Chapter 9

109 6 0
                                    


"Let's go to white island now," biglang sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain namin. 2nd day na namin dito at kumakain kami ng breakfast sa restaurant nila. Egg, Corned beef, at kape lang ang breakfast namin. Hindi niya rin ata bet ang kumain ng heavy meals. Sa laki ba naman ng katawan nito mukhang palage sa gym.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong ko sa kaniya. Trabaho pinunta namin dito e.

"I have to sign a lots of papers but.. it can wait. 1week naman tayo dito, 3days to tour, 3days of signing those papers, 1day to roam around the resort and check if everything's fine." Sabi niya. Tumango nalang ako dahil gusto ko rin namang e enjoy ang habang nandito kami.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ulit kami sa kwarto para magpalit. Nagsuot ako ng two-piece bikini tsaka ako nagsuot ng short at shirt lang. Maaga kaming pupunta dun dahil kapag mamaya pa ay mainit na dun.

"Are you done?" Tanong niya sakin pagkalabas ko ng CR. naglagay lang ako ng sunblock at nilagay ko dun sa bag na dala niya. Siya narin naman nagsabi na sa bag ko na niya ilalagay ang mga dadalhin ko.

"Oo," sabi ko at nilahad na niya ang kamay niya sakin. Kaagad naman akong ngumiti at kinuha yun, bahala na.

Sumakay na kami sa SUV katulad lang nung kumuha samin sa port. Tabi ulit kaming umupo hindi parin niya binabawi ang kamay niya na nakahawak sakin.

Talo nako, kahapon ko pa lang sinasabi na hindi ako maiinlove sa kaniya pero the more na magkasama kami. Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya, masyado siyang sweet. Parang nasa kaniya na yung hinahanap ko pero hindi kasali dun ang pagiging talamak niya sa mga babae.

Sino ba naman ang hindi maiinlove sa kaniya? Talamak nga ang babae niya. Because there was part of him na nakakainlove talaga.

•••

"Were here, we'll ride a boat to get there." Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Kung titignan mo talaga kami ay para kaming magjowa. Napangiti naman ako.

Inaamin ko na sa sarili ko na nahulog na talaga ako sa kaniya. Sana lang ay saluhin niya ako. I'll take the risk, maybe he's worth to risk for love. Sana lang hindi niya ako sasaktan.

Malapit na kami sa white island dahil natatanaw na namin yun. Nakasakay kami sa boat medyo nababasa narin kami dahil sa hampas ng alon. Buti na lang daw at hindi pa masyadong malakas ang alon.

"Nandito na po tayo, Ma'am! Sir!" Sabi nung bangkero. Nauna namang bumaba si Sky at sumunod ako. Hinawakan niya ang beywang ko habang pababa ako. Nang makababa ako ay hindi niya parin tinatanggal ang kamay niya. Nakita ko naman ang mga babaeng natitigilan at tumingin sa kaniya. Gwapo naman talaga siya at ang lakas ng sex appeal.

Pero yung kasama ko naka fierce lang at nakahawak sa beywang ko. Napangiti naman ako, ang ganda pala sa pakiramdam na may ganitong tao sayo. Ngayon ko lang naramdaman na may ganitong clingy'ng lalaki sakin. NBSB kasi ako hindi pa ako nakakaranas magka boyfriend pero hindi narin naman ako inosente pagdating sa mga bagay na yan.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. Nakatulala kasi siya e.

"Yeah, I'm okay." Sabi niya. Okay lang pero nakatulala.

"Sure ka?" Tumango naman siya.

"Hindi ka ba maliligo?"

"Are you going to swim now?"

"Oo, para makauwi na tayo kapag masyado ng mainit." Sabi ko sa kaniya.

"Okay, let's go." Sabi niya at hinawakan na naman niya ang kamay ko.

Ang hilig ng mang-hawak ng kamay ang isang 'to ah?

Tumatawa ako habang sinasabuyan ko siya ng tubig. Panay naman ang ilag niya ako naman ay lumalayo dahil palapit na siya ng palapit sakin. Nang nangalay na ang kamay ko ay tumigil na ako, nakita ko naman na masama na ang tingin niya sakin habang papalapit. Kinabahan naman ako bigla.

"Oy! Anong ginagawa m-mo?" Sabi ko sabi ko sa kaniya habang umaatras na ako. Nawala bigla ang ngiti sa labi ko ng nakita ko ang masamang tingin niya sakin. He gave me a playful look. A small smile creeped on his lips.

"Are you trying me, woman?" Damn. His voice looks so sexy. Kailan ka pa naging malandi Trix?

"H-Ha? Hindi naman a-ah? L-Lumayo ka nga Sky!" Galit kunyaring sabi ko. Nagmadali akong umahon sa dagat, pero hindi pa man ako nakatapak sa puting buhangin ay hinawakan niya ako sa beywang at hinila. Napatili naman ako sa ginawa niya. Uminit bigla ang pisngi ko, punyeta kailan pako kinikilig sa mga ganito? Naku! naunsa mani oy!

"Damn woman, your making me crazy." Sabi niya at bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Ba't ang sexy niya pakinggan?

•••

"Come here, baby." Baritonong sabi niya. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya. Naramdaman kung uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Nandito kami ngayon sa Mantigue island, maraming mga puno dito at may limang cottage naman dito. Dun kami umupo sa isang cottage habang may pagkain sa lamesa namin.

May nakita pa kaming naglalaro ng volleyball minsan napapatingin pa ang mga babaeng naglalaro sa kasama ko. Umupo ako sa tabi niya dahil sinabi niya, nakapulupot kaagad ang kamay niya sa beywang ko pagkatabi ko palang.

Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. Mas lalo ata akong nahuhulog sa kaniya e. Gusto kung pagbigyan ang sarili ko kahit dito man lang. Dahil kapag babalik na kami sa Manila alam kung kailangan ko ng harapin ang katotohanan na sekretarya niya lang ako at boss ko lang siya.

Gusto kung e-enjoy ang pag-aalaga at ang pagiging sweet niya sakin dahil alam kung hindi na mangyayari yun pagdating ng manila. Sa ngayon I'll make myself happy with his company. Gusto kung maramdaman ang kung paano mag-alaga ang isang SKYLER RACAZA.

"Hey? Are you okay?" Nabalik lang ang atensyon ko ng magsalita siya. Hindi parin inalis ang kamay niya sa beywang ko.

"Oo, okay lang ako. Hindi ka ba magsu-swimming?" Change topic ko. I want to get away the thoughts I have right now. I want to set aside the negative thoughts I have.

"You? You want to swim?" Tumango naman ako sa kaniya. Ngumiti ako at kinuha ang kamay niya bago kami lumusong sa dagat.

Ang ganda dito sobrang linaw ng tubig at maganda rin ang buhangin nila. Katulad ng sa white island pero wala lang silang cottage dun pero may mga umbrella naman sila na malalaki. Camiguin is a nice paradise to go with, maraming mga beaches at ang gaganda pa.

"Picturan mo 'ko dali," sabi ko sa kaniya habang hawak ang iphone 7 Plus ko. Si Tita pa ang bumili sakin neto.

"No," ayun na naman ang sungit na naman.

"Sige na please?" Sabi ko at binigyan siya ng puppy eyes. Sana mag work.

He sighed, malaki naman ang ngiti ko ng kinuha niya ang cellphone ko. "Tsk. Fine." He said defeated.

Nag-pose naman ako dun sa MANTIGUE na mga letters na nakatayo sa buhangin. Sayang at hindi ako nakapag pa-picture sa white island.

"Halika, picture tayo dali." Sabi ko sa kaniya na nakangiti.

"Ah ate, excuse po. Pwede po pasuyo? Pwedeng picturan niyo po kami?" Sabi ko sa babaeng nagpipicture din malapit samin.

"Okay po," nakangiting sabi niya.

Hinapit ni Sky ang beywang ko at ngumiti kami sa camera, nagkatinginan naman kami at tsaka nagflash ng camera. Tumawa kami pareho habang nakatingin sa isa't-isa. Yun ata ang tinatawag nila na candid. May picture naman na nakatalikod kami pareho at nakaharap sa sunset at nakataas ang left hand ko at right hand naman sa kaniya. Malapit ng dumilim kaya nakapag-desisyon naman kami na bumalik na sa resort.

Habang pabalik na kami ng resort ay nakatingin lang ako sa mga picture namin at hindi ko mapigilang mapangiti sa mga picture namin. May picture pa na nakatingin kami sa sunset at nakahawak siya sa beywang ko at nakahalik sa gilid ng ulo ko. Tangina, kailan pa ako natutong kiligin?

Siya lang ata nakakagawa sakin neto..

_______________________________________________

:> ❤️❤️❤️

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now