Chapter 17

91 7 0
                                    


Dumiritso kaagad ako sa banyo pagkagising ko. Hindi ko na naabutan si Sky, siguro maagang pumunta sa opisina. Ngayon ko ipapasyal ang mga magulang ko dahil bukas ay konting oras nalang kaming magkasama.

Pagkatapos kung maligo ay pumasok na ako sa walk-in closet niya. Dito na nakalagay ang mga gamit ko, malaki naman 'tong walk-in closet niya. Nagsuot lang ako ng crop-top shirt at tsaka shorts na white at sneakers lang. Mall lang naman kami kaya okay na 'to, binlower ko muna ang buhok ko at sinuklay. Naglagay lang ako ng liptint at cheektint sa mukha.

Paglabas ko ng kwarto ay dumiritso ako sa dining. Nakita kung may nakalagay na pagkain na sa lamesa at ang sticky note na nakadikit sa ref.

Goodmorning babe, I have to go early because I have a urgent meeting. Eat your breakfast, I'll call you later when I'm done.. I love you.

—Your love,

Dinikit ko nalang ulit yun sa ref at nagsimula ng kumain. Tinawagan ko si Mama kung nakapag-ayos na ba sila. Pinapagamit ni Sky sakin ang Van niya, tatanggi na sana ako pero he insisted. May sasakyan naman sana sila Tita pero wala daw problema sa kaniya yun. Hindi nalang ako tumanggi, may driver din daw na naka assign.

"Hello, Ma.." sabi ko.

"Anak.."

"Nagbihis na ba kayo?" Ibibili ko rin sila ng damit. Malaki pa naman ang natirang sweldo ko.

"Oo, ikaw ba?"

"Papunta na ako dyan ngayon.."

"Okay, handa na naman kami.."

Pinatay ko na ang tawag at kaagad na akong lumabas ng condo ni Sky. Pagbaba ko sa lobby ay binati kaagad ako ng mga tao dun. Pamilya ni Kian ang may-ari ng condominium na 'to pero hindi siya dito nakatira. Dun sa isang branch nila ng condominium siya, akala ko nga dito e. Ang condominiums nina Kian ang pinaka luxurious na condo sa buong PH.

"Kuya, sa BGC po tayo." Sabi ko sa driver.

"Okay po, ma'am!" Papunta na kami sa bahay nina Tita ngayon. Hindi sila makakasama dahil may aasikasuhin daw sila sa coffee shop nila. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Sky.

Me:

Hey Sky.. goodmorning! Papunta na ako sa bahay nina Tita.. Call me when you're done, I love you..

Pinasok ko na ulit sa bag ko yung cellphone ko. Hindi ko muna inaasahan ang reply niya dahil baka nasa meeting pa yun.

Pag-alis nina Mama pabalik ng Cagayan ay mag e-enroll na ako sa Saint Mary para sa board ko. Mukhang madalang nalang akong makakapag trabaho sa kompanya ni Sky. Nakakahiya naman yun, baka isipin pa ni Jane na inaabuso ko dahil boyfriend ko yung boss ko. Hindi naman yun ang gusto ko, baka lang hindi muna ako makakapasok dahil alam kung magiging busy ako niyan. Magta-take nalang ako ng scholarship para hindi masyadong malaki ang babayaran.

"Nandito na po tayo, Ma'am.." nabalik lang ang atensyon ko ng nasa harapan na kami ng bahay ni Tita. Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto tsaka ako lumabas ng sasakyan.

Pumasok ako sa loob at nakita ko sina Mama at Papa na naghihintay na sa loob. Mukhang maagang umalis sina Tita dahil silang tatlo nalang ang natira dito.

"Ma.. Pa.. Kuya.. tara na?" Bumaling naman sila sakin. Nakangiti naman si Mama na tumango at bahagya lang ngumiti si Papa. Napapansin ko na talaga na parang may nararamdaman itong si Papa. Mukha siyang may sakit.

"May sakit ka ba, Pa?" Nakakunot na ang noo ko.

"Ha? Wala naman anak, okay lang naman ako.." sabi niya rin. Tumango nalang ako at bumuntong-hininga bago ko sila inaya na aalis na kami. Ni lock muna namin ang pinto tsaka kami umalis.

I'm InLove With YouWhere stories live. Discover now