Kabanata 10

41.6K 1.9K 360
                                    

Nagkakaintindihan




"Bring out your manuals,"


Everyone in the laboratory opened their bags to do as the teacher said. Including me. 


Chemistry period ngayon. Isa sana ito sa mga paborito kong bahagi ng araw dahil kanya-kanya ang galaw. Individual ang experiments kaya't hindi ako mamomroblema sa pakikisalamuha. Ngunit dahil pa rin sa nangyari kahapon ay tila wala akong kaene-enerhiya sa katawan. Sariwa pa rin ang kirot at pighating dala ng nagdaang araw.


Walang kagana-gana ang bawat galaw ko. Hindi pa naman ito ang huling klase pero tila pagod na pagod na ako. Maaaring hindi sa pisikal pero sigurado ako sa emosyonal na aspeto.


"Those who are done securing their lab attires can follow me on the weighing room right away," he instructed before leaving the laboratory.


I sighed heavily before wearing my lab gown. Sa sobrang bigat ng pinakawalan kong hininga ay napalingon pa nga ang nasa katabing stool ko. 


Tinali ko na rin muna nang maayos ang buhok ko bago dinampot ang manual at laboratory notebook. Kumuha na rin muna 'ko ng ballpen bago nagtungo sa pinto. Bago pa man ako tuluyang makalabas ay nakasabay ko pa sa may hamba ng pintuan si Omar.


Natigilan ako at ganun din siya. Ngunit mabilis naman siyang nakabawi at tila galit pa na iniwas ang tingin saka tumuloy sa paglabas. Bago pa niya ko tuluyang malampasan ay napansin ko ang pasa at galos sa kanang bahagi ng mukha niya.


"Yara, lalabas ka ba?" napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. "Wag kang humarang sa daan," sabi ni Joan at nauna na sakin.


Bumagsak ang balikat ko at hindi na rin nagtagal sa pwestong iyon. Umalis na ko bago pa man makaabala pa ng iba. Dumiretso na rin ako sa weighing room na katabi lang ng silid na pinanggalingan.


Naabutan ko roon ang ilang kaklase na nakakumpol na rin at nakapabilog kay Sir Mendrez na nagdedemo ng tungkol sa activity. Habang nakikinig ay nahagip ng mata ko ang ilang kaklase na katapat ko sa bilog. Ngayon ko lang napansin na dalawa pa sa mga kaklase kong lalaki ang may bangas sa mukha. Hindi lang pala si Omar.


"Make sure not to move the balance, kids. It's already calibrated." my gaze drifted back to Sir Mendrez when he gave an emphasis to his reminder.


Nagpatuloy ang pagbibigay niya ng mga paalala bago niya kami hinayaan nang kumilos. Nagtungo na 'ko pabalik sa lab para kumuha ng equipments sa locker. 


Gaya ng madalas ay hinintay ko munang matapos magbukas ang lahat dahil nakabundle ang mga susi na galing sa guro at wala akong kakayanang makipag-unahan o makipag-agawan doon. Nang makitang wala nang may gamit ng mga susi ay saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na kunin iyon at buksan ang akin. 


Dahil dun ay ako na naman ang nahuli sa pagsisimula ng mga gawain. Dati ay nababawi ko naman sa kilos ko pero ngayong tatamlay tamlay pa ako ay baka ako rin ang huling matapos.

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon