Kabanata 31

40.1K 1.9K 915
                                    

Call off




Ramdam ko ang agad na pagsunod sakin ni Sky kaya't mas binilisan ko ang takbo. Tuwing mahahablot niya ang braso ko ay agad ko itong winawaksi. Halos gusto kong takpan ang parehong tainga dahil rinig na rinig ko pa rin ang sinasabi ng mga tao.


Kahit hanggang sa labas ay bahagya pa ring umaabot ang dagundong mula sa loob. Isang kapit pa ang naramdaman ko sa palapulsuhan bago ako napapikit sa pagod. I shut my eyes closed and my shoulders involuntarily slumped in exhaustion.


Pumihit ako para harapin ang taong nakahawak sa kamay ko. Naglalaban ang namumutawing pag-iingat at takot sa mga mata niya.


I sighed heavily. Akmang bubuka pa lang ang bibig ko nang matigilan.


"Bitiwan mo siya,"


I stayed still when I recognized the familiar voice. 


It was River's. 


I don't know why he's here or what he's probably thinking after he found out about everything that has been exposed inside but that's just at the least of my priorities right now.


Sa kabila ng nararamdaman kong paglapit niya sa gilid ko ay nanatili ang mata ko kay Sky. Ganun din naman siya. His eyes were pleadingly focused on me. It was as if he couldn't careless about anything but me.


Nang hindi niya pa rin binitawan ang kamay ko ay ako na mismo ang gumawa noon. Inangat ko ang isang kamay para kalasin ang pagkakahawak niya sakin. Hindi naging mahirap iyon dahil bakas ang panghihina sa kanya. Kitang-kita ko kung paanong tila may gumuho sa mata niya dahil sa ginawa ko.


Umisang hakbang pa ako paatras at ang natitirang pundasyon ng liwanag sa mata niya ay tuluyan na ring nadurog.


Malungkot na bumagsak ang talukap ng mata niya sa bawat mabagal nitong pagkurap.


"You don't... trust me," he slowly concluded. Hurt was evident in his voice.


Something tugged at my heart.


"Oh come on." I heard River butting in. "Don't throw yourself a pity party now, Melvar."


Walang pake sa kanya si Sky. His eyes were still on me. Penetrating through my soul.


Ngunit nang maramdaman ko ang paghawak ni River sa kaliwang kamay ko ay tuluyan na noong naagaw ang atensyon ni Sky.


"Kung sa tingin mo patay na patay sayo si Isabelle, nagkakamali ka." napakunot ang noo ko sa lumalabas sa bibig ni River.


Sky puffed out deeply before throwing River a spent glare.


"Stay the hell out of this," he simply said in a grave tone.


Hindi nagpatinag si River.

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon