Kabanata 29

43.4K 2.1K 1.4K
                                    

Can't wait




Sa sumunod na araw ay magaan ang pakiramdam ko pagkagising. Hindi naman ako tinanghali ng pagbangon pero pakiramdam ko ay napahaba ang tulog ko kahit ang totoo'y sakto lang naman.


I took my time in getting myself ready. I took a quick shower and settled for a victoria secret sheer romper. Its design suits the seashore setting plus it is also very comfy. I also brought my sunnies and beach hat with me. 


Tinignan ko pa ang oras bago lumabas. It's just eight in the morning. Ang alam ko'y alas tres o alas kwatro pa ng hapon ang uwi namin.


I was quite surprised to see everyone out early. They are all gathered in the seaside dining area of the rest house. Sila Mommy ay medyo inasahan ko na dahil tiyak na gusto nilang sulitin ang bawat oras namin dito pero pati si Sky ay natagpuan ko na rin doon. Kumunot ang noo ko nang mapansing may seryosong kausap pala siya. I walked further to see better dahil natatakpan iyon ng sliding door.


Nang makita nang maayos ay lumipat ang tingin ko sa katabi niya at bahagya pa kong nagulat nang masilayan si Daddy. Pati pala si Tito Con ay nandito na rin!


"Dad?"


Napalingon silang lahat sa direksyon ko. My Father's face lit up before he stood up and went near me for a hug.


Binati ko rin si Tito at agad na akong giniya nila Mommy sa hapag para mag-almusal. They were all nearly done with their breakfast. 


Habang kumakain ako ay nagpatuloy ang taimtim na pag-uusap nila Daddy at Sky sa isang tabi. Sinubukan kong makinig pero tungkol sa business ang nasagap ng tainga ko. They even left to go somewhere while still talking. Halos humaba ang leeg ko sa pag-sunod ng tingin sa kanila.


Hindi ko maiwasang maalala ang nilahad ni Sky tungkol sa sinabi raw sa kanya ni Daddy. Come to think of it, I've often used to see them talking like this since before. Akala ko wala lang. I thought it was just one of those usual boy talks and stuff. But Daddy was actually giving him some sort of directives? Ano pa kayang ipinagbawal sa kanya ni Daddy? My face flushed as ideas flooded my mind.


I mentally shook my head. 


All this time I thought, Daddy just goes with my Mom's every whim. He had always put up with everything my Mother wants and spoils her. Akala ko nga ay wala na siyang pakialam sakin dahil nang sinabi ni Mommy ang tungkol sa planong patirahin kami ni Sky sa iisang bubong ay pumayag lang siya. Not that I was against the idea back then but I was just curious. When I asked him why, he only said-


"Don't worry, princess. I won't let you be in a troublesome situation. Just trust me. Nothing unnecessary would happen,"


Natulala ako habang ginagalaw ang pagkain. Pinilig ko ang ulo at pinilit nang ibalik ang atensyon sa almusal.


Kalaunan ay bumaling ako kay Tito Con.


"Tito, sasabay na po kayo pauwi samin mamaya?" tanong ko.


"Uhm no, Yara. We can't stay for long," he then checked his watch. "We'll be leaving in a while for an appointment,"

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon