CHAPTER 4

20.5K 684 10
                                    

CHAPTER 4






"NANDYAN na si Rosi!" Sigaw ni kagawan Susan nang makita ako.




Agad kaming lumapit kila kapitan na naka-upo sa mga monoblocks na nakapalibot sa may lamesang bilog.






"Rosi, pasensya ka na ah... Ikaw lang kase ang marunong magdisenyo kapag may okasyon sa baranggay natin kaya ikaw lang ang makakatulong ko." Ani kapitan.






Ngumiti ako at tumango, "Okay lang, kap. Wala naman akong gagawin." Tugon ko.






Inabutan niya ako ng isang malaking karton na magaan, kukunin ko na sana ng unahan ako ni Benedict.






"Ako na," aniya.






Nagkibit-balikat na lamang ako at hinayaan siyang bitbitin.






"Teka, ba't ka nga pala nandito, Benedict? Mamaya pa ang usapan niyo ah," wika ni kap sa kanya.






"Sinamahan ko sila," tinuro niya kami ni Puresa. Tumawa si kapitan pati si kagawan Susan.






"Sino ba sa kanila ang pinopormahan mo, Benedict?" Tanong ni kagawad.






"Yak, 'wag mong sabihing ako, Benedict. Mangilabot ka," mabilis na tugon ni Puresa ng nakangiwi.






Umismid si Benedict at nginiwian rin siya, "Hah, asa ka! Hindi kita type 'no!" Sagot niya.






"Nako, huwag ka papahuli kay Mang Orlando... Hahabulin ka ng itak no'n, pinopormahan mo unica ija niya." Banta ni kapitan kay Benedict.






Ngumiwi ako, "Yak..." Sagot ko.






Nginusuan ako ni Benedict na parang nasaktan sa ginawa ko ngunit alam kong nagbibiro lang siya.






"Paano po bang design, kap?" Tanong ko at inilibot ang aking paningin sa buong court.






"Yung simple lang tutal wala na rin naman tayong oras dahil mamaya na yung opening pero dapat presentable dahil bisita natin si mayor." Sagot ni kapitan.






Tumango-tango ako ta nagsimulang mag-isip ng mga disenyo na pwede kong gawin sa loob ng court.






"Kap," Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Kagawad Alberto.






Kasunod niya ang dalawa niyang anak na sila Emma at Emily kasama ang kaibigan na si Scarlett.






Nginitian ko si kagawad Alberto nang nginitian niya ako, "Nandito sila Emma kung sakaling kailangan ng tulong ni Rosi sa paggawa ng disenyo." Suwestyon ni kagawad sabay turo sa dalawa niyang anak na nakangiti kahit halata namang peke.






Puno ng kolorete ang kanilang mga mukha at kulang na lang ay hubarin na nila ang kanilang mga suot sa sobrang ikling ng short at nipis ng tela sa pang-itaas.






"Tutulong kami, kap." Wika ni Emma.






Narinig kong pabulong na umismid si Puresa, "Gusto mo lang magpapansin sa mga basketball player." Aniya, agad ko siyang siniko dahil baka marinig nila Emma ang sinabi niya.






"Oh sige, para mabilis na rin matapos. Okay lang bang tumulong sila, Rosi?" Tanong ni Kap sa akin.






Agad akong nakangiting tumango, "Oo naman, kap." Sagot ko.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz