Chapter 4

116 7 0
                                    


Naglalakad na ako ngayon papasok ng Christian College University, scholar ako kaya ako nakapasok sa univeristy na 'to. Mayayaman lang ang nandito kaya iba kung manamit ang mga tao. Inaantok pa ako dahil apat na oras lang ata yung tulog ko dahil sa pagre-review sa test. Baka ma-fail ko pa to, mahirap na baka mawala ako sa Dean's Lister.

"Goodmorning Trixie, oh? What's with that face?" Bungad sakin ni Chloe. Magkatabing building lang ang course namin kaya madali lang magkita. Nasa first floor lang din.

"Inaantok pa ako," ungot ko. Gusto ko pang matulog. Baka mamaya hindi na ako magsna-snack dahil itutulog ko nalang.

"Bakit? Kulang ka ba sa tulog?" Nagtatakang tanong ni Kian. Bahagya naman akong tumango. Hindi pa naman nag-ring yung bell kaya okay pa makipag-kwentuhan.

"Oo e, I need to study for my test later." Naks! Ume-english na ako ah? Okay lang yan, wag kayong judgmental. Sabi nga nila, magsalita ka ng anong lengguwahe kung saan ka komportable pero mas maganda parin ang salitang pinoy. Kaya minsan lang akong nag e-english, diba author?

{A/N: ba't dinadamay moko? Nanahimik ako dito e.} Ah! Basta yun na yun.

"Baka hindi narin muna ako sasabay na magsnack sainyo mamaya, matutulog nalang ako." Sabi ko sa kanila. Tumango naman sila.

*krrriiiiing krrriiiiing* tunog yan ng bell, wag kayong ano dyan.

"We'll go ahead, goodluck to your test later!" Paalam ni Kian sakin. Ngumiti naman ako.

"See you later, Trixie! Goodluck," sabi naman ni Chloe. Nagpaalam narin ako sa kanila. Sakto namang pagpasok ko ay pumasok narin si Ma'am Gonzales.

"GOODMORNING CLASS!!"

"Goodmorning Ma'am!" Bati naming lahat.

"So, because the graduation is near. You'll have a graduation pictorial at the quadrangle later.. I'll just discuss some important details about your upcoming graduation and we will proceed to the quadrangle!" Sabi ni Ma'am. Hindi pa tapos ang 4th periodical exam namin pero kailangan na kaming picturan para sa graduation pic namin. Tapos narin akong mag OJT at nakapasa naman ako kaya tuwang-tuwa ako.

"Give me all your plates tommorrow!! Proceed to the quadrangle.." sabi ni Ma'am at tumayo na kami. Wala akong masyadong kaclose na classmate ko dahil kahit hindi kami magkaklase nina Chloe at Kian kami lang talaga ang palaging magkakasama. Pero hindi rin naman maiiwasan ang makipag-usap, normal lang naman yun.

Buti nalang talaga tapos ko na yung plates na pinapagawa sa Archi. Kaya yung periodical test nalang yung kailangan kung pagtounan.

•••

"Trixie!! What? Are you excited?" Tanong ni Kian sakin. Nandito kami sa quadra ngayon at nagsimula ng suotan ang mga isang kaklase ko ng yung pang graduation na toga tapos may parang V na nakapatong sa toga. Kung tinatanong niyo bakit napadpad ang dalawang 'to. Aba! Ewan ko, bigla'bigla nalang susulpot sa tabi ko 'tong dalawa.

"Oo naman no! Nagpagod rin tayo kaka study, nagpagod ako kakagawa ng plates ko." Sabi ko sa kanila. Boys palang ang inuuna. Kaya may oras pa akong makipag dal-dalan sa dalawang 'to.

"Eh, pano yan? You work for RGC as the boss secretary. Tapos gagraduate ka na, will you resign?" Nakakunot noong sabi niya. Oo nga no? Hindi ko rin naisip yan.

Pero siguro kung makapasok ako sa Rodriguez na company. Baka mag-resign din ako bilang secretary sa RGC. I want to pursue my dreams, I want to be a successful Architect. Gusto ko makapagpatayo ng sariling Architecture Building. Yung puro architect lang yung nandun, pwede rin may mga enginner.

Pero hindi parin maalis sa akin na malaking tulong ang RGC sakin dahil nakapasok ako bilang secretary. Malaki rin ang sweldo nila kaya malaking tulong talaga.

"Tsaka ko na iisipin yan, may 2months pa naman tayo.." it was 30th in January. May March pa dahil April 6 ang graduation namin. Sa March 16 naman ang Final exam namin.

Dahil malapit na ang periodical exam namin ay hindi na masyadong maayos ang klase. Yung iba nagpapasa nalang ng plates namin. At mukhang hinahayaan na kami na magreview para sa paparating na periodical.

•••

Natapos narin ang pictorial namin kaya nagutom ako. Niyaya ko naman sina Chloe at Kian na pumunta munang cafeteria para bumili ng pagkain dahil nagugutom ako. Pumayag naman sila, nawala bigla yung antok ko. Punyeta!

At dahil monday ngayon expected ko na talaga na maraming studyante dito dahil lumalabas na ang mga 1st year college. Bumili lang ako ng turon at tag 10 pesos na tubig.

"Bibili kayo?" Tanong ko sa dalawa. Ginala naman nila ang mga mata nila. Ang ending pareha lang kami ng kinakain. Amfee talaga. {Amfee means: Ang feeling, credits kay Alex Gonzaga hehe.}

•••

"I will be dismissing you all early because we want you to review and pass the 4th quarter exam. This is your last year in college, I want you all to be walk in stage. And.. Don't forget to pass all your plates tommorrow."

"Ma'am?" Nagpataas ng isang kamay ang isang kaklase ko.

"Yes, Miss Agoncillo?" Tawag ni Ma'am kay Bria, class president.

"Do we still have a class tommorrow?" Yan sana yung tanong ko kaso naunahan ako.

"No," masaya namang nagsi 'yes' ang mga kaklase ko.

"But.. you will pass your plates tommorrow at 7 AM, And I want all of you to study and review in advance for the upcoming 4th quarter exam. Kapag may isang bagsak sainyo, hindi kayo makatapak sa stage lahat.."

"Naku! Lagooot!"

"Maaaa'am, wag naman"

"Luh? Ba't ganun?"

"Tsk, kailangan talaga mag review ng maayos."

Nagsi-ungot na yung mga kaklase ko sa sinabi ni Ma'am. Kinabahan rin ako pero di ko pinahalata, kailangan ko ring mag review. Pusposan ang pagre-review para maging Valedictorian ako. At ayaw kung ma-fail 'to no! Malilintikan ako sa mama at tita ko.

"That's all, Dismiss!" Sabi ni Ma'am sabay alis. Tumayo na naman kaming lahat at kinuha ang bag namin. Kinuha ko rin ang sketch pad ko. Baka may maisipan akong e drawing. Baka kasi hindi pa pinalabas ang dalawang bruha.

Tama nga ako dahil wala pang lumalabas ng mga business ad, kaya ang ending umupo muna ako sa malapit na bench sa building nila. Kada building kasi may tag dalawang bench ang nakalagay.

Wala akong choice kundi umupo dun at kinuha ang sketch pad at lapis. Nag-isip ako ng pwedeng e-draw. And an idea came up to my head. Dahil maganda naman ang langit ngayon, yun ang dinrawing ko at sa baba nun ay may kahoy sa left side at right side. Tapos, sa left side na kahoy may babae at lalaki na nakaupo, hinarana ng lalaki ang babae. Napangiti ako sa dinrawing ko.

I always imagine myself sitting beside the tree with a man who's serenading me. Yes, I imagine having a perfect man who can love me as me. Not just love me because I have looks or because of my body. Pero hanggang panaginip na lang ata yun, sa generasyon kasi natin ngayon hindi na ganiyan.

I somehow imagine, me living in a 1892 where man was serenading you because he's courting you. Ang ganda siguro kung ganiyan din ang mga lalaki ngayon.

But, sad to say. Hindi.

_______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now