Chapter 8

109 5 0
                                    


Nakarating lang kami ng around 9 dahil madali lang naman. May sumundo saming SUV papunta sa resort. Kinain ko narin sa eroplano kanina yung binili niya na drive-thru sa jollibee.

"Are you tired?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako at umiling sa kaniya. Nakatulog kasi ulit ako sa eroplano kanina pagkatapos kung kumain. Nahihiya nga ako na palage akong natutulog e. Yung kasama ko mukhang hindi natulog. Hindi ko parin nakalimutan kanina ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko eh.

Hindi ko maintindihan bakit biglang nagkaganito? Ngayon pa lang naman kaming naging close ah? Bakit ganun? Pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Chloe sakin.

Don't fall for him, okay?

Don't fall for him, okay?

Don't fall for him, okay?

Palage yang pumapasok sa isip ko tuwing bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayoko ring mainlove sa kaniya kasi talamak siya sa mga babae. Baka isa rin ako sa magiging babae niya. Ayoko. Ayokong masaktan. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko ay nag chat si Chloe sa GC namin.

Chloe: @Trixie? Where are you? You're not in your apartment? You're not also in the company?

Oh shit! Hindi pala ako nakapag-paalam sa kanilang dalawa. Pre-occupied kasi ako e. Nagre-review ako, nagtatrabaho, gumawa ng plates, hindi ko na sila nakamusta dahil pagkatapos kung gawin lahat ng yun. Makakatulog na ako sa sobrang pagod, at ganun lang din ang cycle.

Me: OMG! Sorry Chlo, Nandito ako sa camiguin.

Kian: What?! What are you doing there? Who's with you?

Me: I'm with Sky. May aasikasuhin daw siya dito at sinama niya ako.

Chloe: Wtf?! And you didn't bother to tell us?

Naiimagine ko palang na sumisigaw sila parang mababasag ang ear drums ko. Jusko naman!

Me: Sorry, nakalimutan ko. Biglaan kasi e.

Biglaan mo mukha mo Trixie! Malayo pa alam mo na. Ang sabihin mo kaya hindi ka nakapag-paalam dahil naka focus ka lang sa kaniya. Nakalimutan mong may kaibigan ka pala.

Kian: Nakalimutan your face! Ang sabihin mo nakalimutan mo na kami. Porke't nakapag trabaho ka lang dyan sa RGC, hmp.

Me: hala! Hindi naman sa ganun, nakalimutan ko lang talaga. Marami akong ginagawa e. Sorry na :(

"Why are you pouting?" Biglang tanong ni Sky sakin kaya napabaling ako sa kaniya.

"Wala, nakalimutan ko lang magpaalam sa mga kaibigan ko." Sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya at nakatingin lang sa bintana.

"Malayo pa ba tayo?" Hindi ko na napigilan magtanong. Kanina pa ata kami bumebyahe e.

"We're almost there, don't worry." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti.

Nagpatuloy lang ako sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ko thru messenger.

•••

"Hey," nagising ako dahil may tumapik sakin. Nagulat ako ng nakatulog na naman pala ako. Kada byahe nalang natutulog ako ano ba yan.

Mapupungay ang mata ko ng tignan ko si Sky. Mukha siyang hindi natutulog. Pero gwapo pa rin naman hekhek.

"Sorry nakatulog na naman pala ako," sabi ko sa kaniya. Umirap naman siya. Kita mo 'tong lalaking 'to nagsusungit na naman.

"Ouch," napahawak siya sa braso niya dahil tinampal ko. Nagsusungit na naman e.

"Wag mo 'kong susungitan," sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now