Chapter 1

224 6 0
                                    


"Hoy! Ba't nakapanlumbaba kana naman dyan?"

Bumaling ako kay Chloe na kumakain ng chocolate ngayon dito sa MathPark. Iniisip ko kasi kung saan ako magtatrabaho ng part time dahil kailangan ko ng bumayad ng apartment ko. Nasa probinsya kasi ang Nanay ko at ako lang mag-isa dito sa Maynila. Good thing, I have my bestfriend with me.

They were my bestfriend since highschool. I still remember how they approached me.

***

Sumakay na ako ng jeep papunta sa paaralan ko, first day ngayon kaya kailangan kung magmadaling pumunta.

"Dito lang po!" Sabi ko at sabay bigay ng pamasahe ko. Baka malate pa ako sa unang pasok ko. Tiningnan ko ang papasokan kung school.

CUEVAS HIGH SCHOOL...

Napabuntong hininga ako dahil kinakabahan ako baka e bully ako dito. Hindi pa naman ako sanay na binubully, hindi naman kasi talaga ako pangit e. Mukhang mayayaman ang nandito ah? Ang gaganda ng mga bag nila. Bigla tuloy akong nainggit, scholar lang kasi ako dito kaya ako nakapasok. Malamang kung hindi ako matalino malabong makapasok ako dito, ang gaganda pa nila.

Nakatungo lang ako habang naglalakad papunta sa classroom ko. Mukha nga silang anak mayaman dahil sa mga itsura nila, ang kikinis ng mga mukha. Hmp! Matagal ko ng pinangarap na pumasok sa paaralan nato kaya nung nalaman kung may scholar sila, sinunggaban ko kaagad at nag take kaagad ako ng exam. At sa awa ng diyos naka pasa naman ako, kaya tuwang-tuwa ako.

Pagpasok ko palang sa classroom ay ang ingay na nila, mukhang magkakakilala na sila ah? Ako lang ata ang walang kaibigan dito. Umupo nalang ako sa pinaka gilid malapit sa bintana, buti nalang bakante dito. Naka tuon lang ang atensyon ko sa bintana ng biglang may lumapit saking dalawang babae, mukhang magkaibigan sila.

"Hi, Transferee ka?" Tanong niya sakin at binigyan ako ng ngiti. I don't want to be rude 'no! Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango-tango.

"I see.. kaya bago lang kita nakita dito. You're beautiful, where are you from?" Ay aba? English ah? Baka hindi pa matapos ang school year ma nosebleed na ako dito. Charot.

"H-Hi, A-Ah I'm from C-Cagayan.." nauutal utal pang sabi ko. Kuyaw! English.

"Cagayan Valley?" Iniling ko ang ulo ko.

"C-Cagayan De Oro.." sabi ko. Kinuha lang ako ng auntie ko at sabi niya siya na daw magpapaaral sakin. Wala kasi siyang anak kaya ganun.

"What's your name?" Tanong nung isang babaeng nakatayo sa harapan ko na nakangiti.

"I-I'm T-Trixie A-Anne Velasquez," sabi ko habang nahihiyang nginitian sila. Nilahad naman niya sakin ang kamay niya.

"I'm Chloe Santillan.." pakilala nung babaeng tumabi sakin. Pinunasan ko muna ang kamay ko at baka may dumi, ang puti pa naman niya. Maputi rin naman ako pero naku! Mahirap na.

"I'm Kianna Bautista," sabi nung babaeng nakatayo sa harap ko. Nilahad ko rin ang kamay ko sa kaniya at nakipag shake-hands.

Dahil may dalawang bakanteng upuan sa tabi ko dun na sila umupo, hindi pa naman dumating ang prof namin kaya nag-getting to know each other muna kami. Taray! Getting to know each other, Mayaman ka ghorl?

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now