Chapter 3

115 5 0
                                    


*Krrriiiing Krrriiiing*

Gumising na ako dahil baka malate pa ako sa unang araw ng trabaho ko. Dapat 7 AM nandun na ako sa RGC baka pagalitan pa ako nung boss ko. Strikto pa naman yun. Pumasok na ako sa banyo para maligo, nagmadali na akong maligo pero inayos ko naman ang pagligo ko 'no! Wag kayong ano.

Nagluto lang ako ng hotdog na virginia yan nalang kasi ang natira sa mini ref ko dito sa apartment. Di bale kapag naka skweldo na ako mag gro-grocery na ako. 20thousand naman daw ang kada buwan na sweldo kaya malaking tulong na yun para sakin. 1500 lang naman ang babayaran ko dito sa apartment. Si Aleng Rosa rin naman ang may-ari nito kaya pwede akong tumawad kapag nagkulang ako sa pera.

•••

"Goodmorning po!" Bati ko sa security guard.

"Goodmorning din hija!" Bati ni Kuyang guard.

"Trixie nalang po, hehe," sabi ko.

"Kuya Roel nalang din Trixie!" Sabi niya tumango naman ako.

"Nandyan na ba si Sir Kuya?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala pa naman, pumunta kana sa taas at baka mahuli ka pa niya dito." Sabi niya habang natatawa. Tumango nalang ako sa kaniya at nagmadali ng pumasok sa elevator. This is it! Kaya mo 'to Trixie.

Nakita ko si Jane na nag-aayos sa lamesa niya, namataan niya ata ako kaya lumingon kaagad siya. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Goodmorning, Jane. Uh.. Saan ba a-ang t-table ko?" Nahihiyang sabi ko. Masasanay rin ako.

"Goodmorning din, Trixie. Ah! Diyan lang.." tinuro niya ang isang table na malinis pa. Napagitnaan namin ang pinto ng opisina. Siya sa left side, at ako naman sa right side. Tumango lang ako sa kaniya at pumwesto na sa lamesa ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagsi-datingan na ang mga empleyado, bale kaharap ng opisina ni Sir ang mga cubicle ng mga empleyado. May lumapit naman sakin na isang babae.

"Hi? Ikaw ba ang bagong sekretarya ni Sir?" Tanong niya sa akin.

"A-Ah, O-Oo." Awkward akong sumagot. Naninibago pa talaga ako.

"I'm Gabriella Castillo, Ella for short." Nilahad naman niya ang kamay niya.

"I'm Trixie Anne Velasquez!" Sabi ko at kinuha ang kamay niya.

"Goodmorning Sir," bati ng mga empleyado. Nataranta naman ako at ng nasa tapat na siya ng pinto niya.

"Are you working? Or talking?" Suplado talaga nito.

"G-Goodmorning Sir, S-Sorry po." Nahihiyang sabi ko.

"Go back to your cubicle, you. Get inside!" Pinabalik niya si Ella sa cubicle niya at pinapasok naman niya ako sa opisina niya. Binigyan lang ako ng tipid na ngiti ni Ella bago siya umalis at bumalik sa cubicle niya. Pumasok narin si Sir sa opisina niya. Kaagad naman akong sumunod sa kaniya, kinakabahan.

Ano ba yan Trixie! Unang araw mo pa lang pinapahiya mo na agad ang sarili mo. Baka ma-sisante ka kaagad neto.

"Get me a breakfast!" Supladong sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng pinapakuha niya lang ako ng breakfast.

"A-Ano pong b-breakfast, Sir?" Hindi ko pa kasi alam ang breakfast niya.

"Talk to Jane, she know my breakfast, lunch, and snacks! And tell her to get inside my office. You can go," sabi niya at naka tuon na ang mata sa laptop niya habang may tina-type. Huminga muna ako ng malalim at tumango kahit hindi niya nakita.

"Okay po," sabi ko at lumabas na ng opisina ang bigat talaga ng atmosphere dun.

"Ah, Jane? May list ka ba ng breakfast, lunch, and snack ni Sir?" Nahihiya kung tanong ko sa kaniya. May sinusulat pa naman siya sa notebook niya habang nakatingin rin sa laptop.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now