Kabanata 8

41.5K 2.1K 920
                                    

Thank you




Nang makaalis si Sky ay halos magdalawang isip na 'ko kung susunod pa ba para manuod.


Gusto ko sana. Gustong-gusto. Kaya lang ay parang hindi ko kasi kayang iwan si Felo sa ganitong kalagayan niya ngayon.


I stayed with her for a while. Tahimik lang siyang nakadapa sa sofa at ako ay pinapanood siya habang nakapatong naman ang kanang pisngi ko sa braso kong nakalapat sa couch.


She doesn't seem as low-spirited as earlier though. Dumidila-dila na ulit siya pagkatapos uminom ng gamot. Seeing her gradually obtain back her energy somehow makes me feel relieved.


Sa patuloy na paghimas-himas ko nga lang sa likod niya ay mukhang hinihila na siya ng antok. Kaya't bago pa siya tuluyang makatulog ay marahan ko na siyang nilipat sa mat niya sa sahig. Mas ligtas kasi rito at siguradong hindi siya mahuhulog kahit pa gumulong-gulong man siya.


I'm thinking of sneaking out for a while to catch the show once Felo sleeps soundly. I watched her carefully as she completely closed her eyes.


I automatically turned to my watch to check the time. It's already 5:18 in the afternoon. Sigurado akong mahaba-haba naman ang set ng performance nila kaya't paniguradong mayroon pa rin akong maaabutan.


I gave Felo my one last gentle pat before standing up. Phone at wallet lang ang dinala ko bago tahimik na tinahak ang palabas sa pinto.


As expected, hindi naman ako nahirapang kumuha ng masasakyan. Mabilis lang din ang naging byahe papunta sa school.


Pagbaba ko pa lang sa taxi ay dinig na dinig na ang malakas na hiyawan na nagmumula sa gymnasium. Tila mas malakas pa ang mga sigawan na iyon kesa sa mismong tugtog.


Hindi muna ako roon dumiretso at napiling dumaan sa cafeteria para bumili na ng maiinom na pwede kong dalhin habang nanonood. Ramdam ko rin kasi ang panunuyo ng lalamunan ko. Saka ko lang napagtanto na wala pa pala 'kong kahit na anong kinakain bukod sa kaunting tanghalian kanina. Natapos na ang klase at lahat, nakauwi na rin ako't nakabalik muli rito sa eskwelahan pero wala pa ulit akong nailalaman sa sikmura ko miski tubig.


Naabutan kong maluwag ang malawak na cafeteria ng campus pagdating ko. May pila man sa may counter ay halos wala namang laman ang dining areas. Marahil dahil alanganing oras na ngayon kaya ganun.


Agad na akong naglakad papunta sa pila. Ayoko nang magsayang pa ng oras dahil hindi na rin ako makapaghintay na manood.


I was anticipatedly waiting for my turn when I heard talking voices getting near my position.


"Yara?" someone curiously asked.


I flinched a bit for the voice sounds a bit familiar. I think I already know who it was. I didn't move though. I didn't turn to confirm if it was really Hannah.


I don't have the guts to. Especially when my idiotic action from earlier today is still fresh in my memory. I'm probably a laughing stock in their imaginations right now.


"Si Yara nga," Joan countered.


Hindi ko sila tinitignan pero ramdam ko ang pagsunod nila sa pila. Damang dama ko ang presensya nila sa likod ko.


"Hi Yara,"


Tuluyan na kong nanigas sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Frida. Umabante ng isang hakbang ang nasa harap ko pero hindi ako makasunod sa galaw ng pila. Masyadong mabigat ang paa ko ngayon. Parang may kung ano sa boses ni Frida na gumapos sa mga binti ko.


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon