Chapter 14

97 5 0
                                    

"Baby? Were here," nagising ako dahil sa halik ni Sky sa labi ko. Minulat ko ang mata ko at hindi na umaandar ang eroplano dahil nakalapag na pala kami. Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit.

"Kanina pa ba tayo nakalapag?" Sabi ko sa malamyang boses. Kakagising ko lang kaya ganun.

"Not so, let's go?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako sa kaniya. Kinuha na naman niya ang nga maleta namin at may naka-abang ng Ferrari sa labas ng eroplano.

Nakahawak naman siya sa beywang ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. May kumuha kasi ng mga bagahe namin. Binuksan niya ang backseat at pumasok ako, ganun din siya. Pagkapasok namin sa loob ay umandar narin ang sasakyan at humilig kaagad si Sky sa dibdib ko. Hinayaan ko nalang at baka inaantok pa, mukhang ako lang pala ang natulog kanina sa eroplano.

Nakayakap siya sa beywang ko at ako naman ay sinusuklay-suklay ang buhok niya. Sana lang magtuloy-tuloy 'tong mangyayari samin, sana lang walang sumira sa relasyon natin. Sana masaya lang tayo palagi.

Sana nga...

•••

"Baby? Sa apartment lang ako ah?" Sabi ko sa kaniya. Malapit na kasi kami sa apartment ko.

"No, you'll stay in my condo." Kaagad naman akong nagulat sa sinabi niya.

"Huh? No, anong gagawin ko sa condo mo?" Nakakunot ang noo ko. Anong gagawin ko dun? Dun ako titira? Jusko naman.

"You'll stay there, problem baby?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Napabuntong hininga nalang ako. May choice pa ba ako? Kahit anong pilit kung sa apartment nalang, alam ko ding ipagpipilitan niya parin.

"Fine," sabi ko. At matagumpay na ngiti naman ang binigay niya sakin.

"Manong, in my condo." Utos ni Sky sa driver.

"Opo, Sir." Sabi ni Manong at nagdrive na siya papunta sa condo ni Sky. Ano? Dun na ako titira? Hindi pa nga kami mag-asawa.

Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Trixie Anne. Okay lang yan, jowa mo naman yan eh. Hay naku!

•••

Pumasok na kami sa loob ng condo ni Sky, infairness ang laki ng condo niya. May living room, kitchen, and a dining room sa gitna ng dalawa ang zones ay naka divide conventionally. Pareha lang ng colour at pareha lang din ng designs. Sa living room niya ay may sofa at couch tapos may center table na may vase at rose na nakapatong.

May mga paintings rin siya sa mga ding-ding at sa dining room niya ay may wooden table na nakalagay tapos anim na upuan. Ang linis ng condo niya parang hindi lalaki ang nakatira.

"Ang linis ng condo mo ah? Ikaw naglilinis?" Tanong ko sa kaniya habang nahubad na ang polo niya at naka topless nalang siya.

"No, I have someone to clean every week." Sabi niya at prenteng naka-upo na sa couch niya. Pumasok naman ako sa kwarto niya nasa gitna kasi ang kwarto niya at dalawa lang ang kwarto niya dito. Ang laki ng kwarto niya ah? King size ata ang katre niya at may bedside table na dalawa. At may banyo na dito, ang laki rin ng banyo niya. May bathtub, shower. Dito din ata naka connect sa kwarto niya ang terrace eh.

Mula dito sa terrace niya ay makikita mo ang buong Manila at ang mga building. Nasa pinaka taas kasi 'tong condo ni Sky. Mas maganda atang tignan 'to kapag gabi na, ngayon kasi ay maaga pa. 8am pa nga lang ata e, maaga kasi kaming nakarating dito sa Manila.

Tapos na kaming magbreakfast ni Sky kaya magpapahinga nalang muna ako. Dun nalang ako matutulog sa guestroom niya, alangan naman dito sa kwarto niya ano? Kinuha ko na ang maleta ko at lalabas na sana ng kwarto niya ng pumasok siya.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now