Kabanata 24

38.1K 1.8K 453
                                    

Over




"Ito ang gusto mong panoorin, Isabelle?" River groaned beside me.


Naririnig ko siya ngunit hindi pa tuluyang rumirehistro sakin ang lahat. Nakapako lang ang tingin ko sa harap. Partikular na sa isang tao. Hindi kay Sky. Kundi sa babaeng hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kanya.


"Ang pangit naman ng boses," sabat pa ulit ng katabi ko.


Sa kabila ng mga sinasabi niya ay hindi ko maibaling sa kanya ang atensyon. Masyado akong okupado sa natunghayan. Hindi ko alam kung ngayon lang ba naging ganito si Thea o matagal na ngunit hindi ko lang napagtutuonan ng pansin.


"Grabe halatang-halata na talaga yung mga tingin ni Thea," a chirped voice said.


Kusang lumipad ang tingin ko sa pinanggalingan ng tinig. Tumama ang mata ko sa grupo ng mga kababaihan sa harap namin na sa pakiwari ko ay mga lower batch. Sa tono ng pananalita nila ay nahila nila ang kyuryosidad ko.


"Sila na ba?" tanong ng isa.


Nahigit ko ang hininga sa narinig. Tila nagkabuhol-buhol ang mga hiblang bumubo sa utak ko dala ng pagkalito.


"Ang sabi nanliligaw pa lang daw si Sky,"


May agad na pumilipit sa sikmura ko. Alam kong walang basihan. Alam kong hindi ko dapat paniwalaan. Alam kong masyadong biglaan. Alam kong walang kasiguraduhan. Pero hindi naman mabubuo ang mga hinuha nila kung wala silang natunghayan.


"Sus! Pashowbiz. If I know, sila naman na talaga," kumpyansang wika ng isa.


"Oo nga, tingin ko rin."


"Baka ayaw pa lang talaga muna nila ilantad,"


Ang mahinang tore na kanina pa nayayanig sa loob ko ay tuluyan nang gumuho.


"Ang sweet daw nila tuwing rehearsals eh,"


"Sabagay, sino nga bang hindi mafa-fall kung lagi kayong magkasama."


"Pero imagine-nin niyo no? Si Sky, sweet? Pano kaya yun?" halakhak ng isa.


Ang nakadagan sa dibdib ko ay bumigat. Habang ang nakabara sa lalamunan ko ay mas lalo pang nadagdagan.


Nagsimula ang panibagong musika at dinala nito ang mata ko pabalik sa entablado.


Something painfully tugged at my heart as Wanderlust played Stephanie Poetri's I Love You 3000. Thea firmly gripped on the microphone.


I've always loved this song. I've always imagined this song playing while I'm walking down the aisle. But I think.. this song would start to hit differently from now on.


"Baby, take my hand
I want you to be my husband
'Cause you're my Iron Man
And I love you 3000
Baby, take a chance
'Cause I want this to be something
Straight out of a Hollywood movie,"


I can't believe how my tongue began to taste something bitter while watching how good Thea sings.


Her voice is beautiful. She's visually pretty too. She's appealing, talented and even outgoing. Any guy can easily fall for her. She manifests all the qualities that a guy could ever wish for.


"I see you standing there
In your hulk outerwear
And all I can think
Is where is the ring
'Cause I know you wanna ask
Scared the moment will pass
I can see it in your eyes
Just take me by surprise,"


My lips parted when Thea playfully went near Sky. She even leaned her head close to him in a mischievous way.


"OH MY GASH BAGAY!!!"


"SKY, KUNG HINDI MAN TAYO SANA KAYO NA LANG!!"


"YES PLEASE OMG,"


"PAYAG AKO BASTA KAYONG DALAWA!"


"DESERVE NIYO ISA'T ISA! SHIT!"


Ang mga naghihisteryang sigaw ng mga nanonood ay hindi naman para sakin ngunit direktang tumutusok sa puso ko.


"Ang ingay." reklamo ni River. "Tara na, Isabelle."


"And all my friends they tell me they see
You're planning to get on one knee
But I want it to be out of the blue
So make sure I have no clue
When you ask,"


Habang nanghihina ang loob ko sa panonood ay naiinip naman ang katabi ko kaya't nag-aaya nang lumabas. Ilang beses pa siyang namilit bago nagpadala ang matamlay na estado ko.


I went out of there with a heavy heart.


"Wala pa yung sundo mo?"


"Huh?" I confusedly shot my head up at River.


Nang mapagtanto ang sinabi niya ay nawala ang pagkakalukot ng mukha ko. Ang alam niya nga pala ay sinusundo ako ng family driver namin araw-araw.


"A-ah, oo. Mauna ka na,"


Nung una ay nangulit pa siyang sasamahan niya raw muna ako hangga't dumating ang sundo ko pero tinaboy ko na siya. Wala naman kasing darating. Hinihintay ko lang yung nasa loob.


Dala ko ang bigat ng puso hanggang sa pag-uwi. Hindi ako kumibo sa kahabaan ng byahe pauwi kasama si Sky. I don't know if he finds the deafening silence between us normal or unusual. He doesn't even know that I watched their show today. Ang alam niya ay may gawain ako sa club.


I know it's wrong to be like this. I know it's wrong to feel like this. Especially when there's a gray area on the root of my assumptions. I know it's better to speak up. To ask questions. To clear things up.


But I just can't. I can't do that. I don't have the courage to. I've never had any. I've always been like this. And I hate myself for being like this too.


Also, what would I even say, anyway? Hindi ko man lang nga rin alam kung ano ang itatanong ko. At kung paano ko iyon itatanong. Isa pa, may karapatan ba 'kong malaman? Nakakatakot. Nakakatakot masampal ng katotohanan.


Hanggang sa pagpasok sa sumunod na araw ay pareho ang pakitungo ko kay Sky. Ramdam ko ang munting pag-iingat at pangangapa sa mga galaw niya.


Tuwing mukhang kakausapin niya 'ko ay gumagawa ako ng paraan para hindi niya matuloy ang sasabihin. I know what I'm doing isn't making sense anymore but I'm scared of what he will probably tell me.


Pagdating sa classroom ay yumuko na lang ako agad sa desk ko. Siniguro ko nang aabutan ako sa ganoong posisyon ni River para maramdaman niyang wala akong gana. Kahit sa kanya kasi ay wala akong lakas na magpanggap na may sigla ako ngayon.


Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Naalimpungatan lamang ako nang makarinig ng boses mula sa harapan. Ilang saglit pang nanatiling nakatungo ang ulo ko.


"Good morning everyone,"


Kumunot ang noo ko mula sa pagkakalapat nito sa braso ko. It doesn't sound like our teacher. But the voice seems familiar. It sounds like it was from the... Counselor?


I gradually pulled my head up to confirm who it was. Hindi pa man ako tuluyang nakakaayos ng upo ay natigilan na ako nang tumama ang tingin ko sa harap.


Indeed, it was the Counselor.


But she's not alone.


She's with Frida and everyone else.


And then it hit me.


Their suspension is over.



Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon