Kabanata 19

41.4K 2.3K 881
                                    

Hindi





Iyah:

Hi, Yara! Your club ID is now available in the office.


Nanlaki ang mata ko sa nabasang mensahe. Halos isang linggo pa lang matapos nang opisyal akong sumali sa School Paper at hindi ko inaakalang magkakaroon agad ako noon.


Tumingin ako sa harap ng classroom. Walang guro. Ilang araw na kaming hindi nagkaklase sa halos lahat ng subjects dahil malapit na ang intramurals. Marahil abala rin ang mga kawani ng paaralan kaya't nagbibigay na lamang muna sa amin ng mga gawain.


Dahil bakante naman ako ngayon ay naisip kong kuhanin na ang ID sa journ room. Tumayo ako mula sa upuan.


"San ka?"


Umangat ang tingin sakin ni River mula sa pagkakatutok ng mga iyon sa screen ng phone niya. Gaya ng karaniwan ay naglalaro na naman siya. He only does two things in school anyway. It's either he sleeps or he plays.


"May kukunin lang," sagot ko.


Tumayo rin siya habang naglalaro pa rin. "Sama,"


My eyes widened. "Wag na!"


He glanced at me.


"Ba't bawal?"


Napakura-kurap ako.


"Bakit ka kasi sasama?" tanong ko.


"Gusto ko lang," he straight-up said.


Napanganga ako.


Pinilig ko ang ulo para makabawi.


"Wala ka namang sadya dun," katwiran ko.


Fourth floor pa naman ang classroom namin tapos sasama pa syang bumaba dahil lang trip niya?


Nanatili sa screen ng phone ang mata niya. His fingers were moving quickly as it tap on it.


"Edi bibili na lang ako sa caf para meron na," he reasoned out.


I stared at him momentarily. I was mentally shaking my head at how hard-headed he is. Kalaunan ay bumuntong-hininga na lang ako.


"Bahala ka nga," I said in defeat.


Pagkarating namim sa grounds ay mukhang wala naman siyang balak lumiko sa cafeteria. Kung hindi ko pa siya tinulak sa direksyon noon ay magpupumilit na naman sana siyang sumama sa kung saan man ako patungo. Sinabi ko na lang na sabay na kaming aakyat mamaya para matapos ang usapan.


Umiba na 'ko ng daan at tinahak ang papunta sa office. Pagkarating ko roon ay wala si Iyah. Ang dalawang org-mates ko lang ang naabutan ko roon.


"Hi, Yara!" Nialla greeted. "Kukunin mo na yung ID mo?"


My lips stretched into a wide smile before I nodded. Marahil ay binilin na sa kanila ni Iyah ang tungkol doon kaya't inaasahan na nila ang pagdating ko.


Nang inabot sakin ang ID ay halos dahan-dahan pa ang naging pagtanggap ko roon. May pag-iingat sa pag-angat ng kamay ko pati na sa pagkuha noon.


"Congrats! Official na talaga," bati pa nila.


Nanatili sa ID ko ang mata ko. I was too happy about it. Kahit nang magpasalamat at magpaalam na 'ko sa kanila ay hindi maalis doon ang tingin ko. May lace na iyon ngunit hindi ko pa masuot dahil sa pagkamangha.


Conquering the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon