Kabanata 17

39.2K 2K 1K
                                    

Kanya




Mr. Nofuente cleared his throat. 


"Tell more about yourself," malumanay na sabi nito.


Hindi nagpatinag ang lalaki. Bagkus ay nanatili lamang itong tamad na nakatayo sa harap.


The teacher shifted on his feet. "Can you introduce yourself better? Atleast give them your full name. Do you have a second name perhaps?"


The guy's eyes blinked lazily. "Yeah,"


"What is it then?" Mr. Nofuente followed up.


"Blaze," he nonchalantly said.


Saglit pang nagtagal ang titig sa kanya ng guro. Marahil naghihintay na dugtungan niya pa ang simpleng sinabi at lubos na magpakilala. Nang mukhang wala na talaga itong balak magsalita pa ay muling bumuntong hininga si Mr. Nofuente.


"Well then, that makes you River Blaze Farillon, right?" aniya at siya na mismong tumapos sa pagpapakilala ng lalaki. Bumaling sa amin ang guro. "Everybody, please welcome your new classmate. I hope you all get along with him well."


Saglit akong natigilan. Wait- Farillon? That's..


As if on cue, someone raised her hand to ask what's on my mind.


"Farillon? Are you related to the School Director?" tanong ni Shiela gamit ang ipit na boses.


The guy didn't answer. Nanatiling blangko ang ekspresyon nito sa mukha.


Mr. Nofuente cleared his throat. "Yes, he's the youngest among Dir. Farillon's sons."


Narinig ko ang pagbubulung-bulungan ng mga kaklase 'ko.


Umayos ng tayo ang guro at bumaling sa bagong estudyante. "Alright, please take that vacant chair right there." wika nito saka minwestra ang upuan sa may bandang gitna.


River still got the same uninterested expression as he walked towards the available seat. Kitang-kita ko kung paano siya sinundan ng tingin ng mga kaklase kong babae. 


Ibinalik ko ang tingin sa harap nang magsimula nang magturo ang guro. Naging matiwasay ang buong lecture pati na ang ilang sumunod na klase. Ngayong walang bakas nina Frida sa paligid ay laging kalmado ang puso ko. Hindi rin ako madalas makaramdam ng takot at kaba. Pakiramdam ko ay kampante ako.


Nang dumating ang breaktime ay nagulat ako nang agad na nagtayuan ang ilang kababaihan. Akala ko ay kung anong gagawin nila. Sinundan ko sila ng tingin at nakitang pumalibot sila kay.. River.


Hindi ko maiwasang maalala ang mga unang araw ng klase namin dito. Ganyang-ganyan din sila kay Sky. Hindi nga lang iyon nagtagal dahil lantad ang pagiging suplado ni Sky. 

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon