Kabanata 35

44.6K 2K 484
                                    

Fine



Nagpahatid ako sa opisina ni Daddy. Pagkarating sa gusali ay sa wastong palapag kaagad ako dumiretso. Ngunit nang makaharap ko ang sekretarya niya ay nabigo ako sa misyon.


"Mr. Savellano left for a prior arrangement, Ma'am." she then checked something on her iPad. "He's most likely to be back after lunch,"


Bagsak ang balikat ko habang papaalis sa lugar. I strode through the vicinity of the building while my mind is drifting away. 


Habang palalim nang palalim ang mga iniisip ko ay tuluyan nang rumerehistro sakin ang sitwasyon. Ngayong hindi ko naabutan si Daddy at wala akong dalang sariling sasakyan ay mukhang alam ko na kung saan na naman ako pupulutin. Idagdag pa na ang lahat ng importante kong gamit ay nasa pamamahay na ni Sky.


My head was down as I reached the lobby. Malayo pa lang ay umangat na ang ulo ko para hanapin ang kasama ko sa pwesto kung saan ko siya iniwan kanina. Bahagya pa akong natigilan sa naabutan doon.


A group of people was posing for the camera with Sky in the middle of them. May dalawang teenager pa sa gilid na mukhang nag-aabang din para kumuha ng litrato kasama siya. Nang matapos ang isang grupo ay agad silang nagpasalamat bago kinikilig na umalis habang ang kanina pang naka-antabay ay mabilis namang pumalit para sumunod.


Tahimik akong naglakad papalapit para maghintay sa gilid. Halos mapapitlag pa ako nang agad na lumipad sakin ang mata ni Sky. Something in his eyes glimmered before he promptly returned back his gaze on the expectant young girls.


"Sama natin sa picture yung girlfriend ko," he soothingly said with a trace of pride.


Nalaglag ang panga ko sa narinig. 


Hindi pa man ako nakakabawi ay nakalapit na siya sakin. Marahang dumausdos ang kamay niya sa braso ko hanggang maabot nito ang palad ko at pinadaop iyon kasama ang kanya. 


My lips were still apart as he lightly pulled me towards where the fans are.


"Hala, ang ganda..." one of them whispered.


Saglit pa silang tumitig lang samin bago natuloy ang pagkuha ng litrato. Kahit nang matapos ay tumagal pa ang mga tingin nila samin na tila hindi makapaniwala habang nagpapasalamat. Paatras pa ang naging paglakad nila papalayo dahil hindi nila maalis ang mga mata sa amin.


Kahit ako ay tuliro pa rin dahil sa nangyari. Miski nang makasakay na kami sa sasakyan ay napapakurap pa ako nang paulit-ulit habang iniisip ang naganap. Nang marinig ang tunog ng pagsisimula ng makina ay saka lang ako natauhan.


Sa huli ay napabuntong-hininga ako.


"Hindi mo dapat ginawa 'yun," I murmured.


He gave me a sideway glance.


"Hmm?"

Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon