Kabanata 21

40.7K 2.2K 973
                                    

Syempre




I sat in front of my vanity mirror.


Bago magsimula ay binuhay ko muna saglit ang cellphone para tignan ang oras.


6:30 AM


Mga 6:50 naman na kami naalis ni Sky kaya't may sapat na panahon pa ako. Nilipat ko ang tingin sa mga gamit sa harap ko para makapagsimula nang mag-ayos ng sarili. I decided to do my hair first before putting on some light make up. 


I don't know what got into me. Basta't habang nagliligpit kahapon ay may nakita akong kahon na may lamang iba't ibang pampaganda. Of course my Mom was the one behind it. I remembered her telling me that she included those kinds of stuff in my baggage before we moved in here. Hindi ko nga lang binigyang pansin iyon noon dahil wala naman akong interes sa mga ganon. Pero nang matagpuan ko ang mga ito kagabi ay bigla kong naisip na sayang naman kung hindi magagamit. Wala rin namang mawawala kung susubukan ko.


I used the flat iron to give my hair some loose curls. Bandang dulo lang ng medyo may kahabaan kong buhok ang kinulot ko. I coiled it around the hot hair tong for quite a short time which was just enough to make it slightly wavy. Nasiyahan naman ako sa kinalabasan noon. Nagkaroon ng buhay ang dati'y bagsak na bagsak kong buhok.


Nang dumako naman sa mukha ay biglang hindi ko na alam ang gagawin. Dahil wala akong alam doon ay napagdesisyonan 'kong labi na lang muna ang lagyan. Light color lang iyon at sapat na para mas pumusyaw ang labi ko. Powder na lang muna ang nilagay ko sa ibang parte ng mukha. Kuntento naman ako sa naging itsura lalo pa't kahit papaano ay tuloy-tuloy ang pagkinis ng mukha ko nitong mga nakaraang araw. Maaliwalas nang tignan iyon kahit walang ilagay o itapal na kahit ano.


Nang matapos ay nilapag ko ang kamay at tinignan ang repleksyon ng sarili sa salamin. Simple lang iyon pero hindi ko maiwasang matuwa sa kinalabasan. Napangiti ako. Pwede na 'to. Kapag nagkaroon ng libreng oras ay maglalaan na lang  ako ng panahon sa pagkuha ng ideya sa internet kung paano gamitin ang mga produktong hindi pamilyar sa akin.


I sprayed on my Chanel perfume before finally standing up to get my school bag. Pagkalabas ko sa pinto ng kwarto ay hindi ko naabutan sa sala si Sky. It was Felo who made her way towards my feet. Bubuhatin ko pa lang sana siya nang matigilan ako dahil sa narinig na tunog sa may kusina. 


Pagkaharap ko sa direksyon na 'yon ay ang sakto rin namang paglabas ni Sky galing doon. Dire-diretso lang ang paglalakad niya nung una ngunit nang magtama ang tingin namin ay unti-unting bumagal ang mga hakbang niya. He strangely took his steps slowly and lightly until he completely stopped. He halted on his pace when we're just about a meter apart. 


His lips even have a little distance between them by now.


His eyes were on my face. It lingered there with his intent gaze. And it was just too much. To the point that my eyes just inevitably looked away because I couldn't take it. Napalunok ako at dumapo ang mata kay Felo. I just then crouched to get her on my arms.


Pagtayo ko ay halos mahigit ko ang hininga nang maabutan na si Sky sa mismong harapan ko. I was clearly frozen on my spot as he swiftly yet gently took Felo from my hold. He carried her himself with carefulness. Hindi pa man tuluyang nakakabawi ay nasundan pa iyon ng pag-atake ng bango niya sa ilong ko. His masculine scent almost made me want to close my eyes.

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon