Chapter 27

110 4 0
                                    


Ngayon ang signing contract ko sa RaCars company dahil a day after my bestfriends wedding, I'll be starting. Four days from now was Chloe's wedding already, hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya na nasa pilipinas na ako. Tatawagan ko nalang siya mamaya siguro, buti nalang nakuha ko yung sasakyan na ipapahiram ni Tita sakin which is Ford yung white ang color.

"Faster Trixie! Malalate tayo sa signing, nakakahiya yun." Sabi ni Kuya Rod sakin. I'm just putting a light make-up, I'm just wearing a slit dress pero off-shoulder lang yung sa balikat niya at sa may right side lang yung slit, dark blue yung color.

"Yeah, yeah! Let's go. Bye anak! I'll be back later." Sabi ko kay Desiree habang nanonood ng disney princess at binigyan ko lang siya ng flying kiss. She just smiled and giggled, Sina Francheska at Athena ulit ang nagbabantay sa kaniya. Hindi ko pa tinawagan ang Nanny niya dahil nandyan pa naman ang dalawa.

Pagbaba namin sa basement ay sumakay na kami sa White Ford ko at ako ang nagdrive. Nasa fronseat naman si Kuya Rod, nagsimula na akong magmaneho palabas ng basement.

•••

"Goodmorning Miss!" Bati sakin ng mga tao sa kompanya may nag-aabang na babae samin sa baba.

"This way, Ma'am!" Sabi ng babaeng naka skirt na pang office at naka white long-sleeve tapos naka tupi hanggang siko.

Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 15th floor. Dun ata ang Conference Room. Kinakabahan ako na ewan hindi naman kasi ako sanay na may contract signing. May kakausap lang sa manager ko at magpapa-book sila para sa shoot ko, hindi naman nagtatagal ang mga shoot ko hindi umaabot ng 2weeks.

Ewan ko ba sa company na 'to ay may contract signing pang nalalaman. Ilang buwan ba ang aabutin ko sa shoot? Hindi naman ata lahat ng sasakyan nila ay pipicturan ako dun. Kahit isang sasakyan lang tapos ipapa billboard nila ay alam kung papatok na yun.

Pagkalabas namin ng elevator ay naglakad na kami papunta sa may wood na pintuan tapos silver ang kulay ng hawakan. Binuksan yun ng babae at pumasok kami sa loob, nakita kung may tatlong lalaki ng mga nasa mid-fifthies na ang edad. Tumayo sila pagkakita nila sa akin.

"Goodmorning Miss Velasquez, I'm Mr. Garcia the Vice President of the Comapny.." at nakipag kamay siya sakin. Tinanggap ko naman yun at nakipag kamay din. Ganun din ang manager ko.

"I'm Mr. Mendoza the Head of Business Management.."

"I'm Mr. Dela Cruz.."

Hindi ko alam kung anong connect ko sa mga taong 'to. Hindi naman ako artista para kailangan pa ng mga taong to diba? Where's their C.E.O? I'll just sign a contract ba't may ganito pa? Appropriate pa ba 'to? Tsk!

"Where's the paper to sign in? I still have a lots to do. I just can't waste my time here waiting.." naiinis na sabi ko. Gusto kung makipagkita kay Chloe ngayon, and they're wasting my time. Kanina pa kami naghihintay dito.

"Sorry Madame! I'll just call Mr. Racaza," wait, what? Mr. Racaza? Did I hear it right? Ang bobo naman kasi Trixie. Kita mong RaCars diba? Ang ibig sabihin nun Racaza Cars Company. Bobo amp.

Hindi kasi ito yung opisina na pinagtatrabahuan ko noon. Hindi ko naman alam na sa kanila pa pala 'to. Just be proffessional, don't let your feelings affect your job.

Nakita ko siyang pumasok sa conference room habang nasa kaliwa ang secretary niya.

"You're Late, Mr. Racaza!" I said with a cold tone. I hate waiting.

"Sorry for being late, Ms. Velasquez!"

"You know what? I really hate waiting Mr." Wala na akong pakialam sa paligid ko. Kahit nagtataka na ang mukha ng tatlong matanda sa harap namin. Nakita ko kung paano siya tumungo, that's it Sky! You deserved it.

"Sorry for that Ms. Velasquez! I have something to seatle with." He said but in a serious tone.

"And you think, I'm not a busy person? Someone's waiting for me Mr." mahihimigan ang galit sa boses ko.

"Trixie." Sabi ng manager ko. Bumuntong hininga ako bago kumalma.

Nakatungong binigay sakin ng secretary niya ang papel na may sign contract. Binasa ko muna yun 'no baka makulong pa ako. Ano bang silbi ng tatlong tao dito? Tss.

Kinuha ko nalang ang ballpen ko at nagsign tsaka ko binalik yun. Nakatingin sakin si Mr. Garcia at nagsalita.

"You'll be paying 7million for this Ms. Velasquez." Sabi ni Mr. Garcia. Tumango lang ako. At tumayo rin silang tatlo at nakipag kamay ako, wala na ang ngiti sa labi ko. Nabadtrip ata ako kay Sky. Naunang lumabas ang tatlong lalaki at mukhang nasa labas na ang secretary niya.

Lalabas na sana ako ng biglang may humawak sa pulsohan ko. Lumingon ako kay Sky na seryoso ng tumingin sakin. Kinunot ko ang noo ko.

"Let's talk." Sabi niya at ng mapansin niya na nakatingin ako sa nakahawak niyang kamay sa palapulsohan ko ay binitawan niya kaagad 'yon.

"I'll wait outside, Trixie." Sabi ng Manager ko at umalis na. Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

"What are we talking about? Is there anything problem for signing the contract Mr. Racaza?" I said. Ayoko siyang makausap na kaming dalawa lang sa loob.

"I'm sorry." I laugh sarcastically. Sorry? Damn it.

"Sorry? For what?" Sabi ko habang naiinip na. Nakita ko kung paano siya bumuntong hininga. Hindi siya makatingin sakin.

"Yan lang ba ang sasabihin mo, Mr. Racaza? Your losing my patience here." Sabi ko sa kaniya. He look at me with a dangerous look. Siya pa ang may gana magalit? How dare him.

"Stop acting like we didn't know each other, Trixie!" Sabi niya habang seryoso ng nakatingin sa akin. Ako naman ngayon ang hindi makatingin sa kaniya.

"Seriously Sky, ano bang pag-uusapan natin?" Sabi ko.

I feel pain again, bumalik ang lahat ng alaala sakin. Kung paano niya ako tinapon pagkatapos makuha ang sarili ko. Ni hindi ko alam na engaged na pala siya tapos nagpadala pa ako sa tukso ng damdamin.

"Bakit umalis ka? You left philippines without telling me?" Nakakatanga.

"Damn it, Sky! Alam mo ba kung gaano kasakit makita ka na may kahalikan kang babae sa opisina mo? Tapos hindi ka man lang nagpakita sakin sa burol ng pamilya ko?" Bumuhos na ang luha sa mga mata ko. And my vision started to blurry.

"ANG AKALA KUNG TAONG DADAMAYAN AKO AY HINDI MAN LANG NAGPAKITA SA BUROL NG PAMILYA KO!! KAHIT NI HI, HELLO WALA SKY. WALA NI ANINO MO ANG NAKITA KO!!" Nakita kung kumudlit sa mata niya ang sakit.

"Tapos sasabihin mo s-sakin na h-hindi ako nagpaalam na umalis ako ng pilipinas? K-Kasi nagmukha akong kabit Sky! Jowa mo 'ko habang engaged ka sa iba. Kahit pagbaliktarin mo ang mundo, hindi parin tama 'yon! Engaged ka tapos may girlfriend ka? Anong kabobohan yan Sky ha? Are you dumb?" Pinunasan ko ang luha ko. Sira na siguro ang make-up ko. Pero buti nalang hindi ako nagmaskara.

"Because I was scared that day!" Sabi niya sakin. I laugh without humuor in it.

"Scared? You must scared Sky! Dahil nagmukha akong tanga sa harap ng fiancè mo! Tapos maabutan ko kayong naghahalikan sa loob ng opisina mo? Magpaalam sana ako sayo na aalis muna ako dahil masyado akong nasaktan sa narinig ko pero, pagbukas palang ng pinto ay nakita ko kayo sa loob ng opisina mo naghahalikan diba?Nagmukha akong tanga Sky!" Sabi ko at pinunasan ko ang luha ko bago ako nagtuloy-tuloy na pumasok sa elevator. Doon ako nanghina, ang sakit parin pala. Akala ko okay na ako, akala ko nakalimutan ko na.

Akala ko kakayanin kung hindi umiyak sa harapan niya habang sinasabi ang mga yun. Pero nagkamali ako, matagal kung kinimkim ang lahat ng 'yon. Kahit anong oras parang gusto kung sumabog, bumalik ulit yung sakit na pilit kung binabaon.

Akala ko okay na, hindi parin pala.

_______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now