CHAPTER 1

31.3K 886 222
                                    

CHAPTER 1







"ROSI, MAGSAING KA NA!" Napamulat ako ng mata nang marinig ang matinis na boses ni mama.





"Mama, ang aga-aga!" Tugon ko at pikit matang tumayo mula sa higaan namin na karton.





"Magsi-ayos kayo, darating na raw sila Mayor para sa relief goods!" Rinig kong sigaw ni aling Fiona mula sa labas ng bahay namin.





"Hoy, anak ng puta! Magsibangon kayo at magbibigayan na raw ng relief goods!" Bulyaw ni papa kila kuya Arnel, kuya Arman at Arnie sabay tadyak sa mga paa nila.





Nagtali ako ng buhok na tumatabing sa mukha ko at lumabas upang makihilamos kila aling Fiona.





"Jusko, Rosi! Ka-dalagang tao lumalabas ng walang bra.." komento niya nang makita akong pumasok ng bahay nila.





"Mama, wala namang tatakpan 'dyan e." Tugon ni Puresa, ang nag-iisang anak ni aling Fiona na kaibigan ko.





"Alam mo ikaw, tangina mo." Wika ko sa kanya. Humalakhak siya at tumango-tango.





"Alam ko, bhe!" Parang gagong sagot niya. Napairap na lamang ako at nagtungo sa lababo ng kusina nila. Hindi naman kusina 'to, natakpan lang ng pinagtagpi-tagping yero.





"Makikihilamos ah," Paalam ko habang inuusos ang aking mukha ng tubig at sabon nila na pangligo.





"Papaalam ka pa eh naghihilamos ka na," Tugon ni Puresa.





"Leche, hindi kita kausap." Sagot ko.





Tumawa si aling Fiona habang naghihiwa ng mga gulay, nang matapos ako ay pumasok ako sa nag-iisang kwarto ng bahay nila at naghalungkat ng damit ni Puresa na pwede kong hiramin.





T-shirt na puti lamang 'yon kaya sinuot ko na, 'di pa naman marumi ang short at panty ko kaya di muna ako magpapalit.





"Puresa, pahiram ng damit ah." Paalam kong muli pagkalabas ko ng kwarto nila.





Sinamaan niya ako ng tingin, "Dito ka na kaya tumirang tangina ka? Dito ka na naghilamos tapos damit ko pa susuot mo." Aniya.





Inirapan ko siya, "Payag naman si aling Fiona, 'di ba?" Tinignan ko ang mama niya at nagpacute ako para maawa.





"Bahala kayo," tugon niya at lumabas ng bahay na dala-dala ang mga gulay na hiniwa niya.





Nandoon kase ang lutuan nila sa labas, uling at kahoy lang ang gamit katulad namin.





"Anong almusal niyo? Penge ah," kumuha ako ng pandesal at nakiinom ng kape niya.





Napaismid siya at tinignan ako ng hindi makapaniwala, "Ang kapal talaga ng mukha," bulong niya.





Narinig ko naman yon pero wala akong pake.





"Putangina, Rosi! Magsaing ka na!" Naibuga ko ang iniinom kong kape at agad na tumayo.





Hindi ko namalayan na kay Puresa ko pala naibuga ang iniinom kong kape.





"Ambrosia!" Rinig kong sigaw niya, hindi ko na pinansin dahil nagmamadali akong bumalik ng bahay.





Pagpasok ko pa lang ay nakatanggap na ako ng kaltok mula kay kuya Arnel. Ang panganay kong kuya.





"'Di ba inutusan kang magsaing?" Wika niya.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu