Chapter 5

106 6 0
                                    


Kinabukasan, nagising ako dahil tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko oras sa wall clock. 5 AM pa lang ah? Sino ba 'tong maagang nag text? Grabe naman. Binasa ko yung text kahit papikit-pikit pa ako dahil kakagising ko nga lang, nasilaw ako sa liwanag ng cellphone ko.

Unknown:

Goodmorning, Miss Velasquez! You don't have a class already right? Can you go to the office right now? I have something to tell you.

Ha? Sino ba 'to? Wala naman akong naalala na may binigyan ako ng number ah? Hala! Baka si Sir Sky to. Mabilis akong bumangon sa kama ko at nag type na para e reply sa kaniya.

Me:

Goodmorning po! Opo, wala na kaming pasok pero kailangan ko pong magpasa ng plates mamayang 7 AM. Anong oras po ba kailangang pumunta dyan?

Kaagad naman siyang nagreply.

Sir Sky:

Is that it? Okay, I want you to be here at 9 or 10 AM. Is it okay with you?

Okay lang naman sakin yan. Walang problema!

Me:

Okay po, Sir.

Sir Sky:

Ok.

Yan lang ang reply niya. Suplado talaga ang sarap sapukin e. Di joke lang baka ma-sisante pa ako ng wala sa oras.

***

Naglalakad na ako papasok sa loob ng Opisina ni Ma'am Gonzales. Dito lang kasi daw siya mahanap kaya dumiritso na ako dito. Kumatok muna ako tsaka unti-unting binuksan. Buti nalang siya lang mag-isa dito.

"Goodmorning po, Ma'am!" Sabi ko sa kaniya bago sinara ang pinto.

"Goodmorning din, Miss Velasquez!" Sabi niya habang tiniklop ang Macbook niya.

"Ah, Ma'am.. magpapasa lang po ako ng plates ko for finals." Sabi ko sa kaniya at pumunta sa harapan niya.

"Ganun ba? Oh sige.. Akin na," sabi niya at binigay ko naman sa kaniya. Tiningnan naman niya yun at ngumiti siya.

"Ang ganda mo talaga gumawa, bagay nga sayo ang pagiging Architect." Sabi niya sabay ngiti.

"Thank you po, mauna na po ako." Paalam ko sa kaniya. Busy parin kasi siya sa ginagawa niya.

"Sige.. mag review ka nalang para sa periodical exam niyo," sabi niya at tumango na ako. Pinihit ko na ang doorknob at lumabas na ng opisina.

Habang naglalakad ako ay tumunog naman ang cellphone ko. Naka shift dress lang ako at may maliit na bag na may lamang cellphone, wallet, at tsaka liptint. Syempre 'no! Hindi mawawala sakin ang liptint. Hindi kasi ako gumagamit ng mga make-ups. Minsan lang kapag may mga events, sinagot ko ang tawag ni Kian.

"Hello?" Sabi ko habang palapit na sa gate. Sumilong muna ako dahil mainit. Hindi ko ugaling magdala ng payong, pero hindi naman ako umiitim.

"Where are you?"

"Nandito ako sa school, bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"What are you doing there?" Tanong niya sakin. Bakit ba hindi nalang niya diritsuhin? Nagtatanong pa e.

"Nagpasa lang ako ng plates, bakit ba?" Naiinip na ako. Pupunta pa akong office ngayon. Tiningnan ko naman ang oras, 8:45 pa naman kaya okay lang malate. Hindi naman talaga sana ako pupunta dun, tinext lang ako ng suplado kung boss.

"Let's go shopping?" Aya niya.

"Anong let's go shopping? Hoy! Wala akong pera.." sabi ko sa kaniya. Hindi pa nga ako nagkaka-sweldo eh. Ayain ba naman akong mag-shopping.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now