a year but they still look small beside Sky. He's really that tall.


Nang makita kong saglit na dumapo sakin ang nagtatakang mata ng isa sa mga babae ay agad akong napaiwas ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba na baka bigla nilang maisip o mapagtantong magkasama kami ni Sky. Pasimple akong humakbang patungo sa kabilang linya at nagpanggap na lang na nakapila ako roon.


Nang saglit akong sumilip sa kanila ay agad tumama ang mata ko kay Sky na nakatingin sakin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ang imahe ng nakakunot niyang noo ay nanatili sa isip ko.


May isang grupo pa na lumapit kay Sky at kumuha rin ng mga litrato kasama siya. Unti-unting may bumabara sa lalamunan ko habang pinoproseso ang sitwasyon. Just minutes ago, he feels so near. But right now, he seems unreachable.


Natulala ako nang ilang saglit. Lumalalim na naman ang mga naiisip ko at hindi ko nagugustuhan kung saan ito patungo.


"Yara,"


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon