Chapter 7

109 4 0
                                    


Sa loob ng 1week ganun lang palage ang ginagawa ko. Review, Work, Tulog, ganun lang naging cycle lang naman ang araw-araw ko kaya naman ng sinabi ni Sir na pupunta kaming Camiguin para sa isang resort na pinapatayo nila ay naging excited ako bigla.

"Ms. Velasquez! We'll go to Camiguin this coming Monday." Sabi niya sakin.

"Talaga po?!" Excited na sabi ko. Kasi naman first time kung pumunta ng camiguin.

Bahagya naman siyang natawa sa reaksyon ko. Sorry naman, excited lang ang ate niyo hehe.

"Yeah, We'll be there in 1week. Is it okay with you?" Nakangiting sabi niya. Nag level-up narin ang relasyon namin bilang mag boss at employe. Mas magaan na ang pakiramdam ko sa kaniya at hindi narin siya naging masungit sakin.

"Okay lang po," sabi ko sa kaniya. Kailangan ko ng gawin ang plates ko ng maaga dahil 1week pala kami sa camiguin. Pagbalik namin 3days nalang ang meron ako para mag review. Konti nalang naman ang re-review'hen ko.

Pagdating ng sunday ay nagsimula na akong mag-impake. Mamayang 3 AM ang flight namin papuntang Camiguin dahil ayaw niya raw dumating sa private resort na mainit. Ang arte talaga.

Nagdala lang ako ng two-piece bikini at mga panlabas na damit. Nagdala ako ng shorts at sleeveless tapos nag-sandal lang ako. Alangan namang mag sneakers ako dun? Mukhang mabuhangin dun kasi private resort yun. On-Constract pa yun hindi pa tapos pero may mga room naman daw na kompleto na sa gamit at tapos na pwede daw kaming mag-stay dun.

Pagkatapos kung mag-impake ay tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 10:30 AM may 3hours nalang akong tulog kaya humiga na ako sa kama ko.

•••

Nagising ako ng nag-alarm na yung cellphone ko. 2AM ng naghanda ako, pumasok ako sa banyo at naligo kahit maginaw. Pagkatapos ko ng magbihis ng floral dress at sandal ay nag-ayos ako ng buhok ko at saglit lang na binlower yung buhok ko. Naglagay lang din ako ng cheek at liptint.

*rrriiinnnggg*

Kinuha ko naman yun at sinagot. "Hello?" Sabi ko.

"Are you done?" Sabi ni Sky sa baritonong boses. Sinabi niya rin sakin na kapag kaming dalawa lang Sky lang ang itawag ko sa kaniya.

"Oo, ikaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Were at the outside in your apartment." Sabi niya at nagulat naman ako kaya kinuha ko na ang maliit na maleta ko at chineck muna ang buong room ko kung may natira ba. Nang malaman kung wala na ay pinatay ko na ang ilaw at nilock na ang pinto.

"Okay sige, pababa na ako. Wait lang," sabi ko at pinatay na ang tawag. Nagmadali na akong bumaba dahil baka kanina pa siya naghihintay.

Nang makalabas na ako ay nakita ko naman ang SUV niya na nakaparada sa harap. Alam niya ang apartment ko dahil sinabi ko sa kaniya nung nagtanong siya para sunduin niya ako.

"Goodmorning," nakangiti sabi ko sa kaniya at nilagay naman ng driver ang maleta ko sa likod. Nakaupo kami sa pangalawang upuan.

"Goodmorning too," nakangiting sabi niya. Palage na siyang ngumingiti kapag ako lang ang kausap niya kaya mas naiilang ako.

"Do you have a good sleep?" Actually, sa totoo lang inaantok pa talaga ako. Kaya lang nawala lang yung antok ko ng naligo ako.

"Oo naman, ikaw ba? Nakatulog ka ba ng maayos?" Baling ko sa kaniya. Umiwas naman siya ng tingin sakin.

"Not so," sabi niya.

"Eh? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"I don't know, I have a lots of thinking this past few days." Sabi niya habang nakatoun ang atensyon sa daan. Magkatabi kami pero hindi naman masyadong awkward, tsaka lang magiging awkward kapag nagkakatinginan kami.

Bumibilis bigla tibok ng puso ko e.

"Ano naman ang mga iniisip mo?"

"A lot. Like work, A lots of meeting etc. I feel tired each day, it's like I'm just living because that was my job. Living was my job also," medyo malungkot na sabi niya. Nalungkot naman ako bigla sa sinabi niya. Isa rin sa nag-improve samin ay nagkukuwento na siya sakin.

"Hindi naman siguro sa ganun, nabuhay ka kasi deserve mo mabuhay. You deserve to be happy, you're living because you have a purpose. Buti ka pa nga hindi ka na namomoblema sa mga financial mo, because you already have everything. Yung iba nga namomblema pa pero nakuha parin nilang sumaya. See? There are more bigger problems but they choose to be happy because life is a one great oppurtunity. Yung iba nga hindi na nagtatagal dito sa mundo e. Alam kung hindi naging madali ang pinagdadaanan mo.. but always remember that you have a family that stay's with you, you have a friend to support you whatever you do. Just always remember, every life has a purpose okay? So, smile ka na.." pangungomfort ko sa kaniya. As long as kaya ko hindi ko siya hahayaang maging malungkot.

Hindi ko rin naman matatanggi na sa nakaraang pagiging sekretarya ko sa kaniya ay naging malapit na kami. Oo nag-uusap kami at nagtatawagan lang kami ng first name basis kapag kami lang dalawa. Pero kapag sa opisina Sir at Ms. Velasquez ang tawag namin sa isa't-isa. Mas nakilala ko siya sa loob ng mga araw na nagdaan.

Ngumiti naman siya sa akin. But I always see his sad eyes. "Thank you!" Sabi niya sakin.

"Thank you for what?" Sabi ko naman sa kaniya.

"Thank you for listening," sabi niya sakin at nakita ko namang pumula yung mukha niya at umiwas siya ng tingin sakin. Hindi ko nalang pinansin yun dahil ayokong masira ang atmosphere.

•••

"Nandito na po tayo, Sir." Rinig kung sabi ng driver kay Sky. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa balikat niya.

"Sorry, nakatulog pala ako sa balikat mo." Sabi ko sa kaniya, nahihiya. Medyo sumakit pa ang leeg ko.

"It's okay, here. Are you hungry? We drove at Drive-Thru to buy a food." Sabi niya at binigay niya sakin ang isang paperbag ng jollibee. Napangiti ako, gusto kung kumain pero ayokong malate kami sa flight kaya sa eroplano nalang.

"No, mamaya nalang. Sa eroplano na ako kakain, teka. Anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa relo niya. Ngayon ko lang napansin na mas gwapo pala siya kapag naka-shades at naka side-view.

"It's already 6:20, we need to get inside." Sabi niya tumango naman ako at hinatak na ang maleta ko at may paperbag akong dala sa kaliwang kamay ko.

Nahuhuli na ako sa kaniya dahil ang bilis niyang maglakad. Nilingon naman niya ako at nakita niya sigurong nahirapan ako kaya napailing siya. Awkward naman akong nakangiti sa kaniya. Kinuha niya ang maleta ko at naglakad na siya ulit. Nakakasabay naman ako sa kaniya kaya okay lang. Mukha kaming magjowa na magta-travel around the world. Kung hindi mo kami kilala yun ata talaga ang iisipin mo.

"Can you walk a little faster?" Nagsusungit na naman ang isang 'to.

"Eto na nga, ang sungit mo na naman." Sabi ko sa kaniya at tinakbo ang distansiya namin.

Nauna naman akong naupo sa upuan namin at nilagay niya na ang maleta namin sa lalagyan. Ilang minuto pa ang lumipas at nag announce na ang flight attendant na aandar na. Napakapit naman ako sa braso ni Sky dahil first time kung sumakay ng eroplano. Dahil nung pumunta ako dito nag barko lang ako, natatakot ako sumakay ng eroplano na ako lang mag-isa.

Natatakot akong baka mahulog kaming lahat dito, pero wag naman sana. Napatingin naman siya sa itsura ko at natawa pa. Binawi naman niya ang kamay niya at inakbayan ako kaya ang resulta nakahiga ako sa dibdib niya. Infairness ang tigas ah! Nang lumipad na ang eroplano ay bigla niyang hinalikan ang ulo ko.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko, para silang nagkakarera sa loob.

______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now