Kabanata 26

39.1K 1.9K 599
                                    

Bahala



Binaybay ko ang kahabaan ng school grounds habang may iniindang pighati sa dibdib.


Maingay  at maraming tao sa field dahil warm-up day na ng Intramurals ngayon. Ito na ang unang araw kaya't nagkalat ang iba't ibang booth at stalls. Sa kabila ng masayang tugtugan at hiyawan na naririnig sa paligid ay nananatiling malumbay ang kalooban 'ko.


Pagdating sa classroom, tulad ng inaasahan ay kaunti pa lang ang tao. Malaki kasi ang tyansang wala nang guro ang magklase pa ngayon. Tiyak na papasok na lang ang iba kapag oras na para sa mga pagtatanghal. 


Pinipigilan ko ang sariling lumandas ang tingin sa bakanteng upuan ni Sky. Tuwing tumatama kasi roon ang mata ko ay naiisip ko lang na siguradong magkasama sila ngayon ni Thea para maghanda sa first major performance ng Wanderlust mamaya.


Ang ibang kaklase ko ay bumaba na muna para subukan ang mga pakulo sa grounds at makapagpalipas ng oras.


"Baba rin tayo.." narinig kong aya ni River. 


Tila bigla siyang nabuhayan. Kanina pa kasi siya tamad na tamad dahil wala  raw magawa.


I sighed. "Ikaw na lang,"


Bumusangot siya. "Ba't ayaw mo?"


I checked my watched.


"Pupunta ako sa library.." wika ko nang maisipang dun na lang pumunta para makaiwas sa ingay at kasiyahan ng maraming tao. Hahanap na lang ako ng magagawa pag nandun na.


His face scrunched. 


"Really, Isabelle? Library sa kalagitnaan ng Intrams?" hindi makapaniwalang tanong niya. 


Hindi ko siya sinagot at tumingin na lang ako sa malayo.


"Come on, loosen up. Baba na kasi tayo," panghihikayat niya pa.


Hindi ako nagpapilit. Ilang minuto lang ang lumipas ay pumunta na ako sa library at ang kinahinatnan pa ay bumuntot lang din naman siya sakin doon. Walang katao-tao sa library. Literal na kami lang talaga. Others are obviously enjoying the activities in the field.


Pag-upo pa lang namin ay panay pa rin ang mga pabulong na kumento ni River.


"I can't believe this." he hissed. "We're in the middle of these bookshelves while others are having fun outside," he disappointedly muttered.


Nanatiling seryoso ang ekspresyon ko habang nasa binabasa pa rin ang mata.


"Sino ba kasing nagsabing pumunta ka rito?" mahinang tanong ko habang nakakunot ang noo. "You should have just go there, River. Instead of being here and making me feel like I took away your pleasure," bulong ko pa saka umiwas ng tingin.

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon