Kabanata 7

42.3K 1.9K 374
                                    

Did he






"You may now take your break," the teacher said before gathering her things.


I sat still on my seat. Iniisip kung paano na naman palilipasin ang ilang minuto nang mag-isa. Anxious that anything unforeseen might happen.


Nagsimula nang maging maingay ang loob ng silid pagkalabas ng guro. Nagtayuan ang marami para lumapit sa mga kaibigan. Ang iba ay dumiretso na rin palabas marahil para bumili ng makakain.


Samantalang ako ay tila naestatwa na sa upuan. Sa kagustuhang ikubli ang sariling presensya ay minamabuting wag lumikha ng anumang galaw. Ang gutom ay huli sa aking mga alalahanin.


I rarely get hungry. The thumping of my heart out of uneasiness always overpowers the state of my stomach as well as of any other part of my body.


"Anong gamit mong liptint, Frida?"


I stiffened when I overheard Hannah, one of my classmates. I don't want to look at their direction but my eyes betrayed me.


Nakita ko ang simpleng paghawi ng buhok ni Frida bago sumagot.


"Hmm.. Innisfree vivid cotton ink," she said using her usual voice.


"Oh.. I've never tried that one. Why don't we shop together sometimes?" Hannah asked.


Frida chuckled. "Sure,"


My gaze drifted to the floor. I can't help but wonder and think too much.. again. Like what I always do.


Kahapon lang siya lumipat dito. Pero agad niyang nakakasundo ang mga kaklase ko. Madali niyang nakakapalagayan ng loob ang iba. Kaya niyang makipaglapit at makipag-usap na parang matagal na silang magkakakilala.


Habang ako, ilang linggo nang nandito pero.. wala pa rin ni isang kaibigan. Kahit nga kaklaseng nakakausap man lang sana nang kaswal ay wala. Miski ang katabi ko ay walang pagsisikap na kilalanin ako. Pakiramdam ko nga'y nasusuklam din siya sa itsura ko at marahil ay nandidiri. Ayaw niya siguro ng kaibigang.. pangit.


My heart sank.


Why can't I be normal? Why can't I just be like them? Like what others are? Why am I different? Paanong nakakaya nila 'yun habang ako ay hindi? Anong ginawa ko para maging ganito?


I'm.. afraid. I'm afraid of what tomorrow might bring. I'm scared that even though Frida's accomplices are not here with her, she might still be able to win the hearts of many here and create a brand new troop.


Ni hindi ko na kayang isipin ang mga pwede pang mangyari. I wish I can just stop existing so I wouldn't experience another set of nightmare anymore.


"Where are the others?"


My thoughts were interrupted when the teacher for the next period arrived. I didn't even realize that fifteen minutes have passed already. I've been so drowned with what I was thinking.


Hindi na hinintay ng guro na dumating ang iba na nasa labas pa rin. Nagsimula na siya sa diskusyon habang pabalik pa lang ang iba mula sa recess.


Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para subukang panatilihin ang atensyon sa leksyon. Kahit dito man lang ay magkaroon ng saysay ang presensya ko.


Lumipas ang iba pang klase hanggang natapos na rin ang panghuli. Bahagya akong nakahinga nang maluwag sa kaisipan na makakalayo na rin ako rito. I feel the most unsafe whenever I'm here. This whole place screams danger to me.


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon