Chapter 2

128 5 0
                                    


Maaga akong nagising dahil kailangan ko ng maghanda para sa unang araw para maghanap ng trabaho. Pumasok ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kung maligo ay naghanap ako ng damit na disente naman tignan. Baka magmukha pa akong dugyot habang nag-a-apply, baka hindi pa ako tanggapin oy!

Kaya naman pagkatapos kung mag-ayos ay bumaba na ako dahil may maliit na karenderya dito malapit sa apartment ko kaya kumain muna ako. Babalik ulit ako sa taas mamaya para mag toothbrush.

"Hi po Aleng Rosa!" Bati ko sa may-ari ng karenderya. Ngumiti naman siya sa akin, umupo naman ako sa isang bakanteng upuan.

"Dating gawi ba hija?" Tanong niya sakin, tumango naman ako at ngumiti. Pagkatapos niyang kunin ang gusto kung pagkain ay nagsimula na akong kumain. Nakita ko naman ang isang lalaki na kinalabit si Aleng Rosa.

"Aleng Rosa! Pakilala mo naman ako.." sabi niya, umirap nalang ako. Palage na akong nakakarinig ng ganyan dito kapag kumakain ako. Pero hindi ko na pinapansin yun. Minsan nga napapagkamalan akong modelo ng ibang tao.

"Tumigil ka nga, John." Sabi ni Aleng Rosa at nagbigay na sa mga costumer niya. Malakas ang bintahan ni Aleng Rosa dito, bukod kasi sa ang sarap niyang magluto malapit lang sa isang building na pinapagawa, at malapit sa hospital.

Pagkatapos kung kumain ay nagbayad na ako at nagpaalam na aakyat na ako sa apartment ko. Nagtooth-brush lang ako at tsaka naglagay lang ng cheek tint at liptint tsaka lumabas ulit.

•••

Pagdating ko sa isang mataas na kompanya, wow! Ang taas naman ng kompanya nato. Mayaman siguro ang may-ari nito, malamang ang taas nga ng building diba? Nakita ko naman na may nakalagay na Hiring for a secretary.

Nagmadali naman akong umakyat at nagtanong sa isang security guard na nasa labas.

"Ahm, Kuya? Available pa ba ang posisyon na yan?" Tanong ko kay Kuyang Guard. Sana available pa at jackpot talaga ako kung sakali.

"Ah, Oo. Hija! Bilisan muna pumasok kana sa loob. Tanongin mo ang Information desk kung saan sila mag e-interview.. dala mo ba ang mga resume mo?"

"O-Opo.." natatarantang sabi ko. Kompleto na naman ako kaya walang problema.

"Oh siya, pumasok ka na sa loob. Magtanong ka sa information desk kung saan may interview ngayon," sabi niya at pinagbuksan naman niya ako ng pintuan. Nagpasalamat ako sa kaniya at ngumiti. Dumiritso naman ako sa information desk na sinasabi ni Kuyang guard kanina.

"Ah, Ate? Saan po ba ang interview para sa secretary?" Nagmamadaling tanong ko. Naku! Baka may na hire na sila ah? Dapat pala mas maaga ako kanina, aguy ha!

"Nasa 3rd floor po, Ma'am!" Nakangiting sabi niya, mababait naman pala ang mga tao dito. Sana lang kung sakaling ako ang maging sekretarya mabait din ang boss ko.

"Salamat po!" Nakangiting sabi ko at nagmadali ng pinindot ang button ng elevator. Pinindot ko ang 3rd floor at kinakabahan ako habang nasa loob ako ng elevator. Buti nalang ako lang mag-isa dito sa loob.

*Ting*

Nag sign of the cross muna ako tsaka lumabas ng elevator, paglabas ko palang ay nakahilera na ang mga babaeng mag-a-apply. Pumila naman ako, buti nalang konti nalang ang natira mga 20person. Napabuntong hininga muna ako habang kinakabahan na tinitingnan ang iba't-ibang babae. Ang iba ay nagkukwentuhan, may iba rin na pinapaypayan ang sarili. Kinakabahan siguro. Wala pa namang natatanggap so far kaya may pag-asa pa ako.

•••

"Miss Trixie Anne Velasquez?" Tawag sakin ng tumatawag sa mga nag-a-apply. Aligaga naman akong tumayo, whoooo! Kaya ko 'to! Para sa pamilya. Bumuntong hininga ako bago tumayo.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now