Chapter 15

98 6 0
                                    


Lumipas ang mga araw at lunes na naman. Nakuha ko na rin ang sweldo ko at balik na naman sa Sabado at Linggo ang pasok bilang sekretarya ng boss kung masungit slash boyfriend. Nakabalik narin kasi si Jane dahil hindi raw nagtagal ang mga Tita niya dahil kailangan bumalik agad sa America.

Nagbakasyon lang daw sila sa Cebu at Bohol para magreunion. Alam na din nina Chloe at Kian na kami na ni Sky. Kinwento ko sa kanila nung Sabado dahil nakipagkita sila sakin nung sinabihan ko sila na nakauwi na ako.

***

Papunta ako ng starbucks ngayon dahil nakipagkita ang dalawa kung kaibigan dahil gusto nilang magkwento ako sa kanila. Buti nalang at may pinuntahan si Sky kaya hindi rin ako papasok. Tumawag rin si Jane sa kaniya kanina na makakabalik na raw siya sa monday.

"Dito lang po, Manong." Sabi ko sa driver. Pinahatid pa ako ni Sky baka raw anong mangyari sakin. Napaka over-protective talaga ng boyfriend ko.

"Umuwi ka nalang manong, ihahatid naman po ako ng kaibigan ko sa condo mamaya.." sabi ko kay Manong.

"Pero ma'am.. sabi kasi ni-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng pinutol ko siya.

"Wag kang mag-alala manong, tatawagan ko siya mamaya.." sabi ko at lumabas na ako ng sasakyan. Naglalakad palang ako papasok ay naa-aninag ko na sila na umiinom ng frappe.

Pinagbuksan ako ng security guard ng pinto at nagtuloy-tuloy lang ako papunta sa upuan ng dalawa. Tumingin naman sila sa akin at nginitian ko sila. Kakarating ko lang pero yung mga mukha nila uhaw na uhaw sa chika ko.

"Spill." Sabi kaagad ni Kian na nakakalokong ngiti ang binigay. Si Chloe naman ay nakangiti rin.

"So, ayun nga. Hmm.. san ba ako magsisimula?" Napapaisip pa ako. Pero siguro sisimulan ko nalang ang nangyari sa camiguin. Nagsimula na akong magkwento sa kanila at inaabangan ko pa ang mga reaction nila.

"Nung papunta kaming white island ay nagiging sweet na yung gesture niya sakin. Pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove sa kaniya dahil talamak siya sa mga babae, gets niyo ba?" Tumango naman silang dalawa.

"Pero hanggang salita lang pala yun, ng naging malapit na kami sa isa't-isa dun ko na nararamdaman ang biglang pagtibok ng puso ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili kung puso. Ayoko sanang mainlove sa kaniya pero yung puso ko mismo ang nagsabi na mahuhulog ako sa kaniya. Sinubukan kung hindi pero hindi ko na mapigilan." Sabi ko habang umiiling-iling pa.

"Hanggang sa napag-isa ako sa dagat at nag-isip bigla siyang lumapit sakin at pinatongan ng jacket yung balikat ko dahil lumalamig na nun... sinabihan ko siya na bakit niya ginagawa yun.. kung bakit siya sa sweet sakin e hindi naman ako mahalaga sa kaniya.." nakikinig lang sila sa kwento ko. Naalala ko parin ang komprontasyon na yun.

"At sinabi niya na kaya niya ginawa yun dahil gusto niya ako.. tapos biglang sinabi niya na naiinlove na pala siya sakin. Hindi ako kumibo ng sinabi niya yun, sabi naman niya hindi niya ako minamadali gusto niya lang daw sabihin yun para ma-express niya yung nararamdaman niya sakin.. syempre hindi muna ako nagsalita pagkatapos niyang sabihin yun.. dahil nag-isip pa ako nun dahil gusto ko kapag tinake ko ang risk para maging kami.. gusto ko yung hindi ko pagsisisihan.." huminga muna dahil ang haba ng sinabi ko.

"Tapos?" Sabi ni Chloe.

"Teka lang pwede?" Sabi ko sa kaniya. Masyadong excited eh.

"Ayun nga, nang sumunod na araw pumunta kami ng Sto. Niño Cold Spring para maligo kasi yun nalang ang huling pupuntahan namin bago siya magtrabaho.. nang lumangoy na ako ay biglang may lumapit na dalawang babaeng maganda sa kaniya.. dun ako nagselos at nung tinanong ko siya na sino ba ang girlfriend niya, dahil tinanong siya nung mga babae kung may girlfriend na siya.. at sinabi niyang meron.. at biniro ko siya na sino nga ba? Edi nagtampo ang kumag at dun ko na sinabihan siya ng i love you..." mukha namang kinikilig ang dalawa kaya napangiti narin ako.

Kinwento ko lahat sa kanila yung nangyari samin dun sa camiguin. Pero syempre, hindi naman kasali dun yung nangyari na spg.

***

"Okay, pass all your papers!" Pinasa na namin ang papel na sinagutan namin dahil ngayon nga yung last exam namin.

"So, because everyone take the exam, three days from now.. you'll know what's the result of all your answers, did we understand?" sabi ni Ma'am Gonzales.

"Yes Ma'am!" Sigaw naming lahat. Pumunta lang ata kami dito para mag take ng exam at magpasa ng plates. Dahil 3days from now pa naman daw namin malalaman ang result.

"Okay, Dismissed!" Sabi ni Ma'am at lumabas na kami.

Pagka-graduate ko ay magta-take pa ako ng board exam for my license. Nakita ko na si Chloe at Kian na naghihintay sa labas ng classroom namin.

"How's the exam?" Tanong ni Chloe sakin.

"Okay lang, kaya naman." Sabi ko.

"Kayo?"

"It's fine, we'll just pray that will pass this."

"Saan ba kayo magbo-board?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw? Saan ba?" Balik tanong ni Chloe sakin.

"Ewan ko. Hindi ko pa alam," sagot ko sa kanila.

Nagdesisyon kami na kumain muna at pumunta kaming mall para dun kumain ng jollibee. Tinawagan ko naman si Sky para sabihin na si Chloe lang ang maghahatid sa akin pabalik sa condo.

"Yes babe?" Bungad niya sakin.

"Busy ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Not so, why?"

"Sasabihin ko lang sana na si Chloe na ang maghahatid sa akin sa condo mo, pinauwi ko na si Manong.." sabi ko sa kaniya.

"Okay, take care.. I love you!"

"I love you too.." umirap naman ang dalawa kung kaibigan. Ang bi-bitter ng dalawang 'to.

•••

Sinamahan muna nila ako papasok ng Palawan dahil magpapadala ako sa magulang ko ng pera. Dahil nakuha ko na ang sweldo. Ako naman ang manlilibre sa dalawa ngayon dahil noon sila lang palagi ang nanlilibre sa akin.

Pagkatapos kung pumasok sa Palawan ay hinila ko na sila sa Jollibee. Dahil pare-pareho kaming nagca-crave ng jollibee kaya dito kami kakain.

"Ako naman ang manlilibre ngayon," sabi ko sa kanila. Lumiwanag naman ang mga mukha nila ng sinabi ko yun.

It's good to have a friends that stay with you no matter what. Kahit tatlo lang kami atleast hindi kami plastic sa isa't-isa.

______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now