Kabanata 6

42.5K 1.9K 457
                                    

Kiliti






My insides were shaking.


I was literally trembling on my seat.


Her eyes were slowly roaming around the classroom and I almost stopped breathing when our gazes met.


That split second equates to a lifetime for me.


I feel like it would haunt me for the rest of my life.


The way her lips curved evilly at the sight of me made the hair on my nape stood up.


I.. can't breathe. I'm already having a hard time breathing by now.


"Hi," she sweetly said. "I'm Frida C. Solema, seventeen." she simply introduced.


A seemingly genuine smile plastered on her face. "I hope.. we all get along with each other well,"


Buong araw akong tila naninigas sa upuan ko. Pakiramdam ko'y tinakasan na rin ng kulay ang mukha ko. Hindi ko na magawang makinig nang maayos sa mga leksyon.


Wala namang nag-aabalang magtanong kung ayos lang ako o kumustahin ang kalagayan ko dahil wala namang may pakialam sakin dito. Kahit nga siguro lamunin ako ng lupa ay walang makakapansin. Dahil ang presensya ko ay hindi naman kapansin-pansin.


Tuwid lang ang tingin ko sa harap. Diretso at hindi dumadapo sa kaliwa't kanan. Natatakot na may masagap ang mga mata. Na baka sa kaunting paglingon sa magkabilang gilid ay may tamaan ang tingin na hindi kanais-nais.


Kaya't nang tumunog ang hudyat na tapos na ang klase ay wala na kong pinalampas na oras. Hindi na ako nagtagal pa sa silid na iyon. Wala na akong inaksayang kahit isang segundo at mabilis na umalis doon. Agad kong tinahak ang daan patungo sa parking lot.


Mabilis pa rin ang paghinga ko nang makarating doon. Pakiramdam ko'y nanginginig pa rin ang kalamanan ko. Para akong tuod na nakakapit sa hawakan ng kotse. Hindi na makapaghintay dumating ang may hawak ng susi. Gusto ko na lang makapasok sa loob ng sasakyan para makalayo na mula sa lugar na ito.


Ngunit masyado atang napa-aga ang pagpunta ko. Masyado atang napabilis ang pagkaripas ko rito.


Habang naghihintay tuloy ay nanlalambot na ang tuhod ko. Nanghihinang binitawan ko ang pinto ng kotse.


Sa kantong bahagi ito nakaparada kaya may sementadong parte sa gilid kung saan may mga nakatanim na halaman. Nang makita iyon ay tila nagkasundo ang utak at katawan ko.


Nanginginig na bumigay ang binti ko paupo roon. Nang tumama ang pang-upo ko sa semento ay saka ko lang muling naramdaman ang bigat sa dibdib ko.


Pinipigilan kong iyuko ang ulo. Dahil alam ko. Alam ko na kapag yumuko ako ay iiyak lang ako. Tutulo ang mga luha at mahihirapan na akong pigilan pa ang mga ito. Mariin ang pagkakakagat ko sa labi habang pinipigilan ang bugso ng emosyon.


Sa kabila ng pagkakatulala at pagtitig sa kawalan ay may naramdaman akong presensya. Kusang dumako roon ang tingin ko.


I automatically released my lip from the bit when my gaze met Sky's. My mouth even parted a bit.


He was few meters away from me but his stare was filled with something. His expression was implying something.


Ang bahagyang nakakunot niyang noo ay nagpapahiwatig ng... pag-aalala?


Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Natatakot akong pangalanan dahil baka nagkakamali lang ako.


Suminghot ako bago tumayo. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nag-abang lang sa may pinto ng sasakyan. Hinihintay na patunugin niya ito.


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon