Chapter 10

125 4 0
                                    


Pagkabalik namin sa kwarto namin ay nauna akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkalabas ko naman ay nakasuot na ako ng bathrobe. Nakangiti naman siyang pumasok sa banyo at nawe-weirduhan ako sa kaniya. Kasi minsan nakangiti siya, minsan nagsu-sungit naman siya. Kinuha ko naman ang cellphone ko at binuksan ang wifi nun.

Pumunta ako sa IG ko at nagstory. Kinlick ko ang picture namin na nakatingin kami sa sunset at nakahawak siya sa beywang ko at nakahalik siya sa gilid ng ulo ko. Nilagyan ko ng caption na 'Staring at the sunset' yun lang ang nilagay ko. Hindi ko na nilagyan ng 'together' at baka ano pang sabihin ng mga kaibigan ko. Buti nalang hindi pa kami friends ni Sky sa instagram dahil hindi naman ata siya nag i-insta.

Sunod-sunod namang tumunog ang cellphone ko dahil sa notification at messages. Narinig ko naman na lumabas na ng banyo si Sky.

"Are you hungry?" Biglang tanong niya sakin. Shet! He's topless. Napansin niya naman na nakatitig ako sa abs niya kaya umiwas agad ako ng tingin. Nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi niya. Kaagad ko namang tinoun nalang sa cellphone ko ang mga mata ko.

"Oo, sabihin mo lang kapag tapos ka na. Please magbihis ka na." Sabi ko sa kaniya habang nasa cellphone parin ang mata. Nagsco-scroll lang ako dahil hindi mawala sa utak ko ang abs niya. Shet naman oh.

"Okay, I'll just change." Sabi niya. Pinilig ko nalang ang ulo ko at pumunta na sa messages dahil nagreply sa story ang dalawa kung kaibigan.

@chloe_santillan: OMG! Is that Sky?!

@kianbautista: Are you on?!

Natawa naman ako sa mga message nila. Kahit ako ay kinilig sa mga picture namin. Nilagyan ko pa ng albums yung mga picture namin. Kahit hindi kami ay nilagay ko lang na 'Together' assuming na kung assuming but I can't help it.

replying to @chloe_santillan: Yeah, that's him :)

replying to @kianbautista: No, we're not :(

@chloe_santillan: OH MY GOD! Make kwento naman.

Nagiging conyo pa tuloy ang isang 'to.

@kianbautista: then why are you taking selfies together?

Alam kung nagtataka na sila ngayon. Bakit nga ba kami nagpicture na kaming dalawa? We looked sweet together. Kung hindi kami kilala ay mapagkakamalan talaga kaming magjowa.

But sadly, we're not.

Mapait akong ngumiti, pumunta nalang ako sa messenger at sa GC ko nalang kami nag reply sa mga message nila. Tinatamad ako magreply sa kanila na paisa-isa.

Me: Magku-kwento ako sainyo kapag nakabalik na kami ng Manila :(

Chloe: Why? What happened?

Kian: oh my god, don't tell me you're inlove with him?

Napapikit ako sa sinabi ni Kian dahil alam kung tama siya. I'm inlove with Sky that I'm scared to fall deeper because I know in the end, I'll get hurt.

•••

Kakatapos lang naming kumain ni Sky at tumambay muna ako sa labas at tiningnan ang mga bituin at ang buwan. Nasa loob siya ng kwarto namin dahil may inaasikaso siya at may pinermahan na mga papel. Gusto ko rin 'to gusto kung makapag isip-isip.

Tama pa ba 'to? Talong-talo na ako e. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove sa kaniya dahil talamak siya sa mga babae. Pero kinain ko rin pala ang sinabi ko, dahil mas lalo akong nahulog sa kaniya. Pagbalik namin ng Manila ay balik na naman kami sa dati. Ganun talaga siguro, minsan sa buhay natin ay may taong dadating satin para pasayahin tayo, pero hindi rin magtatagal.

Dahil katulad ng buwan, mawawala rin sila pagdating ng araw.

Napangiti ako ng mapait. And I'm looking forward to that day, sana lang maihanda ko ang sarili ko sa pagdating ng araw na yan. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko, kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang dagat na may kasamang buwan at mga bituin. Nilagay ko sa ig story ko at nag caption ng 'seeing the sea is giving me comfort and a peace of mind.'

Eto na ata talaga ang comfort zone ko, ngayon lang ako nakahanap ng bagong comfort zone. Lumalamig narin ang ihip ng hangin pero hindi ko ata maramdaman yun hanggang sa may nagpatong ng jacket sa balikat ko.

I looked to the man who I just fall with. Who would not fall for him tho? He's handsome, he's rich, he's sweet, he's caring, and his loving, complete package kumbaga. I can't help to gave meaning every actions he do.

Natatakot ako na kapag lugmok na ako sa pagmamahal sa kaniya ay baka hindi na ako maka-ahon.

"Are you okay? You look sad baby." Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya habang tiningnan niya ako. Hindi ko siya tiningnan pabalik. I'm scared to looked at his eyes, those eyes is like your drowning from your own thoughts.

"Stop calling me baby, please." Hindi ko na mapigilang sabihin sa kaniya. Hindi ako nagiging komportable dahil bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa endearment na yan. Baka marinig niya pa ang tibok ng puso ko.

"Why?" Confusion expressed in his face.

"Basta," sabi ko lang sa kaniya at tumingin ulit sa dagat. Kahit gabi ay maririnig parin ang hampas ng alon.

"Are you mad or something? May ginawa ba akong mali?" Nag-alalang tanong niya.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Pagod nakong mag-isip ng kung ano-ano.

"What did I do?" Now, he looks worried.

"Why are you so sweet? Bakit pinaparamdam mo sakin na mahalaga ako kahit hindi? Because I'm tired thinking what's the meaning of your actions." Sabi ko sa kaniya. Nakita ko kung paano siya umiwas ng tingin sakin.

"Isn't obvious? I like you, Trix." Sabi niya at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. What the fuck.

"Y-You l-like m-me?" Nauutal na tanong ko. Hindi ako makatingin sa kaniya. Unti-unti naman siyang tumango.

"I don't know how it started but I just wake up thinking I want you to be with me. Kaya ng sinabi ng Mommy ko na titingnan ko ang construction ng ilang rooms dito. Sinama agad kita, It likes I can't live a day without you. Hell, I think I'm inlove with you.." doon na ako napalingon sa kaniya. Tumingin din siya sa akin at nagkatinginan kami. I see many emotions in his eyes that I can't explain.

"Don't worry, hindi kita minamadali. I just wanted this to tell you, so I can express my feelings to you more. Because words without action is useless, Action without words is confusing..." natahimik kami bigla.

At nag-aya narin siya kalaunan na pumasok na. "Let's get inside? It's getting cold.." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod lang ako sa kaniya.

Hindi parin maproseso ng utak ko ang sinabi niya. Sana ay totoo nga ang mga sinabi niya. Mag-iisip lang ako bago ko sasabihin sa kaniya na mahal ko rin siya. I just wanted to think if everything's worth to risk with. Kasi kapag nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko ay baka masaktan lang ako sa huli.

And I don't want that.

_____________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ