Chapter 11

113 5 0
                                    


3rd day na namin ngayon at last day para gumala dahil magsisimula na si Sky mag-sign ng mga papers. Nandito na kami sa Sto. Niño Cold Spring. Ang ganda rin dito, may hindi ba maganda dito sa Camiguin? Mukhang maganda lahat ng pinuntahan namin e. Konti lang ang taong naririto pero hindi ko inakala na may mga foreigners palang napapadpad dito.

Nang malagay na ni Sky ang mga gamit namin sa cottage ay hinubad ko kaagad ang one-piece black bikini. Ngayon lang ako nagsusuot ng mga bikini because I want to boost my confidence.

Nang ilubog ko ang paa ko ay sobrang malamig ang tubig. Ilang yelo ba nilagay nila dito? Wait, may yelo ba talaga na nilagay? Tsk! Ewan. Ang lalim dito mabuti nalang marunong akong lumangoy.

Nagsimula akong lumangoy at natanaw ko si Sky na may kasama ng dalawang babae. At nakikitawa pa talaga ang hayop. Umirap nalang ako, bahala siya sa buhay niya basta mag e-enjoy ako dito dahil hindi na kami makakagala simula bukas. Bahala siyang lumandi dyan.

Selosa ka talaga Trixie!

Ako? Selosa? Hindi ah? Naiinis lang pero hindi nagseselos. Lumangoy ako ng lumangoy hanggang sa pag-ahon ko ay biglang may pumulupot na kamay sa beywang ko. Napatili naman ako, sino ba 'to?

"Are you jealous?" Sabi niya sa malambing na boses.

"Ha? Sino? Ako? Ba't ako magseselos? May tayo ba?" Maarteng sabi ko. Oo na! Nagseselos na ako tangina namang puso kasi 'to napakarupok.

Nakita ko namang natawa siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "Anong nakakatawa?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nothing, you're just so cute when your jealous." Sabi niya at hinalikan niya ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya pero naramdaman kung pumula ang pisngi ko.

"Ano ba?! Ba't nanghahalik ka nalang bigla?" Galit kunyaring sabi ko. Kunyari pa gusto naman, sus.

"Sorry baby, I just can't help it." Sabi niya at natatawang lumangoy paalis sakin.

•••

"Say aaahhh.." sabi ni Sky sakin at sinusubo sakin ang pagkain. Umiirap naman ako tinatago ko ang kilig ko.

"Sarap?" Tanong niya sakin. Bahagya lang akong tumango.

"Sino yung kausap mo kanina?" Hindi ko na naiwasang tanungin. Gusto ko lang malaman.

"Are you jealous?" Ayan na naman siya sa tanong niya. Oo nga nagseselos ako pero hindi ko isasagot yan.

"Sagutin mo yung tanong ko." Sabi ko sa kaniya at tinignan siya ng masama.

"Okay, I don't know them really. They just approached me and tell me if I'm available. Ofcourse, I said no and I told them that I've already have a girlfriend." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Talaga? May girlfriend kana?" Tinignan ko siya ng nakakaloko. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga niya. Gusto ko ng tumawa dahil sa reakyson niya pero pinipigilan ko.

"Oo," sabi niya.

"Talaga? Sino? Bakit hindi ko kilala?" Bahagya pa akong umatras sa kaniya pero hinila niya bigla ang beywang ko. Dun na ako natawa dahil hindi ko na mapigilan ang pagpipigil ko sa itsura niya.

"What's funny?" Iritadong sabi niya.

"Natatawa ako sa itsura mo e, ba't ba galit ka? Tinatanong lang kita e." Sabi ko at hindi parin mapigilang tumawa.

"Stop laughing, it's not funny." Sabi niya at binitawan niya ang beywang ko at umiwas siya ng tingin sakin. Tumigil naman ako sa pagtawa dahil napipikon na nga siya.

Hinawakan ko naman ang braso niya pero inilag niya sakin. Sinusubukan ko siyang hatakin sakin at nilalambing ko na rin siya. I can't help to smile because of him. Nakapag-isip-isip narin ako kagabi ayoko ng patagalin pa 'to wala rin namang mangyayari if papatagalin ko pa 'to. Gusto kung subukan at alam kung worth it rin siyang mahalin.

Sana nga.

"I love you," tatlong salita na nagpalingon sa kaniya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"What did you say? Can you repeat it?" Umirap naman ako pero sinabi ko parin.

"I love you," ang gulat na ekspresyon niya kanina ay napalitan ng matamis na ngiti.

"I love you too baby," sabi niya at siniil niya ako ng halik.

Sana lang hindi ko pagsisihan 'to.

•••

"Baby? Are you tired?" Sabi ni Sky sakin habang nakahiga ako sa kama ko at nagce-cellphone. Tumabi naman siya sakin at humiga at kaagad niyakap ako patalikod. In-off ko na ang cellphone ko at nilagay sa bedside table at hinarap si Sky.

Ang gwapo talaga ng lalaking 'to, hindi ko aakalain na magiging boyfriend ko ang boss ko. Niyakap ko ang isang paa ko sa beywang niya at nakasuksok naman siya sa leeg ko. Sinuklay-suklay ko ang buhok at nakayakap naman ang isang kamay niya sa beywang ko.

"I love you, you know how much I love you. Right?" Biglang sabi niya. Kinilig naman ako sa sinabi niya. Ganito pala siya ka sweet maging boyfriend.

"And I love you too baby," sabi ko sa kaniya. Nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. Ngayon ko pa lang siya tinawag na baby.

"Okay ka lang?" Natatawang sabi ko.

"Damn baby, you make me fall harder." Sabi niya. Napangiti naman ako.

"Nagugutom na ako Sky, kumain na tayo?" Kaagad naman siyang kumalas sakin at tiningnan ako. Ngumiti siya at siniil ako ng halik, napapikit ako. Bago pa lumalim ang halikan namin ay tumayo na si Sky. Naramadaman ko kung paano siya nagtitimpi kaya napangiti ako. Alam ko kung gaano niya ako nirerespeto at naa-appreciate ko yun.

"Let's go? Nakahanda na ang pagkain. Tayo nalang ang hinintay," inabot ko ang kamay ko at ngumiti sa kaniya. Nakayakap ako habang pumupunta kami sa restaurant nila. Gabi narin it's already around 7pm.

Sobrang clingy ko talaga pero nagustuhan naman yun ni Sky. Natatawa pa siya sa pagiging clingy ko.

•••

"Matulog ka na, I know your tired." Sabi ni Sky sakin. Nakikita niya kasi ako na mapupungay na ang mata habang nakatingin ng netflix.

Nagne-netflix and chill kasi kami dito e. Nagpapalipas ng oras pero inaantok na ako. Nandito ako sa kama ni Sky dahil nandito malapit nakatapat ang TV. Humiga na ako at nakahiga narin naman siya, tapos na akong mag toothbrush at nag skincare.

Niyakap ko na siya habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. Ang tigas ah? Napangiti nalang ako sa iniisip ko.

"Goodnight baby, I love you." Sabi niya at hinalikan niya ang ulo ko.

"Goodnight love, I love you too." Sabi ko at pinikit ko na ang mata ko.

Alam kung masaya ang gising ko bukas..

________________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now