Chapter 16

93 4 0
                                    


Dumating na ang araw na pinakahinihintay ko. It was my dream to graduate in college, sobrang saya ko dahil kompleto ang pamilya ko. And I'm a valedictorian, at sobrang proud sakin ng magulang ko. Nalaman ko ang resulta noong nakaraang buwan and it's already April 6 and the day has come.

"Congratulations graduates!" Sabi ko at saka bumaba sa stage kakatapos ko lang mag-speech at bumalik na ako sa upuan namin. Hinagis namin sa taas ang mga graduation cap namin, ang laki ng mga ngiti ko. Finally, board exam nalang pagtotoonan ko.

Walang pasidlan ang saya ko ngayong araw, kaagad akong lumapit sa mga magulang ko at niyakap silang dalawa. Niyakap ko rin si Tita at Tito pati ang kapatid ko.

"Congrats anak! Proud na proud kami sayo," sabi ni Mama habang naluluha pa. Naiiyak narin ako.

"Congratulations hija! We're so proud of you." Sabi ni Tita sakin at niyakap pa ako.

"Nagpa-cater ako sa bahay dun tayo kakain, okay?" Sabi naman ni Tito. Napangiti ako, I never imagined having a life like this. I feel completed.

"Thank you po Tita, Tito dahil pinag-aral niyo 'ko." Sabi ko sa kanila. I feel so blessed dahil pinag-aral nila ako. Kung hindi rin dahil sa kanila ay hindi ako makakagraduate ng college.

"You are always welcome hija, and you never dissapoint us." Sabi niya sa akin.

"Congratulations Trixie!!" Napalingon ako bigla sa sumigaw sa likod ko. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na malalaki ang ngiting bumaling sakin. Maybe, I can't survive my highschool and college life without them. They aren't just my bestfriends, they're also my family.

"Thank you!! Congrats sating tatlo!!" Bati ko sa kanila at nagyakapan kaming tatlo.

Masaya ako para saming lahat, masaya ako dahil nalagpasan naming ang lahat ng struggles na hinaharap namin. Mag e-enroll ako sa Saint Mary para sa board exam ko.

"Congratulations, my love.." nagulat ako ng biglang may nagsalita. Nanlaki ang mata kung tiningnan si Sky. Kaagad ko siyang niyakap at nag 'thank you' he supported me, hindi niya ako pinapatrabaho kapag may iba akong ginagawa pero hindi ko naman inabuso yun.

"Ehem.." napabitaw lang ako ng yakap ng biglang tumikhim si Kuya. May dalang boquet of rose si Sky sakin, this is my favorite flowers. Lumingon naman ako sa pamilya ko at nahihiyang tiningnan.

"Uh.. Ma, Pa, Kuya, Tito, Tita, this is Sky my boyfriend.. Sky, this is my family," medyo yumuko naman si sky at binati ang pamilya ko. Nakipag kamay siya sa tatay ko na nakangiti at sa Tito ko. Nakangiti ring nagbeso si Tita at pati si Mama.

"Nice to meet you po," sabi niya sa pamilya ko. Bahagya lang tumango si Kuya. Bumaling naman si Sky sakin.

"I'm so proud of you baby, I love you." At hinalikan niya ako sa noo.

•••

Nandito na kami sa bahay ng Tita ko at may konting salo-salo. Nandito ang iba naming kamag-anak at ang kapitbahay nina Tita. Nandito rin si Sky at makikita mo talaga kung paano siya nakaka-attract ng mga babae. Pati mga dalagang kapitbahay dito ay kinikilig pag titignan siya. Si Sky naman ay parang walang pakialam na nakaupo lang sa table namin at naghihintay sakin.

Busy kasi ako kakabati sa mga pumupunta at komo-congratulate sakin.

"Congratulations Trixie!!" Sabi ni Aleng Rosa. Inimbitahan ko rin siya dahil syempre dun ako sa apartment niya tumutuloy. At hindi narin naman siya naiiba sa akin.

Pagkatapos ng mga batian ay nagsimula ng kumain lahat. Pinuntahan ko si Sky at umupo ako sa tabi niya.

"Okay ka lang dito?" Binigyan niya naman ako ng tipid na ngiti tsaka tumango.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now