Chapter 6

111 6 0
                                    


Nang makauwi ako galing sa mall ay dumiritso kaagad ako sa apartment ko at nilapag ang gamit na binili nina Chloe at Kian sakin. Apat na paperbag lang yun na mga damit. Binilhan ako ni Kian ng Chanel na shoulder bag, hindi na nga sana ako magpapabili dahil masyadong mahal. Pero sabi naman niya 'it's okay, I insist' may magagawa pa ba ako?

Pagkatapos kung maligo at nagbihis ay kumuha ako ng 50 pesos sa bag ko at bumaba na para kumain ila Aleng Rosa.

"Hi po, Aleng Rosa." Sabi ko sa kaniya at umupo na.

"Ano ba ang sayo hija?"

"Yung dati lang po," sabi ko at tumango naman siya at nagkuha ng isang cup ng rice at adobong manok. 10 ang serve ng rice, 20 naman ang serve ng adobong manok at bumili ako ng 10 pesos na coke. Kaya hindi ako masyadong kumakain dito kasi masyadong masakit sa bulsa. Oo, masakit na sakin ang gumastos ng 40 pesos para sa pagkain dahil nagtitipid nga ako.

Nagmadali na akong kumain dahil kailangan ko pang mag-review dahil papasok ulit ako sa opisina bukas. Gusto ko kahit papasok ako sa opisina nakapag-review parin ako.

•••

2 AM na pero nandito parin ako at nagre-review. Madami kasi dapat na e review para sa Archi. Tapos may isang subject pa na pagkatapos mag written exam ay mag-pass ng plates. Pero sa susunod na araw ko na lang gagawin yun, may idea na naman ako kung ano.

Inaantok na ako kaya nagligpit na ako ng mga notebook at mga module ko. Sinet ko na ang cellphone ko ng 5 AM dahil 7 AM ako papasok sa opisina. Humiga na ako sa kama ko at pumikit na.

•••

Nagmamadali na akong naligo at nagbihis hindi narin ako kumain. 6:45 na ako nagising. Putangina! Akala ko 5 AM ko na set yun pala 5 PM pala yun. Tsaka ko lang nalaman ng biglang nagtext ng goodmorning si Chloe at Kian.

Kaya ang resulta lakad takbo na yung ginawa ko papasok sa kompanya. Natatawa na si Kuya Roel dahil sa pagmamadali ko. Hindi ko na rin nabati ang mga tao dun dahil nga nagmamadali na ako.

Pagdating ko sa taas ay binati pa ako ni Kevin pero hindi ko na siya nabati pabalik dahil nagmamadali na akong pumasok. Hindi na ako kumatok at diri-dirtso na akong pumasok kaya nagulat ako.

"Oh shit!" Sabi ko at nasarado ko ulit ang pinto. Paano ba naman may kahalikan siyang babae sa lamesa niya. Juskoo naman ang aga-aga naghahalikan. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa hinihingal nga ako.

"Okay ka lang?" Bumaling ako kay Kevin na nasa harapan ko na ngayon na nakangiti. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.

"Ha? Uh.. Oo, okay lang. medyo hinihingal lang ako," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na lumabas na yung babaeng kahalikan niya. Sakto namang tinawag ako ni Sir para pumasok.

"Pasok muna ako, Kev." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit.

"G-Goodmorning p-po, Sir. S-Sorry I'm l-late." Nakatungong sabi ko. Ayokong tignan siya. Naiilang ako dahil sa nakita ko kanina. Nadisturbo ko ata sila. Wrong timing ka naman kasi Trixie eh! Baka masisante ka na niyan.

"It's okay, you can get my food and tell me my schedule when you come back, you can leave." Malamig na sabi niya. Naramdaman ko namang nakatitig lang siya sakin habang nagsasalita. Tumango lang ako at lumabas na, kanina pa pala ako hindi humihinga sa loob. Tsk!

Bumaba na ako sa lobby at pumunta sa cafeteria para kumuha ng breakfast ni Sir. Sinabi ko lang na breakfast ni Sir at kaagad na nilang kinuha yun. Umakyat na ulit ako sa taas at pumasok sa opisina ni Sir.

"Eto na po yung lunch niyo, Sir." Sabi ko habang hindi parin maka tingin sa kaniya ng diritso. Hindi parin ma alis sa isip ko ang nangyari kanina. Baka kung hindi pa ako pumasok ay higit pa dun ang gagawin nila.

Akmang lalabas na ako ng opisina niya ng bigla niya akong tinawag.

"Where are you going?" Tanong niya bigla. Kaagad namang bumilis ang tibok ng puso ko.

No way.

Kinakabahan lang ako.

"Kukunin ko po yung schedule niyo," sabi ko sa kaniya habang hindi humaharap sa kaniya.

"Okay." Sabi niya tsaka pa lang ako lumabas ng opisina niya.

Pumunta naman ako sa table ni Jane at hinanap ang notebook niya na dun nakalagay ang schedule ni Sir. Tinext niya rin ako kanina na kunin ko lang daw sa lamesa niya yung notebook niya. Nag leave siya ng 2months dahil umuwi galing ibang bansa ang auntie niya at magre-reunion sila. Pumasok na ulit ako sa loob pagka-kita ko.

Binuklat ko naman yun at tiningnan ang petsa kung ano ang meeting niya ngayon.

"Ah Sir," tawag ko sa atensyon niya dahil nakatutok siya sa laptop niya. Ano bang ginagawa niya sa laptop niya? Nang tingnan niya ako ay kaagad kung binaling sa notebook ang mata ko.

"May meeting po kayo mamayang 2 PM sa board of directors." Sabi ko sa kaniya. Yun lang naman ang meeting niya ngayong araw.

"Did you already eat?" Seryosong sabi niya kaya nagulat ako. Bakit niya ko tatanungin kung kumain nako? May pake ba siya? Tss.

"H-Hindi pa p-po," nahihiyang sabi ko.

"Why?" Nakakunot na ang noo niya.

"Nagmamadali na po kasi ako dahil late na ako, yun lang pala ang dadatnan ko." Bulong ko sa huling sinabi ko.

"What did you say?" Sabi niya. Nakasara na ang laptop niya at seryoso na akong tiningnan.

"Sabi ko po, hindi pa ako kumakain dahil nagmamadali na ako kanina kasi late na po ako." Sabi ko sa kaniya.

"Drop the po, I'm not that old yet." Sabi niya at tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. May tatawagan siguro. Lumabas ako at hindi naman niya napansin yun dahil may katawagan siya. Umupo nalang ako sa table ko at kinuha ang laptop na nakalagay din sa table ni Jane.

Hindi talaga sa kaniya 'to, binigay lang ni Sir para gamitin dito sa opisina. Dito siya tumatanggap ng email para sa gusto magpa-set ng appointment ng meeting kay Sir. Nagtaka naman ako ng nagdala ng isang tray si Ate Kyla at binigay sakin. Bacon, Virginia Hotdog, tsaka isang kape.

Nagtaka naman akong tumingin sa kaniya. "Kanino galing to 'te?" Tanong ko sa kaniya. Nakangiti naman siyang lumapit sakin at bumulong.

"Kay Sir Sky, sabi niya hindi ka pa daw kumakain kaya siya nagpadala niyan." Sabi niya sakin at pabiro pa niya akong pinisil sa tagiliran kaya napaigik. Nakatingin narin ang ibang empleyado saming dalawa dahil nagbulong-bulongan kami dito.

"Luh, seryoso po ba?" Sabi ko sa mahinang boses. Tumango naman siya.

"Swerte mo, girl! Kaya kumain ka na dyan at baka magalit pa si Sir." Diniin niya talaga yung Sir niya.

"Sira! Wala lang yan, tinanong niya kasi sakin kung kumain nako. Syempre sinabi ko na hindi pa dahil yun naman ang totoo." Defensive kung sabi. Totoo naman talaga.

"Asus, ikaw na talaga. Oh siya, magpatuloy ka na dyan." Sabi niya sa mapanuksong boses sabi niya tsaka umalis.

"Wow, special delivery?" Biglang tanong ni Ella sakin.

"Ha? Hindi sinabi ko lang kay Ate Kyla na magpadala nalang ako ng pagkain dahil wala na akong time bumaba." Liar.

Tumango lang naman siya at kinamusta lang niya ako saglit at bumalik na sa cubicle niya. Sinara ko naman ang kurtina. Dahil sa table namin ni Jane may privacy rin naman kami 'no. Pagilid ang pagsara ko at napangiti ng mapatangin sa pagkain ko

Damn.

_________________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now