Kabanata 30

44K 1.8K 1.3K
                                    

Together




"At the last day of Intrams. During the Students' Night. I will introduce you to the crowd as my fiancé,"


"H-huh? Hindi ka ba nabibigla lang, Sky? Pwede na sigurong girlfriend na lang muna,"


He shook his head. "Why tell them you're my girlfriend when you're truly more than that? Tutal ay balak na rin naman nating sabihin ang totoo, mabuti nang malaman nila ang tunay na namamagitan satin."


"Para na rin.. hindi na isipin ng iba na may pag-asa pa sila," humihinang sabi niya bago nag-iwas ng tingin.


Hindi pa rin ako makapaniwala tuwing naaalala ko ang naging usapan naming ito. Kung paano niya nakumbinsi si Daddy ay hindi ko alam. At ngayong dumating na ang itinakdang araw ay bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing naiisip ang mangyayari mamayang gabi. We're going to reveal the thing between us! Sky is going to! And we're finally going public after tonight! 


Habang nakatulala sa classroom ay napapakagat labi ako para pigilan ang pagsilay ng ngiti. No more hiding. No more pretending. At last. It's happening. Tomorrow would surely be a banging fresh start.


"Pahinging powder, bhie."


Napalingon ako sa pwesto nila Hannah nang marinig ang boses ni Frida. Another thing that's making me feel relieved and at peace lately is their non-hostile treatment on me. They've been really quiet these past few days and didn't dare to do any bold move. I guess the Counselor's warning really worked then. It seems effective so far.


Mas lalo kong nararamdaman ang pananabik sa paglipas ng oras. Dala ko ang kagalakan hanggang makabalik sa unit. Mom sent a glamour team to do my hair and make-up for the night. Pati ang dress na susuotin ko ay siya ang masusing pumili. Pakiramdam ko nga'y pina-design niya pa iyon at hindi lang basta binili.


"Fabulous!"


"Anak ka nga ni madam, gurl!" 


Pinaulanan nila ako ng papuri pagkatapos.


I was feeling edgy when I went out of the room and immediately saw Sky in his debonair look. He was already patiently waiting for me in front of the door.


"T-tara na?" I instantly uttered to avoid the light embarassment.


Kahit anong pigil ko ay unti-unti pa ring pumula ang pisngi ko dahil sa mariing pagkakatitig niya. Nahigit ko pa ang paghinga nang marahang umangat ang isa niyang kamay palapit sa may bandang mukha ko. I was holding my breathe in anticipation while waiting for what he's going to do. 


His hand then carefully touched my hair which was styled in a pinned back side manner. Banayad ang munting pagkakahawi niya sa hiblang humarang sa mukha ko bago dahan-dahang ibinaba ang kamay.


Halos manlambot ang tuhod ko nang pumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin pagkatapos ng ginawa niya. The butterflies never left me even when we were already heading outside. Ang magaang pagtama ng kamay niya sa likod ko para gabayan ako ay tila kumikiliti sa balat ko.

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon