Chapter 12

102 6 0
                                    


Nagising ako na wala na sa tabi ko si Sky. Tiningnan ko ang table at may nakalagay na pagkain dun. 8am na pala late akong nagising, pero okay na rin yun at wala naman akong ibang gagawin ngayong araw. Naghilamos lang ako tsaka ako umupo sa lamesa, nakita ko namang may nakalagay na sticky note.

Goodmorning baby, Eat your breakfast. I'm just in the office if you have something don't hesitate to call me, I love you

— Your Baby,

Bago ako nagsimulang kumain ay pinicturan ko muna ang pagkain ko, at nag ig story kaagad. Nilagyan ko ng caption na 'got my breakfast' nakita rin dun ang sticky note ni Sky. Tumunog ang notifications ko at nagreply ang ibang kaklase ko at yung dalawang bestfriend ko.

@chloe_santillan: goodmorning trix, wow, your breakfast looks yummy.

@kianbautista: omg trixie, is he the one who gave you that? :)

@its_ella: girl, si Sir Sky ba nagbigay niyan? Yie, kinikilig ako.

@itskyla: magkasama kayo ni Sir Sky, Trix? omg kinikilig ako sainyo yie.

Natatawa ako habang nirereplyan ko sila isa-isa. Wala na alam na nila pero wala naman akong plano itago yung relasyon namin. Pero paano pagdating namin sa manila? Kahit anong sabihin ko secretary niya parin ako at boss ko lang din siya. Ano nalang ang sasabihin ng mga empleyado niya? Na gold-digger ako? Dahil pinatulan ko yung boss ko?

Nagbihis lang ako at naglagay ng liptint at nagdesisyon ng lumabas. Pupuntahan ko lang si Sky sa opisina niya, sila kasi ang may-ari ng resort na 'to at may sariling siyang opisina dito. Siguro nagsisimula na siya.

•••

"It's time to lunch love," sabi ko sa kaniya at pumasok ako sa opisina niya. Busy parin siya habang may binabasa sa mga papeles. Kailangan kasi ng perma niya kaya hindi niya maiwan-iwan.

"Thank you so much baby, I don't know what to do when I don't have you." Nakangiting sabi niya sakin. Nilapag ko naman ang pagkain niya sa lamesa at tinabihan siya. Susubuan ko nalang siya.

Ganun nga ang ginawa ko at siya naman ay may tinatanggap na message sa email niya. Yung ulo ko ata ang sumasakit sa ginagawa niya e. Nakakahilo kasi siya tignan.

"Madami ka pa bang gagawin? Gusto ml tulongan na kita?" Sabi ko sa kaniya. Mukha na kasi siyang pagod.

"No, I can do this. It's better if you go to the room already. Magpahinga ka rin." Sabi niya sakin. Ayoko bumalik sa kwarto mababagot lang ako dun. Pwede naman akong tumambay sa dagat pero masyado pang mainit dahil lunch palang.

"Mababagot lang ako dun, mamaya nalang ako pupuntang dagat kapag hindi na masyadong mainit," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Manonood nalang siguro ako ng movie dito sa opisina niya may sofa naman dito at malaking flat screen TV.

Yun lang ang ginawa ko at nang mag alas tres na ng hapon ay kinunan ko siya ng paborito niyang chocolate moist cake at isang kape.

"Take your snacks love, maliligo lang ako sa dagat ah? Balik rin ako mamaya. Sabihin mo lang kapag may kailangan ka." Sabi ko sa kaniya.

"Okay babe, take care. I love you." Sabi niya at hinalikan ko niya ako sa labi. Napangiti naman ako, tinutunaw niya ang puso ko.

•••

Pagkatapos kung mabihis ng shorts at shirt ay pumunta na ako sa dagat. Kaharap lang naman ng dagat ang room namin kaya hindi masyadong malayo. Hindi narin masyadong mainit pero naglagay parin ako ng sunblock.

Hindi pa man ako nakakalusong sa dagat ay may lumapit na foreigner sakin. Mukhang matanda siya sakin ng 6 na taon, di 'ko sigurado.

"Hi, Are you from here?" Tanong niya sakin. Mukhang mapapalaban ako ng englishan dito ah? Sige ma-try nga.

"Hello, Ahm no.. I'm not from here, I just went here because my boss was doing something with their resort," nakangiting sabi ko. Buti nalang hindi dumugo ang ilong ko dun.

"Oh, I'm Drake you are?"

"I'm Trixie, nice to meet you drake." Sabi ko sa kaniya. Iaabot ko na sana ang kamay ko ng biglang may pumulupot na kamay sa beywang ko. Alam ko na kung sino yan, wala namang ibang gumawa sakin niyan kung hindi siya e.

"I'm Skyler Racaza her boyfriend, nice to meet you," at siya na ang nag abot ng kamay niya para makipag shake hands.

Nagpaalam lang samin ang foreigner na si Drake at tinignan naman ako ng masama ni Sky.

"Oh? Anong ginagawa ko?" Tumiim naman ang bagang niya.

"Why are you saying your name to strangers?" Nakakunot na ang noo niya ng sinabi niya yun. Natawa naman ako.

"He's not stranger okay? Nagpakilala nga siya diba? Wag ka ngang magselos."

"So what if I'm jealous huh?" Naghahamong sabi niya. Umatras naman ako sa kaniya.

"Anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko. Nakita ko naman kung paano siya ngumisi habang nakatingin sakin. No! Not again.

Nagsimula na akong tumakbo pero siya walang kahirap-hirap na nilakad lang habang tumatakbo ako. Tumigil muna ako dahil hinihingal na ako pero papalapit na siya sakin.

"P-Please.. Stop love... h-hinihingal n-na a-ako.." sabi ko sa kaniya. Hinapit naman niya ang beywang ko at nakayakap na siya sa likod ko. Nakangiti naman kami habang tinitingnan ang sunset.

"Bakit ka nandito? Tapos na ba ang trabaho mo?" Tanong ko sa kaniya. Nakalubog na kami sa dagat. Tsaka ko lang napansin kanina na naka broadshort na siya at topless ng humarap ako sa kaniya.

Ang ganda tignan ng sunset kapag magkasama kayong dalawa, ang ganda tignan ng sunset kapag kasama mo yung taong mahal mo. I want to treasure every moment with him. Gusto ko makapag-ipon ng memories na kasama siya, ayokong sayangin ang mga oras na kasama siya.

Habang lumulubog ang araw ay isa itong hudyat na magsisimula na naman ang panibagong araw. Panibagong araw na haharapin. Hindi ko mapaliwanag ang saya ko dahil kasama ko siya. Nung una hindi ko siya magustohan dahil sa pagiging masungit niya. Pero as the days go by unti-unti ko siyang nakikilala.

I want to spend more time with him and I want him to be my last. Ayoko na atang maghanap ng iba, panibagong kikilalalanin na naman kasi yun. Gusto ko siya na at sana siya rin, na kahit ilang babae man ang dumating ako at ako lang ang pipiliin niya.

Because, I was so sure about him..

_________________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now